xl.vi.

3.2K 75 31
                                    

Nang makarinig ako ng katok sa pinto ay napabalikwas ako sa sofa. Alfred and I look at each other. Akala ko ba wala nang tao?

"Lady Ysabelle?"

Agad kong sinuot ng aking blouse. Alfred hastily buttons his shirt. Mas lalo kaming nagmadali nang kumatok muli ang bodyguard ko.

"Lady Ysabelle?"

"Just a minute!" sabi ko habang ibinababa ng maayos ang palda ko.

Pagkatapos magbihis ni Alfred ay pinulot niya ang mga nahulog mula sa mesa.

"Pulutin mo din yon," utos ko sa kanya habang tinatali ang ribbon ng blouse ko. Pinulot ni Alfred ang mga nakakalat na papel sa sahig. I sighed. I already arranged those files, ipapaulit ko na lang siguro sa secretary ko.

Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at nakitang sobrang gulo ng buhok ko. Nakapusod kasi ito kanina at ngayon, tumikwas na ang ilang mga buhok at maluwag na ang pagkakatali. There's also a smudge of lipstick on my left cheek.

Nilingon ko si Alfred na ngayon ay papunta na sa pinto para buksan ito. Maayos na ang mga gamit ko sa mesa, wala na ang mga nakakalat sa sahig.

"What is it?" tanong ni Alfred. Tinignan niya ako mula sa aking pwesto.

 Tinanggal ko na ang panali sa buhok ko, my wavy hair fell in place. I can actually keep my hair like this everyday pero minsan ay naiinitan ako lalo na kapag nasa labas ako. Philippines is very different from London. But those two have something in common, may gusto pa ring pumatay sa akin.

"Okay. I'll tell her," Alfred dismissed my bodyguard who didn't paid attention to me.

Habang naglalakad ako papalapit kay Alfred ay nakatingin siya sa aking mga paa. I also looked down. Wala pa pala akong sapatos! I almost ran to my table at nakitang nandoon ang mga iyon. There's a smile playing on his lips pero pinipigilan niya lang na ngumiti dahil sa masamang tingin ko sa kanya. Ang confident ko pang maglakad papunta sa kanya kanina.

Huminga muna ako ng malalim at hinawi ang buhok kong natatakpan ang kalahati ng mukha ko.

"So, anong sabi ng bodyguard ko?"

Bahagya naman siyang pumormal, "May inabot lang na invitation."

Kinuha ko ang inabot niyang maliit na envelope, decorated with a small purple ribbon and silver glitters. Binasa ko ang laman non. It's an invitation for Dra. Nela Cabreros and Engr. John Dumapit's wedding anniversary sa isang cruise ship. Wow! That must have cost a fortune.

Binsa ko pa ang ilang detalye. Bukas  na pala ito at ngayon lang binigay sa akin. Mayroon naman siguro akong damit na pwedeng isuot para sa event na ito, I don't have to buy a new one. Alfred went beside me para ayusin ang tikwas ng buhok na nasa mukha ko para ilagay iyon sa likod ng aking tenga.

"Uhmm.. Aayusin ko lang saglit ang ibang gamit dito then we can go home," sabi ko. Tumango naman siya at gumilid.

When we went outside my office, may isang bodyguard na nasa labas malapit lang sa elevator. He bowed a little nang dumaan ako. Pagkapasok naming dalawa ni Alfred sa elevator ay agad niyang pinulupot ang isang braso sa aking bewang.

We both look at each other. Pinagtaasan ko siya ng kilay at ganon rin ang ginawa niya. Nang makalabas kami ay may sumalubong na bodyguard uli sa amin. Alfred is still holding me close to him.

He doesn't seem to mind to show affection kahit na nandyan ang mga bodyguard ko. Real or not, sa tingin ko ay may idea ang mga bodyguard ko sa relasyon naming dalawa.

"Sa opisina ka lang ba bukas?" tanong niya nang makarating kami sa condo.

"Roxy texted me kanina, magkita daw kami bukas sa mall. May sasabihin ata"

Blue SkiesWhere stories live. Discover now