xxxix

3.3K 96 29
                                    

"Chef Joyce and Chef Raymart, this is Ysabelle Gregory and my cousin Alfred Salvador.."

Pinakilala sa amin ni Hughes ang mga chef na tutulong sa amin bukas sa pagluluto ng mga nasa menu.

"Sila ba yung sunod na ikakasal Hughes?" tanong ng lalakeng chef.

Halos maibuga ko ang iniinom kong iced tea! Tinignan ko si Alfred na nakangisi lang at parang natuwa pa ata.

"N-No," iling ko.

"Ano ka ba, Raymart. Ibang tao yon.. Ibang tao," sabi sa kanya ng chef na babae. Chef Raymart gave a hearty laugh.

"Aahh, ganon ba? Pasensya na. Medyo tumatanda na, eh.."

Nginitian ko lang sila. The thought of getting married never crosses my mind. At kay Alfred pa! Parang hindi ko ma-imagine. Years ago, I thought it would be impossible for us to be together. Sa estado pa lang ng buhay namin ay alam na. Pero ngayon..

Hindi pa rin. He got a girlfriend. Iyon ang papakasalan niya. Little by little, I become bitter deep inside. Wala na tuloy akong ibang maintindihan sa pinag-uusapan nila.

"Pwede kang sunduin ni Alfred, Ysabelle," Hughes said.

"No. May driver ako"

"Oo nga pala.."

It's past six nang matapos kami sa pagpa-plano ng menu. Marami kasing arte ang mga kamag-anak ni Lucas kaya medyo nahirapan kami.

"Okay na ba Hughes? I have to go now.."

Hinagilap ko na ang aking bag at cellphone.

"Yes. Balik na lang uli kayo dito bukas ng hapon," Hughes looked at me then to Alfred. Pagkatapos ay binalingan ako uli,"May lakad ka ba Ysabelle?"

Umiling ako, "Wala naman. Roxy just texted na nasa condo ko raw siya. Baka may problema.."

Tumayo na ako at ganon din si Lucas. Nanatiling nakaupo si Alfred habang nakahalukipkip at tinitignan ako. When I rose up, he shamelessly looked at my body. Nairita tuloy ako.

"Alis na ako, Hughes"

Lumapit si Hughes sa akin to give me a friendly hug. Tinapik ko rin ang likod niya habang magkayakap kami.

"Ingat ka. Should I walk you outside?"

"Hindi na. I have my bodyguards with me. Bye.."

I looked at the table again at nahagip naman ng tingin ko si Alfred na nakasimangot at binibigyan ng mapagbantang titig ang kanyang pinsan na nakangiti sa kanya.

Mabilis na lumapit sa akin ang bodyguards ko. They opened the door for me at nakita kong nakahanda na ang kotse sa labas.

Naging medyo matagal bago ako nakarating sa condo dahil sa traffic. I saw my friend Roxy sitting on the sofa drinking wine.

"Good evening, ma'am. Nandito po yung kaibigan niyo, si Ma'am Roxy," sabi ni Ate Ada.

Roxy immediately looked at me nang marinig niyang nandito na ako. She smiled sadly. Alam ko na agad na may problema. Binaba ko ang bag na suot ko at naupo sa tabi niya.

"Problem?"

She sighed, "Jasmine brought Cyrus in our apartment."

"And?"

Padarag niya akong hinarap. Now, nakita ko na ng maayos ang kanyang itsura. She looked like a mess! Magulo ang buhok niya at tingin ko ay hindi niya pa na-blend ng maayos foundation sa mukha niya. Kumuha ako ng tissue sa bag at pinunasan ang kalat niyang make-up.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now