x

3.7K 120 8
                                    

"Anong oras po ba ang party ni Sir Alfredo? Bakit naghahanda na kayo", tanong ko kay Nanay Josie.

Ate Mercy told me that the party will start at 6:30 in the evening. It's still 4:30 medyo maaga pa at nag-aayos na sila. Sinarado na ni Lola Caring ang kanyang tindahan samantalang si Nanay Josie ang palakad-lakad na sa sala dahil hinahanap niya ang sapatos niya. I brought out one of Tita Vangie's tailored dress.

"Maligo ka na, Ysa! Sasama ka sa amin!", sigaw ni Nanay Josie mula sa kanyang kwarto. Bakit di nila sinabi kanina? Edi sana nagmadali akong umuwi. Tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko para pumili ng damit na isusuot ko. It has one-fourths sleeves at cream ang kulay nito with small details of red flowers and v-necked thin ruffles na may pa-sinturong tali sa bewang that would define my small waist. Medyo maikli siya pero mukha namang pwede ito sa isang party.

Mabilis lang ang pag-aayos ko. Hindi ko na kinailangang ayusan pa ang buhok ko dahil itatali ko rin naman ito kapag medyo tuyo na. Nagliptint at powder lang ako. Nilagay ko ang mga iyon sa maliit na bag na dadalhin ko. I sprayed some perfume and went downstairs para isuot ang dark brown wedge na sapatos ni Nanay Josie. Hindi naman niya masyadong ginagamit iyon.

"Nay, may regalo po ba tayo para kay Sir Alfredo? Nakakahiya nama--", natigilan ako nang makitang nakaupo si Alfred sa sofa. Bakit siya nandito?!

"Good evening ", bati niya. Gabi na ba? I looked outside. Oo nga gabi na. Malapit na sigurong mag-alas sais.

"Meron. Kunin mo doon sa mesa. Ikaw na ang magbitbit..", sabi ni Nanay Josie mula sa kanyang kwarto. Lumabas naman si Lola Caring galing sa kusina, siya ata ang nagpapasok kay Alfred dito.

Kinuha ko ang regalo pero di muna ako pumunta agad sa sala. Hihintayin ko na lang ang pagbaba ni Nanay Josie.

"Pasensya na sa istorbo. Dapat nagpapahinga ka, eh.. ", sabi ni Lola Caring kay Alfred.

"Ayos lang po yon.. ", he smiled at her. Napansin kong lilingon siya sa gawi ko kaya agad-agad akong tumalikod. Sinarado ko ang mga bukas na bintana at chineck ang pinto papunta sa bakuran kung naka-lock na.

"Tara na. Si Ysabelle?"

"Nandito po.. ", naglakad na ako papunta sa kanila. Inalalayan ko si Lola Caring papunta sa SUV ni Alfred habang abalang nila-lock ni Nanay Josie ang mga pinto.

Kami ni Lola Caring ang naupo sa back seat habang si Nanay Josie naman ang sa front seat na pinagbuksan pa ng pinto ni Alfred. Nagkukwentuhan sila tungkol sa trabaho ni Alfred dahil napansin nila ang benda sa kanang braso niya.

"Napano ba yan?", kuryosong tanong ni nanay.

"Nadaplisan lang po ng bala..", he nonchalantly said.

"Delikado pala ang trabaho mo! Akala ko sa opisina ka lang", kumento ni Lola Caring habang sinisilip ang braso ni Alfred. Nanatili akong walang reaksyon. Dahil naisip kong normal lang iyon sa trabaho niya. "Ano bang ranggo mo iho?"

"PO3 po"

"Malapit ka na bang ma-promote?", tanong ni Nanay and Alfred laughed.

"Malayo-layo pa po. Marami pa akong pagdadaan..", he said meaningfully.

"Malaki ba ang sweldo mo?", tanong uli ni Nanay, "Pasensya na iho, ah! Hahahaha, curious lang ako.."

"Para sa akin po, sakto lang."

"Hindi ba dapat medyo malaki yan dahil binubuwis mo ang buhay mo..", sabi ni Lola Caring, "Hindi mawawala ang posibilidad na mapahamak ka.."

"Wala naman pong kaso sa akin yon. I took this job and I embraced its duties and responsibilities.."

Blue SkiesWhere stories live. Discover now