xix

3.3K 99 18
                                    

"Ang dami naman nito!", reklamo ko kay Lucas. Kahit ata mga sapatos na hindi ko naman magagamit ay binili niya.

Tinignan niya ang mga paper bag na bitbit niya pati yung akin, "Nah "

I scoffed. Unbelievable!

Kumain kami sa isang fast food at ang dami niyang inorder. Because he really likes the chicken there at iba pa. Umuwi kami ng alas otso, kahit sina Lola Caring ay nabigla sa dami ng binili ni Lucas para sa akin. Lucas even bought some gifts for them.

"Nako! Salamat, hijo pero hindi ka na dapat nag-abala pa..", sabi ni Lola. Habang tinitignan nina Nanay Josie ang laman ng mga paper bag ay hinatid ko muna si Lucas hanggang sa gate.

"Ysa, Uncle Nick actually have a plan for you..", sabi niya.

"Ano yon?"

"He wants you to study college at London.."

Nakutuban ko na ang tungkol dito lalo na ng ipaalam niya sa akin ang plano nilang papuntahin ako sa London to meet my other relatives. Magandang opportunity iyon pero ayoko. I don't think I can leave Lola Caring and my friends yet.

"Natanggap na ako sa guso kong university sa Manila. Ayos na ako doon, please tell him that.."

Hindi natinag si Lucas sa sinabi ko, it is as if he expects my refusal. "Okay, I'll tell him. Pero sasama ka pa rin sa akin sa London on summer.. "

Tumango ako. We hugged each other before he left. The weekend came and ended fast, wala akong na-receive na tawag o message galing kay Alfred. Baka busy pa siya sa misyon niya.

He told me that he'll be out for a mission again just a few days ago para kapag natapos iyon ay magkaroon siya ng oras for my graduation. May plano na ring maghanda sa araw na iyon sina Lola Caring at pupunta si Lucas.

Naging busy kami nang mag-Lunes. Pasahan na ng mga requirements namin at practice ng graduation naman ang ginawa namin sa hapon. Sa open field gaganapin ang graduation ceremony kaya kapag naarawan ay medyo napagpapawisan kami.

"Wag niyong kakalimutan yung mga pwesto niyo, ha? Bilisan niyo rin ang kilos para hindi naii-stuck yung ibang estudyante..", anunsyo ng isang teacher namin.

Medyo maagang natapos ang practice namin dahil may basketball game ang ilang estudyante.

"Ano Sabelle? Sama ka?", tanong ni Marish sa akin.

"Hindi. Sa susunod na lang..", sagot ko. Wala ako sa mood ngayon para sa mga ganyan. Ilang araw na akong hindi kino-contact ni Alfred though I sent him a message once, hindi pa rin siya nagrereply.

"Okay ka lang? Bakit parang malungkot ka?", tanong ni Jasmine sa akin habang naglalakad kami palabas ng school.

"Si ano kasi.. Alfred.. "

"Hindi ka pa tinatawagan.", she concluded, "Baka busy pa. Hayaan mo na magkikita naman kayo sa graduation, eh.."

Tango lang ang nagawa ko. Hawak-hawak ko pa rin ang phone ko hanggang ngayon. Kanina sa practice habang nakaupo ako ay sinusulyapan ko iyon kung may nagtext ba pero wala. I even checked if he's online.

"Ysa.."

"Oh?"

"May sundo ka..", she said. Napairap ako saglit. Pag yan si Lucas lang sasakalin ko na siya.

"Si Lucas ba? Tsk. Sabi ko naman sa kanya wag na ak--"

"Si Sir Alfred "

I immediately looked around and saw him leaning against the door of his SUV! He's wearing his casual clothes baka tapos na ang misyon niya. Pero parang ang bilis naman ata? Binilisan ko ng konti ang paglalakad pagkatapos kong magpaalam kay Jasmine.

Blue SkiesWhere stories live. Discover now