Walang bakas ng kung anuman ang kaniyang mukha, ngunit siya'y ngumiti pa rin sa akin.

Ayaw kong bitawan ang kaniyang kamay. Nais ko siyang makilala at makasama. Nagustuhan ko kung paano kumabog ang aking dibdib habang nakatingin siya sa akin. Nagustuhan ko kung paano niya ako napapangiti nang wala sa sarili.

Natalia.

"Ladies, I present to you, Maximo Valencia. My friend, and your future doctor." pagpapakilala ni Isagani sa akin sa mga dayuhang binibini.

Hindi ko na ito binalingan ng atensyon sapagkat nanatili ang aking mga mata kay Natalia. Marahan kong ibinaba ang kaniyang kamay, at bumalik na siya sa kaniyang pagkakaupo. Naupo na rin ako, ngayon ay sa tabi na niya.

***

Dumaan ang ilang mga oras ay naglalakad na kami patungo sa dormitoryo ng mga babae, hinahatid sina Natalia at ang kaniyang mga kaibigan.

Nauna si Isagani sa akin, kinokonsorte sina Marie-Louise at Suzanne. Marahang nagtatawaan ang mga ito dahil sa kaniyang biro, hindi naman ako nakisali sapagkat narito ako sa kanilang likuran.

Sina Amelia Pierre at iyong isa pang Kastilang binibini ay hindi na sumabay sa amin sapagkat inanyayahan silang sumayaw ng iilang mga kalalakihan, kung kaya't nauna na lamang kami. Sa katunayan ay inanyayahan din ng isa naming kaibigan na si Herman si Natalia, ngunit tinanggihan niya ito at napagpasyahang umuwi na lamang.

Si Natalia ay nasa aking tabi, kami'y magkasabay ng hakbang.

Tiningnan ko ito, at napangiti na lamang muli. Binalingan niya rin ako ng tingin, at kumunot ang kaniyang noo nang nakita nitong nakangiti ako sa kaniya.

Ibinalik ko na ang aking mga mata sa unahan, nakangiti pa rin. Magaang humahakbang si Natalia habang nakatingin diretso sa unahan. Binalingan ko muli siya ng tingin, at isinaulo ang detalye ng kaniyang mukha.

Nang lumingon ito sa akin ay agad na nasagip ko ang kaniyang kayumangging mga mata na animo'y lumiliwanag sa malamlam na ilaw, ang matataas nitong mga pisngi na bahagya nang namumutla dahil sa lamig ng gabi, at ang mumunting mga buhok nito na lumalagaylay sa kaniyang ulo.

Napagtanto ko na lamang na panay akong nakatitig kay Natalia nang nabangga ako sa likod ni Isagani. Lumingon lang ito sa akin at ngumisi na para bang alam na niya kung bakit ako nabangga sa kaniya.

Nilibot ko ang aking paningin at nakitang narito na pala kami sa harapan ng dormitoryo ng mga babae.

Nilingon ko si Natalia, ngunit naglakad lamang siya patungo sa kinaroroonan nina Marie-Louise bago tumingin sa akin.

"So, I think this is already a goodbye." wika ni Isagani sa tatlong binibini na aming inihatid.

Ngumuso si Marie-Louise, ngunit natawa na lamang si Isagani dahil doon.

"You must not look at me like that, Mademoiselle. I can assure you, you can still see me for years of studying in the same university."

"Bonsoir, Monsieur Domingo. J'espère pouvoir vous revoir bientôt." (Good night, Mr. Domingo. I hope to see you again soon.) tugon ng binibini at nagdampi ng magaan na halik sa pisngi ni Isagani.

Ngumiti lamang si Isagani sa kaniya.

Kumaway sa amin si Suzanne bago niya binuksan ang pinto ng dormitoryo at pumasok. Sumunod sa kaniya si Marie-Louise habang nagpapalitan pa rin ng ngiti kay Isagani.

Aking binalingan ng tingin si Natalia at nakitang nakatingin na ito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, at siya'y dali-daling umiwas ng tingin.

"Good night, Natalia."

Mi Querido, EspérameWhere stories live. Discover now