Chapter 10

4.5K 34 4
                                    

Sathana Pov

Saan na kaya ang lalakeng yun?

Bakit wala pa ito?

Oh my gosh.

Baka may ginawa na sila ng lianne na yun.

Well, its none of my business anyway kung san man ito pumunta. 

Kanina pa siya wala sa sarili dahil kay prince.

Kahit anong pilit niyang huwag isipin ang lalake, panay pa rin ang pop out ng mukha nito sa utak niya.

"Miss Silvestre!!"  sigaw ng guro niya.

"M-mam?"

Ha? Ano na naman ang ginawa ko? 

"Are you with us Ms. Silvestre? Kanina pa kita tinatawag. Do I really need to shout your name before I can have your attention?" striktong wika ng guro nila.

 Shit talaga ang prince na yun.

Napagalitan pa tuloy siya ngayon dahil sa kaiisip sa lalake.

"K-kasi po..... ang sakit-sakit talaga ng puson ko." at agad niyang hinawakan ang puson niya at kinagat ang labi.

Ginalingan niya talaga ang pag-arte para maniwala ito na masama talaga ang pakiramdam niya.

Tumalab naman ito at agad na lumapit ang kanilang guro sa kanya.

"Are you okay? Do you wanna go to the clinic? Can you go alone?" nag-aalalang wika nito.

"Yes. I think so." malumanay na wika niya na parang may totoong sakit siya.

Bilib na talaga siya sa sarili. Biro mo nauto niya ang teacher nila pati na arin ang mga classmate niya kaya naman naglalakad siya ngayon sa hallway.

Ayaw niyang pumunta sa clinic dahil wala naman talaga siyang sakit at tsaka ayaw ang mga estudyanteng masasama ang pakiramdam doon baka mahawa lang sya.

Napagdesisyunan niyang pumunta sa library dahil pwede siyang matulog dun. Hindi rin masyadong pumupunta ang mga estudyante dun dahil hindi pwedeng mag ingay.

Pagdating niya sa library, pumunta siya sa pinakadulo kung saan halos mga 1400's ang mga libro. Walang pumupuntang estudyante dun dahil hindi interesado ang mga ito na magbasa ng mga out dated na libro. Mga maaarte kasi ng mga studyante sa school nila.

Kumuha siya ng isang libro at umupo sa pinakadulo ng 1400's section at sinandal ang sarili sa pader.

Tinakip niya ang libro sa mukha at nagsimulang umidlip.

Maya-maya naman ay dinalaw rin siya ng antok at nakatulog.

Medyo napagod rin ang utak niya sa kakaisip.

Bahala na kahit na hindi siya umattend sa ibang klase niya.

Tutal naman ay akala ng mga ito na may sakit siya kaya eenjoyin niya na lamang ang pagkakataon.

Sayang naman ang acting niya kanina kung hindi niya lulubus-lubusin ang kanyang break.

........

............

...............

......

"Mmmmm.." mahinang  niya.

Ang sarap-sarap talaga ng tulog niya.

Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mata.

Kahit medyo inaantok pa siya, kailangan niyang gumising baka masarhan siya sa library.

Arranged Marriage To My Prince✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon