Chapter 26

4.2K 50 14
                                    

Sathana's Pov

Goodness.

She can't believe that they made a scene in the aquarium place.

Oh well. Doesn't matter.

They won't see those people again so she doesn't care even if they make a fuss.

Tsaka wala namang nakakakilala sa kanila dito kaya pwede nilang gawin kahit anong gusto nila. Bitter lang yung mga kumukontra. hehe.

Pero so overwhelming pa rin yung ginawa nila. Kilig much siya but on the otherhand embarassing rin.

Nasa park sila ngayon. Malapit sa may aquarium place. Hinila niya dito si prince ng i-release na siya nito sa yakap. Sino ba namang hindi magpa-panic, pinapalibutan na kaya sila ng mga tao at nagbubulungan pa ang mga ito.

Mabuti nalang at hindi niya naiintindihan, kung hindi baka kanina pa siya natunaw sa sobrang hiya. Pero medyo proud rin siya sa nangyari, atleast napakita niya sa mga babae dun sa aquarium na pagmamay-ari niya si prince. Ng dumating kasi sila sa aquarium place, nahalata niya na agad ang mga flirty looks ng ibang babae.

Tss. Bitches. LOL.

Jealous much lang. Hehe.

Okay fine. Inaamin niyang selosa siya tsaka possessive pero normal lang naman yun. Diba? Tsaka kanya naman talaga si prince eh.

Asawa niya na ito so it means he was already hers.

Nakaupo siya ngayon sa bench sa may park habang hinihintay si prince.

Bumili ito ng drinks nila kasi kanina pa siya nauuhaw. Sinabihan siya ng lalake na hintayin nalang siya nito dito at ito na ang bibili ng inumin.

Habang hinintay niya si prince ay napagdesisyunan niyang maglaro ng Sushi Chop sa phone niya. Naka-roaming ang number nilang dalawa ni prince dito sa guam so may signal sila at pwede nilang magamit ang phone nila dito.

Thank god they're living in this generation. Everything is high-tech.

When she opened her phone she was about to play the game but she notice that she have 2 messages.

Obviously, galing ito kay jelly.

Inopen niya ang message.

Heya chickas! What's up? Having a good time with your PRINCE charming?

Napangiti siya sa message nito.

Sira talaga ang kaibigan niya.

As you can tell, alam ni jelly ang tungkol sa kasal nila ni prince.

Ayaw niyang nagtatago ng sekreto sa kaibigan.

Except sa sekreto niya tungkol sa lababo, alam halos ni jelly lahat ng pinaggagawa niya sa buhay. Silang dalawa lang ni kuya nathan niya ang may alam tungkol sa phobia niya sa sink and it was secret among secret for both of them.

Hindi niya ma-describe ang reaksiyon ng kaibigan ng sinabi niya na ikakasal sila ni prince. Shock na shock rin ito.

Sino ba namang hindi masosorpresa, eh biglaan ang lahat.

Masaya ito at kinikilig masyado para sa kanya. Parang mas excited pa nga ito sa super fast marriage nila.

Feeling niya ang 80 percent na excitement ni jelly ay dahil ito ang ginawa niya itong maid of honor at pares nito si kuya nathan niya. Lol.

Ng nasa waiting room sila habang hinihintay na mag-start ang ceremony ng kasal nila ni prince, parang magka-level lang ang nervousness nilang dalawa.

Arranged Marriage To My Prince✅Where stories live. Discover now