Chapter 7

4.8K 41 1
                                    

Shit!

Sino kaya ang lianne na yun at pangiti-ngiti pa ito ang mokong na 'to.

Parang biglang nag-glow ang mukha nito pagkabanggit sa pangalan ng babae.

"So, pupunta ka dito sa pilipinas bukas?"

....

"Ano bang araw bukas?"

....

"Oh yah. Right. Its friday tommorow."

...

"Okay'okay. I'll meet you at the airport tommorow. "

Airport daw.

Tsss

. Baka nga girlfriend niya ito.

Ang tanga-tanga ko talaga.

Bakit kasi hindi ko muna tinanong kung may girlfriend siya bago ako nagpahalik sa kanya.

Eeshhh.

Nakakairita naman!

.....

"Bye. Take care." at nilagay ulit nito ang cellphone sa bulsa nito.

Nakakailang ang sitwasyon nila ngayon ni prince.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Ngumiti ito sa kanya.

Hindi naman siya makatingin sa lalake ng matagal.

Ano nalang ang iisipin nito sa kanya.

"I-i have to go upstairs. I forgot that I have to do something." wika niya at binigyan niya ito ng napaka-awkward na ngiti.

Ang lakas-lakas talaga ng tibok ng puso niya.

Inalis naman ni prince ang kamay nito sa bewang niya at agad na hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"So after you've taste me, you're gonna run away?"

Ano daw?

Tasted me.

Aba.

Sino ba sa kanila ang unang humalik at nang-akit sa kanya?

At naramdaman niyang parang uminit bigla ang pisngi niya.

Eesh.

Heater ba ito at lagi nalang akong nagblublush kapag kasama ko mokong na 'to.

You're so embarassing sathana!

"You're really cute when you blush." nakangiting wika nito.

Mababaliw na talaga siya.

Bakit kasi ang gwapo-gwapo nito kapag ngumiti.

At agad niyang naalala na ang sarap ng ngiti nito ng banggitin ang pangalan ni lianne.

Parang uminit tuloy ang ulo niya at agad niyang hinila ang kamay mula sa lalake.

"Hey. What was that?" wika ni prince at parang nagtataka ito ng biglang nagbago ang mood niya.

"I'm going upstairs now." at agad siyang tumalikod para umalis pero agad namang hinawakan ng lalake ang braso niya.

"What's wrong?" tanong nito.

"Nothing."

"Nothing but you're acting weird."

"I'm not being weird. I'm just being ME again." malditang wika niya.

"Stay here."

"I said I have to go upstairs."

Arranged Marriage To My Prince✅Место, где живут истории. Откройте их для себя