Chapter 3

5.9K 63 1
                                    

                                     [Nathan]________________________________________________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

                                     [Nathan]
________________________________________________

Paglabas niya at ni jelly sa may gate, nakita agad nila ang mga sundo nila.

Yumakap sila sa isa't-isa at agad na sumakay sa kanya-kanyang kotse.

Pagdating niya sa bahay nila, aakyat na sana siya sa kwarto niya ng mapansing nasa sala ang mga magulang nila.

Oh? bakit sila nandito? Ang weird.

Teka. May bisita ata kami.

Tiningnan niya ang mukha ng mga bisita at hindi siya makapaniwala sa nakita.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Pumikit siya at kinuyos ang mga mata para makasigurado na hindi siya nanaginip.

Dahan-dahan niya itong minulat.

1...2...3..

Oh my gosh. He's here in our house!!.

PRINCE LEE IS IN OUR HOUSE!!

This is a dream. Right?

Hindi niya talaga inaasahang makikita ang lalake sa bahay nila at naka-upo pa ito sa sofa nila. Hindi niya matantiya kung gising ba talaga siya o ilusyon lang lahat ang nakikita.

"O, Thana, my dear. Come here and I'll introduce you to our visitors." nakangiting wika ng mama niya.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito.

"Dear, I want you to meet your tito king, tita quinne and their son prince. Bestfriend namin sila ng mommy mo mula highschool." wika ng dad niya.

Napangiti siya ng marinig ang pangalan ng pamilya ng lalake.

Yumakap siya at humalik sa mga ito.

Nagshake hands rin siya kay prince at hindi nagpahalatang kinakabahan.

"Your daughter is so charming nymphee and she's so pretty like you." wika ng mommy ni prince.

"Thank you." medyo nahihiya niyang tugon.

"Wait. You and prince are schoolmates right? I heard that you also go to Century High Academy. Am i right?" tanong ng mama ni prince.

"We're classmates mom." sagot ni prince.

"Really? What a coincidence!" masayang wika ng mama niya.

Hindi niya alam kung bakit tuwang-tuwa ang mga ito na marinig na magkaklase sila ng lalake.

Nagpalitan muna sila ng tanong ng mama ni prince bago niya napagdesisyunang umakyat sa kwarto para magbihis.

"Ahmmn. If you'll excuse me, I think need to change my clothes now." nakangiting wika niya.

Arranged Marriage To My Prince✅Where stories live. Discover now