Chapter 5

5.2K 48 1
                                    

Napakalakas ng tibok ng puso niya.

Hindi niya maalis-alis ang tingin habang papasok ang ninong niya.

Kasunod nito ang evil witch na si Ms. Crunia.

Maraming eksena ang pumapasok sa isipan niya ngayon.

Kahit kailan ay hindi pa niya naranasang pagalitan ng ninong kahit marami na siyang nagawang masama sa skwelahan pero ngayon baka napuno na talaga ito sa kanya lalo pa at si Ms. Crunia ang kinalaban niya.

Napaka-story maker pa naman nito.

Baka kung anu-ano ang pinagsasabi nito sa ninong niya.

Tss.

If I know.

Nagdrama ka ng todo kay ninong kaya niya ko pinuntahan dito.

Sumbungera!!

Ang loser mo talaga kahit kailan.

Shame on you!.!

"I told you so. Dadating ang presidente. Na-delay nga lang." bulong ni samantha sa kanya at agad na pumunta sa upuan nito.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito.

Nag-formulate siya ng mga rason sa isipan niya kung saka-sakaling tanungin siya ng presidente.

Mabuti ng prepared siya.

Tiningnan niya si Ms. Crunia.

Nakangiti ito sa kanya. Ngiting parang nambwibwisit.

Kulang nalang ay ipagsigawan nito na "2nd ROUND!"

Kala mo maiinis ako sa ngiti mo.

In your dreams men!

Gusto mo turuan pa kita ng totoong ngiti.

Duh.

At talagang dito pa nito dinala sa classroom nila ang presidente.

Gusto siguro nitong i-regain ang nasirang image kahapon.

"I'm sorry for interrupting your lunch." intro ng presidente.

Inayos niya ang upo at tiningnan ng diretso ang ninong niya.

"I have heard that something terrible happened here yesterday." seryosong wika nito at agad na tumingin sa kanya.

Yumuko siya.

Nahihiya talaga siya sa ninong niya.

Hindi na mabilang-bilang ang mga kagagahang ginawa niya sa skwelahan na pinalampas lang nito.

Kung hindi lang talaga siya nito inaanak baka matagal na siyang nakick-out.

"Ms. Silvestre can you tell me what it is?"

Napahigpit ang hawak ni jelly sa kamay niya.

Ngumiti muna siya sa kaibigan bago sumagot.

Na parang sinasabi niya na okay lang siya at huwag itong masyadong mag-alala.

Tumingin muna siya kay Ms. Crunia.

Lalong naging demonyo ang ngiti nito.

Uminit tuloy bigla ang ulo niya.

Huminga siya ng malalim at pinalambot ang mukha na parang inosenteng anghel.

Kailangan niyang kunin angloob ng ninong niya.

Hindi niya puwedeng gamitin ang evil form niya ngayon.

"I just didn't follow Ms.Crunia's orders and I think I have the right to refuse." malumanay na wika niya at pa-inosenteng tumingin sa ninong niya.

Arranged Marriage To My Prince✅Where stories live. Discover now