Chapter 4

5.8K 54 3
                                    

Kinaumagahan ay maaga siyang gumising at agad na naghanda para pumasok sa skwela.

Katulad pa rin ng nakasanayan. Hindi niya sinunod ang kanilang proper uniform.

Inayos niya ang bag pack at agad na sinablay sa kanang balikat.

Paglabas niya ng pinto, nabigla siya ng makita si prince.

Nakalimutan niya saglit na dito na ito nakatira sa kanila.

Parang nakakita tuloy siya ng multo.

Nakasandal ito sa pader, sa harap ng pinto ng kwarto niya. Naka-uniporme na rin ito at medyo basa pa ang buhok.



Shet.

Ang gwapo.

Akin ka nalang. S- .



Mali.

No.

This is not right.



Erase-erase.

Ano 'tong bang pinag-iisip ko. Ang landi talaga.



"Morning." nakangiting bati ni prince.

"M-morning".

"Hmmn..Now I noticed. You're not wearing proper uniform."

"Its because I'm different."

"I have no doubts about that."

"Whatever. Let's just eat okay." wika niya at agad na hinila ang lalake sa kusina.



Medyo nabawasan na ang pagka-ilang niya kay prince ngayon.

Medyo bumagal na rin ang tibok ng puso niya.



Yes!

This is an improvement.



Nakahain na ang almusal nila pagdating sa kusina.

Obviously, dun sa kusina na walang lababo.

Gusto niya talagang mairita sa sarili.

Akala niya na okay na ang feeling niya pero ngayon naiilang naman siya habang kumakain sa harap ng lalake.

Lagi siguro siyang magugutom habang nandidito ang lalake sa bahay nila dahil hindi siya makakakain ng maayos.

Mahinhin niyang hiniwa ang karne at sinigurado niyang maliliit ang paghiwa dahil baka malasin siya at mabilaukan sa harap nito.

"Walang ganang kumain?" tanong ni prince.

"Ah.. eh.. hindi naman. Medyo mahirap lang hiwain ng karne."

Ngumiti ito at kinuha ang pinggan niya.

Hindi niya inasahan ang ginawa nito.

Hiniwa ng lalake ang karne para sa kanya at agad na binalik ang pinggan sa harap niya.

"Okay. Let's eat now." at agad itong ngumiti at pinagpatuloy ang pagkain.

Napangiti siya sa ginawa nito.

Huminga siya ng malalim at napagdesisyunang kumain ng maayos.

Dapat niyang sanayin ang sarili dahil araw-araw niya iton makakasamang kumain.

Walang magagawa ang hiya niya kung gugutumin siya mamaya sa skwela.

Marami pa naman siyang mortal enemies na umaaligid sa campus nila.

She really needs energy to defeat them.





Pagkatapos nilang kumain, sabay silang lumabas sa bahay nila.

Hindi niya alam kung ano ang magiging plano nila para hindi malaman na sa kanila ito nakatira.

Tsaka iisang kotse lang ang maghahatid sa kanila sa school araw-araw.

"Halika na." wika niya kay prince.

Bahala na talaga si batman sa kanya. Mamaya niya na poproblemahin ito kapag malapit na sila sa skwelahan.

Magkatabi silang umupo sa likod ng sasakyan.

Lumilipad ang isip niya habang bumibiyahe.

Iniisip niya kung saan bababa dahil kapag nakita silang dalawa na bumaba sa iisanng sasakyan, talagang dadagsa na ang mga haters niya at pagpipiyestahan siya ng kanyang mga kaaway.

Huminga siya ng malalim at tumingin sa bintana.

Nasa shop na sila malapit sa may paaralan nila.

Tiningnan niya ang kanyang relo.

7:45am na.

Kung maglalakad siya mula dito, siguradong makakarating siya sa paaralan bago mag-bell.

"Ma-" naputol ang sasabihin niya ng biglang nagsalita si prince.

"Manong ed. Pakitabi naman. Dito lang ako bababa."

Nagulat siya sa sinabi nito.

"See you in school." wika ng lalake at ngumiti pa ito bago bumaba.

Hindi niya talaga maintindihan ang takbo ng utak nito.

Sinundan niya ng tingin ang lalake habang umaandar ang sasakyan at naglalakad ito.

Medyo nakonsensiya siya dahil sa sinabi niya kay prince kagabi na ayaw niyang malaman na sa iisang bubong lang sila nakatira,

Kaya siguro ito bumaba sa sasakyan bago sila makarating sa skwelahan.





Pagdating niya sa gate ng skwelahan, huminga muna siya ng malalim bago bumaba sa sasakyan.

Hindi siya dapat magpapa-apekto sa kung ano man ang maririnig niya mula sa ibang estudyante.

And as what she expected, paglabas niya ng sasakyan ay agad na tumingin sa kanya ang mga schoolmates at classmates niya.

Nagbulungan ang mga ito habang dumadaan siya.

Ang iba sa mga ito ay sinadyang paringgan siya.

Ang mga bawat tingin ng mga ito ay parang hinuhusgahan siya.

Binalewala niya na lamang ang mga ito.

Sanay naman siya na lagi nalang siyang Talk-of-the-town.

Hindi na bago sa kanya ang ganitong eksena.

Kunwari ay wala siyang naririnig.

Taas noo pa rin siya hanggang sa pagpasok sa kanilang room.

At as usual, pangalan na naman niya ang umuusbong sa lahat.

Pati ang kaibigan niyang si jelly ay tahimik lang sa upuan nito.

Noong una ay lagi itong nakikipag-away sa ibang tao kapag pinag-tsitsismisan siya pero ngayon, katulad niya, nasanay na rin ito at binabalewala nalang ang naririnig.

Kino-console na lamang siya nito kapag silang dalawa nalang.

Hindi na nagulat ang mga kaklase niya ng makita siya. Hindi na nagtaka ang mga ito kung bakit pa siya pumasok matapos ang pangyayari kahapon.

Dumiretso siya sa kanyang upuan at binalewala ang mga masasamang tingin ng mga kaklase.

Habang inaayos niya ang gamit, hindi pa rin matapos-tapos ang bulungan ng mga ito tungkol sa kanya.

Mabuti sana kung hindi ng mga ito pinapahalata na siya ang topic nila.

Kulang nalang ay isagaw ng mga ito ang pangalan niya at gumawa ng malaking plackard na may nakasulat na "SATHANAS!"

Hindi na ata napagod ang mga ito sa kakatsismis sa kanya. Lahat nalang ng tungkol sa kanya ay pinag-uusapan ng mga ito.



Maya-maya ay tumunog na ang bell. Bigla niyang naalala si prince.

Tumingin siya sa likod niya.

Wala pa rin ito.

Lalo tuloy siyang na-guilty dahil siya ang dahilan kung sakaling ma-late ito.

Pagharap niya ay nakita niyang pumasok si samantha at ang crew nito.

Tumingin ito sa kanya at bigla siya nitong tinaasan ng kilay.

Inirapan rin siya nito matapos siyang titigan ng masama.

Binalewala niya lang ang ginawa ng babae at hindi nagpa-apekto.

Ayaw niyang patulan ito at gawing SUPER DUPER WICKED BRAT ang sarili.

Sa totoo lang, mahaba naman ang pasensiya niya at hindi naman siya ganun kasama basta't huwag lang isama ang lababo sa usapan.

Marinig niya lang ang salitang ito ay parang lumalambot na ang tuhod niya.

Ano nalang kung maka-face to face niya na ito.


"Guys, Guess what?" wika ni samantha sa buong klase at nakapamewang pa ito.

Tsss. Akala mo naman, kagandahan. Duh. Stop dreaming girl. Can you just shut your fucking mouth and sit in your freaking chair!?

"Our school President is going here later and when I say here, It means HERE IN OUR CLASSROOM! hahaha. Poor you." at agad siya nitong tiningnan.

"Ano kaya ang gagawin niya dito?" hirit ni Pinky, one of the crew ni samantha at tinaasan pa siya nito ng kaliwang kilay.

"I think someone's gonna lose her face later."

Ngumiti lang siya.

Ayaw niyang patulan ang pinagsasabi ng mga ito.



Maya-maya ay dumating na rin ang kanilang adviser na si Ms. Cynthia.

Mabait ito at kahit na maarte siya, hindi siya nito pinagbubuntunan ng galit.

Hindi siya agad nito hinuhusgahan at kahit walang kwenta ang mga explanation niya, pinakikinggan pa rin siya nito.

Tiningnan niya ulit ang backdoor ng room.

Wala pa rin si prince.

Sinisisi niya tuloy ngayon ang sarili kung bakit wala pa ito ngayon pero kung iisipin dapat ay nandito na ito kahit hindi ito masyadong nagmamadali sa paglalakad.

Kainis talaga 'tong mokong na 'to at ako pa ngayon ang naguiguilty. Eeesh.

Tumingin naman siya sa frontdoor ng classroom.

Baka sakaling maisipan nito na dito ito dumaan.

And she's right!

Parang tumigil ang mundo niya ng makita si prince.

Parang nawala bigla ang tinik niya sa puso.

Ngumiti ito at binati ang guro.

And her impokrita classmates ay walang tigil sa kakatili sa kanilang upuan.

Flirts!

Ngumiti ang lalake sa kanya ng dumaan ito papunta sa likuran niya.


Talagang naiinis siya kay prince. Baka sinadya talaga nitong pakonsensyahin siya.

Pumunit siya ng isang piraso ng papel mula sa notebook niya at sinulatan ito.



Bakit ngayon ka lang? Kainis ka! At may balak ka pang pakonsensyahin ako. Grrrr.!!



Tinupi niya ito at tiningnan muna ang guro bago ibigay ang papel kay prince.



Maya-maya ay mahina rin siya nitong tinapik sa balikat.

Kinuha niya ang papel ng masiguradong hindi nakatingin ang kanilang guro.

Tiningnan niya ang sulat nito.

Parang nahiya siya bigla dahil napakaganda ng hand writing nito.



Tumalab ba? Hindi mo kasi ako pinigilan ng bumaba ako. hahahaha. =P



Nakakainis ka talaga!!! Sinabi ko naman sayo na ayaw kong gumawa ng bagong tsismis. Hot issue pa kaya ako ngayon.



Hahaha. I'm just teasing you. To tell you the truth, I bought a pen that's why I'm late. hehe. Peace.




Susulat sana siya ng kanyang susunod na sasabihin ng biglang may kumuha ng papel sa harapan niya.

"Patay" mahinang wika niya.

Dahan-dahan niyang tiningnan ang tao sa harapan niya.

Alam niyang si Ms. Cynthia ito pero kahit alam niya na kung sino ito, hinihiling niya pa rin na iba ang makikita tao ang niya.

Tada!

Si Ms. Cynthia nga ang nasa harapan niya ngayon.

Hindi niya alam kung anong ekspresyon ang ibibigay sa guro.

Kinakabahan talaga siya sa sasabihin nito.

Inilagay nito ang papel sa bulsa at pinameywangan silang dalawa.

"You two!" tinuro pa silang dalawa. "Go to my office after class!". at agad na bumalik sa harapan para mag-discuss.

"And please listen to my discussions."



Patay talaga siya pero mabuti nalang at si Ms. Cynthia ang nakahuli sa kanila dahil kung ibang guro pa ito, baka binasa pa kanina ang sinulat nilang dalawa.

Bahala na.

Kung nakakapatay lang ang tingin baka kanina pa siya namatay.

Walang tigil sa kakabigay ng masasamang sulyap ang mga kaklase niyang babae.

Tumingin rin siya kay jelly at alam niya na ang ibig sabihin ng tingin ng kaibigan.

You will need an explanation about this!

Kulang nalang siguro ay isulat nito ang malaking EXPLAIN sa noo nito para makuha niya ang gusto nitong iparating.

Pinilit niyang makinig sa discussion ng kanilang guro at huwag magpa-apekto sa mga masasamang tingin ng mga kaklase.

"Sorry" mahinang bulong ni prince.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang boses nito.

Talagang ang bilis-bilis niyang maapektuhan kapag ang lalake na ang pinag-uusapan.

Hindi niya maintindihan ang sarili.

Lagi nalang siyang ganito.

Hindi kaya attracted ako kay prince?.

At para namang sira ang puso niya at lalong bumilis ang tibok nito.



No. No.No.

It can't be.

Hindi pwede!



"Sathana. Focus." mahinang wika niya sa sarili at tinapik ang mukha.



Don't be bothered by him okay.



Recess time na!

Agad-agad na lumapit sa kanya si jelly at hinila siya nito papunta sa canteen.

Hindi muna sila nag-abala na bumili ng meryenda dahil atat na atat itong marinig ang sasabihin niya.

"Okay. Spill the beans." excited na wika ni jelly.

"What do you want to know?"

"Everything. What's your relationship with prince?"

"Over. Relationship talaga. Mag-bff lang ang parents namin then sa bahay siya ngayon nakatira."

Pinipigilan niyang huwag kiligin sa harapan ni jelly dahil lalo lang siya nitong tutuksuhin. Kunyari No big deal lang sa kanya na dun na sa bahay nila nakatira si prince.

"Waaaa!!!!Oh my gosh!!"

"Shhhhh!!"

"Wow. Really?really?" kinikilig na wika nito.

Tumango lang siya.

"I love it!"

"Sira ka talaga. Halika na at bumili na tayo ng meryenda."

"Wait." pigil ni jelly ng tatayo na sana siya. "What's the note all about?"

"Nothing. I just ask him why he's late."

"Is that all?"

"Yup." at hinila niya na ang kaibigan para bumili ng pagkain dahil baka abutin pa sila ng lunch sa kakausisa nito sa kanya.



Bago matapos ang recess ay inusisa na naman siya ni jelly tungkol kay prince at sinabi niyang hindi sila masyadong nag-uusap sa bahay nila.

Ayaw niyang sabihin sa kaibigan na parang inaakit siya nito baka kung ano-ano ang papasok sa kukote nito.

Kilala niya si jelly. Advance pa itong mag-isip sa kanya.

Tsaka baka feeling niya lang na inaakit siya ng lalake at binibigyan niya lang ng malisya ang lahat.

Hindi pa ngayon ang tamang oras para sabihin niya ang mga nangyayari sa kanya.

And the main reason na ayaw niyang sabihin kay jelly ang lahat dahil mabilis lang madaplis ang dila nito.

Baka pagsinabi niya ito ngayon, kalat na agad ito sa buong school bukas.

At kung saka-sakali mang sabihin niya sa kaibigan, mabuti ng handa siya kung mabubulgar man ang sikreto nila ni prince.





Mabilis lang dumaan ang oras. Lunch time na!

Kung kanina ay hindi siya nalapitan ni samantha dahil umalis agad sila ni jelly at ng bumalik sila ay time na.

Ngayon ay agad-agad itong lumapit sa kanya bago pa niya maipasok ang libro sa bag.

Tinantiya rin nito na umalis na si prince bago ito magsimulang magtaray sa kanya.

Baka nahihiya itong ipakita sa lalake ang tunay nitong kulay.

Sobrang nakakapanlinlang pa naman ng ugali nito.





Curse you!!!

Kainis ka!

Kung hindi lang ako nakipag-away kay Ms. Crunia kahapon baka kanina ka pa umiyak sa'kin. Eeeshh!!





"So si prince na naman ang target mo ngayon." malditang wika ni samantha.

"Oo. Si prince na naman ang target niya. Bakit insecure ka?" wika ni jelly mula sa tabi niya. "Tsaka akala ko ba pupunta ang presidente dito sa room. Eh bakit wala pa siya?"

Hindi nakasagot si samantha sa mga hirit ni jelly.

Napangiti tuloy siya.

Kaya nga gusto niya ito pagsinusumpong ito ng pagkamaldita nito dahil hindi niya na kailangang itransform ang sarili sa pagiging wicked brat.

Talbog na lahat ng kalaban.

Pero paminsan-minsan lang ito sumpungin dahil sa kanilang dalawa, mas malaki ang konsensiya nito.

Napakadali lang nitong maguilty.

"Wow jelly. Nagiging monster ka na rin ba?" wika ni liza para saluhin si samantha. Member rin ito ng devil's crew.

Sasagot na sana si jelly ng pigilan niya ito.

Ayaw niyang mainis rin ang ibang kaklase niya sa kaibigan.

Ngayong halos pinapalibutan na sila ng kanilang kaklase at iba pang estudyante mula sa ibang section.

"Monster pala ang tingin mo sa'kin." kalmado na wika niya at binigyan niya pa ng pagkatamis-tamis na ngiti ang mga ito.

"Yup. Well not just a monster but the scariest monster ever." wika ni samantha sa kanya.

Palibhasa marami silang audience kaya naman napakatapang nito.

Alam nitong hindi siya basta-basta makapagbibitiw ng masasamang salita dahil maraming tao sa paligid nila.

Huminga siya ng malalim at nakahanda na sana siya sa mga consequence sa kanyang ibibitiw na salita ng biglang tumingin ang lahat ng tao sa paligid niya sa pintuan.

Sinundan niya rin ang mga tingin ng mga estudyante.

Pumasok ang presidente.

Ang ninong niya.





Shit! You gotta be kidding me.

Arranged Marriage To My Prince✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang