EPILOGUE

40 3 0
                                    


EPILOGUE

"Do you ever think about me?
Do you ever cry yourself to sleep?
In the middle of the night when you're awake
Are you calling out of me?" 🎵

Days and months passed. Nothing change. It just that I'm struggling my every day in college life. Gone was the side of me that was enjoying each day and not thinking the day after. Because now, I'm thinking every single day what will happen tomorrow because I don't want to make things harder for me when things got worse. I don't know. I started to overthink things as soon as I started being a college student.

This was way better than to think of the things that could have be. Atleast, my mind don't wander that much now. I believe.

"It's been 6 months, 8 days, 12 hours since you went away, Yeah
I miss you so much and I don't know what to say" 🎵

Tiningnan ko ang oras at nakitang magda-dalawampung minuto nang late ang mga kasama namin ni Lexa na mag-de-date.

"I should be over you
I should know better
But it's just not the case
It's been 6 months, 8 days, 12 hours since you went away" 🎵

"Ano ngang month ngayon?" Napa-isip naman ako sa tanong ni Lexa. Bored na rin siguro sa tagal ng mga kasama namin.

"November," I shortly replied. Napatingala naman siya at parang nagbibilang tapos biglang kukunot ang noo. Saka siya tumingin ulit sa akin.

"Date?" She asked again.

"2"

"Eh ano ngang title ng kantang 'yan?" turo niya pa sa cellphone kong tumutugtog.

"6,8,12"

"Ah! Alam ko na." Napapantastikuhan ko siyang tinitigan. Anong nangyayari sa kaniya? Muli pa siyang bumalik sa pagbibilang.

"April 25 noong nalaman mong umalis sila. Six months after April 25, October 25," she said. I just listen to her. Though may hinuha na rin ako kung anong sasabihin niya. "Eight days after exactly six months, November 2. Then twelve hours after," tiningnan niya ang relo niya. "November 2, 2020 at exactly 8:00 in the evening." I knew it. She wiggled her eyebrows that causes mine to meet each other.

"Relate ka sa kanta 'no? Hindi ka pa move on 'no? Miss mo pa ano?" Sunod-sunod niyang tanong. Natatawa ko siyang inilingan.

"Pinagsasabi mo?"

"Si Bubble Gum. Miss mo 'no? May feelings ka pa 'no?" Patuloy niyang tanong.

Napakunot ang noo ko. "Bubble Gum?" Napairap naman siya.

"Sino pa ba?! Edi si Minth!" Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nabuhayan nang magsidatingan ang mga nakasunduan naming mag-date ngayong gabi. Pinatay ko na rin ang kanta sa cellphone ko.

"Finally! Almost 30 minutes na kayong late! Nagugutom na kami!" Atungal ni Lexa. Nagsi-upuan naman sila sa mga upuang bakante. Sakto namang walo ang upuan kaya okay lang.

Since kasi nag-college kami, madalang na kaming magkita.
Hiwa-hiwalay kasi kami ng Universities na pinapasukan kaya problema talaga ang pagse-set ng date. Kaya napag-usapan namin na kahit twice a month naman eh magkita-kita kami. At ngayong month ng November, ngayon ang first date naming walo.

"'Tong si Dwythe! Parang walang kilalang Minth! Bakit? Bitter ka pa rin ba?" Pang-aasar ni Lenie pagka-upo niya.

"Malay ko ba kasing Bubble Gum pala ang pangalan niyo sa kaniya."

"Bubble Gum=Mint sa bibig. Basta," sagot ni Christine at saka tumayo. Kung-ano anong naiisip.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jozza. Tumayo rin si Bati.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now