CHAPTER 13

27 1 0
                                    


CHAPTER 13: CONFUSED

"Sorry," Pag-uumpisa namin nang makapasok kami sa loob ng cottage at maka-upo. "Sa inyong lahat, kung ang dahilan ng hindi niyo pagpansin sa 'min ay yung hindi namin pagsasabi na mag-iisnorkeling kami, sorry. Kulang daw kasi sa bangka sabi ni Lyn." Saka sila tumingin kay Lyn na tumango lang.

Natahimik naman silang lahat hanggang sa binasag ito ni Kristian. "Actually, may kasalanan rin kami," Napatingin naman kaming walo(snorkeling) samantalang nakatungo lang yung iba. "Alam niyo ba kung bakit hindi kami bumalik sa inyo nung hapon na 'yon?" Pagtatanong niya.

Nagkatinginan naman kaming walo at sabay sabay na nagkibit-balikat. "Bakit nga ba?" Tanong ni Clint. Huminga muna ng malalim si Kristian bago nagsalita.

"Ikaw na magsabi Glam." Saka niya tiningnan si Ate Glam. Nagtawanan naman kami do'n. Ipasa daw ba. Teka? Glam lang itinawag niya? Parang wala namang pumuna ng itinawag niya kaya pinabayaan ko nalang.

Tiningnan naman kami ng seryoso ni Ate Glam. "Kaya kami hindi bumalik nung hapon na 'yon kasi ano..." Parang kinakabahang aniya. "Kasi pumunta kami sa Sibang." She sighed.

"Sibang?!" Sabay sabay naming walong pasigaw na tanong. Tumango naman sila.

"Saan 'yon?!" Pagsisingit ni Aga. Binatukan ko naman siya. "Shatap." Kunwari naman niyang izinipper yung bibig niya.

"Diba sa sinasabi mo 'yong pupuntahan natin kasama sila?" Malamig na tanong ni Kuya Fioban kay Ate Glam. Napapalunok namang tumango ang huli.

"Akala ko ba lahat tayo pupunta?" Panggagaya ko sa tono ng boses ni Kuya Fioban habang tinatanong ko si Jozza na hindi makatingin.

"At bakit kayo lang? Hindi man lang kayo nagsasabi," Ani Minth. Parang na-stiff naman ang iba sa seryoso niyang tono. "At itinago niyo pa talaga. Tsk." Segunda ni Clint na seryoso rin.

"Hindi niyo rin naman sinabi na pupunta kayo mag-iisnorkeling ah?," Pabalik na tanong ni Aljon. "Kwits." Pagdudugtong ni Keah.

"Pero hindi namin itinago. Aminado kami roon na 'yon yung mali namin. At hindi pa kayo namansin nang sasabihin namin yung pinuntahan namin," Ani Kuya Ephilon. "Saka hihingi naman agad kami ng tawad sana no'n pero halata namang ayaw niyo kaming pansinin." Sang-ayon ni Lexa.

"Kasi nga hindi sila nasama." Singit ni Aga. Kinurot naman siya ni Cathy.

"Balak rin naman naming sabihin nang bumalik kami. Pero nang pupuntahan na namin kung saan kayo nagpaiwan at nalaman nalang namin na pumalaot na kayo. Nasaktan rin kami kasi hindi kami nasabihan." Depensa ni Xavier.

"Kasi nga baka 'pag sinabi namin eh mapaasa yung iba kasi siyempre isa lang available na bangka. Sakto lang nga sa'min noon," Sagot ni Lyn. "Kung yun naman pala, edi sorry."

"Sorry rin. Kasi pumunta lang naman kami do'n para sana i-check kung pwede pa ba 'yong punthn at paliguan. Eh sumama naman silang lahat kaya walang naiwan para magsabi sa inyo." Ani Ate Glam.

"Sorry." Natahimik kaming lahat.

"Okay. No more hiding mistakes." Ngumiti naman kami sa iniusal ni Kristian.

"NO MORE HIDING MISTAKES," We said in sync. "Group hug!" Nag-group hug naman kami.

"Diba sabi ko pag-aayusin ko kayo? Galing ko talaga." Mahanging bulong ni Aga kaya ko siya kinurot sa tagiliran.

* * *

Naliligo na naman kami sa dagat. Oo. Ulit. Kaming lahat dahil nagpumilit si Aga. Nung una, ayaw namin, eh nag-drama na hindi raw siya nakasama no'ng unang ligo namin dito kaya pumayag na kami.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now