CHAPTER 28

11 1 0
                                    


CHAPTER 28: ENJOYING

They say, 'Live your life to the fullest'. That's why I'm enjoying every moment.

Kahit pa masakit sa balat ang init ng araw, nagkasundo kaming mag-beach volleyball. Para naman daw may proof na nagbakasyon kami sa isang beach. Naglagay lang kami ng sun-block lotion. Ang itim ko na rin kasi.

Hindi naman ako sasali. Nag lotion lang talaga ako. Hindi ko alam pero lumaki akong hindi sporty at parang defense mechanism na ang layuan ang bola kapag papunta sa direksiyon ko kaya hindi ako nakikipaglaro ng ball games. I'm not even good at indoor games. Wala. Boring talaga akong tao.

Malapit sa tambayan namin sa may duyan nila naisipang itali ang net para raw may pagpahingahan kapag napagod.

Nauna ako sa duyan kaya bago pa man sila makiupo, humiga na ako. Sina Fj, Aljon, Kuya Ephilon, Bati, Aga at Flare ang sa isang team samantalang magkakasama naman sa kabilang team sina Christine, Thirdy, Kristian, Ate Glam, Kuya Fioban at Xavier. Substitute sa team nina Bati si Clint at sa kabilang team naman mag-sa-sub si Minth.

"Ang daya! Nasa inyo 'yang varsity!" Reklamo ni Christine sabay turo kay Fj na nakangisi lang.

"Mas madaya kayo! Team Captain ng volleyball girls 'yang si Glam at Vice Captain ng boys 'yang si Fioban!" Sagot naman ni Kuya Ephilon kaya natuwa sina Kristian.

"Ikaw naman ang Captain kong lintik ka!" Ani Kuya Fioban kay Kuya Ephilon na tinaasan lang siya ng kilay at nginisihan.

Patuloy lang silang nagtuturuan kung sinong mas madaya. Eh pare-parehas naman nagkasundo na magkakasama ang mga palad ang ipinakita at ang likod ng palad ang ipinakita. Abnoy.

"Huwag kayong mag-alala! Nandito naman ako. Ako ang magpapanalo!" Mahanging ani Thirdy kaya napairap lang si Jozza.

Sina Lenie at Lexa ang nag-volunteer na mag-ta-tally ng mga scores ng dalawang grupo. Panay take naman ng magagandang view sina Cathy at Erica.

At ang ibang walang interes katulad ko, nakatambay lang sa may duyan.

Since hindi pa nagpapa-sub ang team nina Ate Glam, nakisiksik sa akin sa duyan si Minth.

"Bakit hindi ka sumali sa first six?" Tanong ko habang nakapikit. Inaantok ako.

"Ayokong masyadong umitim. Ang hirap kaya magpaputi. Atsaka, mahal ang gluta," Napatawa ako sa sinabi niya. Nakapikit pa rin ako habang nakikipag-usap sa kaniya. Ilang sandali pa'y hinawakan niya ang buhok ko at sinuklay suklay gamit ang kamay niya.
"Joke. Maalam lang kasi ako sa volleyball pero hindi ako magaling. Mas focus kasi ako sa swimming at sumunod ay basketball. Natutunan lang namin ni kambal 'yang larong yan dahil mahilig 'yong apat do'n. Pero mas focus si Clint sa basketball at sumunod ang swimming katulad ko. Ayaw ko namang dahil sa akin eh matalo team nila Ate kaya pang-sub lang ako." Minulat ko ang mata ko at tiningnan siya. Nakatingin siya sa naglalaro ng volleyball habang nakangiti dahil naka-score sina Ate Glam.

"Ikaw? Bakit ayaw mong sumali?" Napatingin siya sa akin habang nakangiti pa rin. I suddenly want to stop the time to just stare at his hazelnut orbs. I'm enjoying the view I'm looking at. It's relaxing. It's like a chaos and beauty intertwined, magically.

"Alam kong guwapo ako pero nakakakilig ka kung tumitig kaya please lang, itigil mo na dahil ayaw ko pang matunaw." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ano nga kasing tinatanong mo?" Tanong ko.

"Napaghahalataang in love, tsk tsk tsk," Umiiling aniya. "Bakit ayaw mong sumali kako?" Napatingin ako sa mga naglalaro at napangiti nang muntik nang matamaan sa ulo si Christine kung hindi lang niya nailagan.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now