CHAPTER 8

47 2 1
                                    


CHAPTER 8: BIRTHDAY

Nang magka-ayos na 'yung tatlo, nagsimula na kaming maglakad pauwi.

"Ano ba 'yan! Kakarating lang namin uuwi na naman. How unfair!" Pagrereklamo ni Clint.

"Hindi unfair yun Bal," Sagot sa kaniya ng kambal niya. "May nang-iwan kasi kaya ayun, natagalan tayo."

"Sorry na nga eh!" Singit naman ni Xavier. Tinawanan naman namin siya.

Patuloy pa ring inaasar ng dalawa ang pinsan nila na masyado raw siyang naka-focus kay Erica kaya iniwan raw sila.

"Nagmukha nga akong chaperone kanina eh! At sobrang out of place ako." Dagdag ko rin.

"Sorry, Dwy. Libre ulit kita sa susunod." Pumantig ang tenga ko roon. Libre eh.

"Okay lang 'yon, Xav! Basta libre ko ha?" Saka ko siya inakbayan kahit mas matangkad siya ng kaunti. Pero natanggal rin nang hinila ako ni Erica. "Wala akong kausap." Sabi pa nito.

Naunang naglalakad yung tatlo since mas alam nila yung daan habang sa likod lang naman kami.

Napansin kong mas bumabagal 'yong hakbang ni Erica. May pag-uusapan kami. Binagalan ko rin ang akin.

"Uh, Dwythe, wala kang naa-alala?" Tanong niya. Sabi na eh.

"Na alin?" Maang-maangan ko.

"Kung ano ngayon?" Umiling ako. Shet. Sorry Erica.

"Sure?" Kunwari nag-isip ako atsaka umiling.

"Akala ko naman." Narinig kong bulong niya pero nagkunwari akong walang narinig.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at paminsan-minsan ay lumilingon sa gawi namin ang tatlo para siguro i-check kung sumusunod ba kami.

"Bakit mo ba naisipang pumasyal ha, Dwythe?" Tanong ni Erica at pansin kong nakikinig ang tatlo. Anong irarason ko?

"Uh, kasi nasu-suffocate ako. Nasa paligid lang si Crush. I need fresh air to breath." Anong klaseng rason 'yon Dwythe?

Hindi nagsalita ang tatlo pero alam kong nakikinig pa rin sila.

"Eh ba't kasama sila?" Tanong pa niya habang nakaturo sa tatlo. Fvck. Reasoning 101.

"Kasi..." Wala akong maisip!

"Kasi?"

"Kasi may bibilhin sana kami at sasabay sa inyo palabas kaso nga lang wala kaming pera dahil naiwan sa bahay kaya dapat uutang kami kay Xavier at kasama rin siyang bibili pero iniwan naman kami kaya hindi kami nakabili. So, hinanap nalang namin kayo." Biglang singit ni Minth. I mentally thanks him in my mind.

Mukhang kumagat naman ang reasoning skills namin ni Minth dahil hindi na siya nagtanong.

* * *

Nang makarating kami sa bahay, tanging sina Christine, Lexa at Cathy lang ang nadatnan namin.

"Nasan yung iba?" Tanong ni Erica.

"Hindi namin alam. Naligo lang kami bigla na lang nawala." Sagot ni Cathy. Lumabas naman ang tatlong kasama namin kanina ni Erica.

"Hinanap niyo?" Tanong ko. Kasi wala naman silang sinabing may paganito.

"Hindi. Katamad. Matutulog nalang ako." Sagot naman ni Lexa na may hawak na namang unan.

Tumabi kami ni Erica sa inuupuan nilang sofa.

"Uhm guys, wala kayong naa-alala?" Tanong ni Erica sa tatlo.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now