CHAPTER 9

33 1 0
                                    


CHAPTER 9: REUNITED

Agad na nangunot ang noo nila Ate Glam at Manang Hilo nang pumasok kami ng mas marami.

"Manang Hilo, eh makiki-videoke lang po kami. Huwag ka pong mag-alala, hindi po sila manggugulo." Ani Christine na nakaturo ang kamay sa anim naming bagong kasama.

"Sino sila?" Pabulong na tanong ni Jm sa 'kin.

"Nakilala namin dito. Basta ipapakilala namin kayo sa kanila." Tumango lang siya sa sinabi ko.

"Guys, lapit kayo dito." Pagtawag ni Bati sa mga dati naming kaklase. Lumapit naman sila.

"Ito si Ate Glam, Kuya Ephilon at Kuya Fioban," Turo niya sa tatlong pinaka-matatanda puwera kay Manang Hilo na nakangiti lang. Ngumiti lang si Ate Glam samantalang tumango lang ang dalawang Ribal. "Si Xavier, Clint at Minth naman." Ang tatlong namimili naman ng kakantahin sa Song Book ang itinuro niya na hindi man lang lumingon pero tumango lang.

"Uhm ito naman po ang dati naming classmates 'nong Grade 10 kami. Siya po si Keah," Turo ni Bati kay Keah na ngumiti at medyo nag-bow pa. "Siya si Jm at ang masugid na manliligaw niyang si Fj," Tumawa naman kami nang paluin ni Jm si Bati dahil sa sinabi nito.

"Bakit? Totoo naman ah? O kayo na?" Nakangising ani Bati pero namula lang ang huli sabay sabing, "Hindi pa."

Pinagpatuloy naman na pinakilala ni Bati ang tatlo pa.

"Siya naman si Aljon," Tumango lang si Aljon. "At siya si Kristian." Ngumiti lang ng makalaglag brip si Kristian.

"Pero tawagin niyo siyang Kiray. Mas prefer niya 'yon." Biglang singit ni Jm na tinawanan namin at inirapan ni Kristian.

"At ito ang dati naming President," Yung ika-anim naman ang ipapakilala niya. "Siya si Jenalyn. You can call her Lyn. Lyndol." Pang-aasar niya kay Lyn na tinawanan lang ng huli.

Matapos ang formalities, naghanap ng kaniya-kaniyang upuan ang mga bagong dating habang si Bati ay bumalik sa pakikipag-agawan ng microphone kay Minth na siyang nakahawak.

"Nandon na sa bahay yung tirang handa ni Erica. Mamaya nalang 'pag pumunta na tayo don, okay lang?" Tanong ni Jozza sa anim na tinanguan lang nila.

"Kailan pa kayo dumating?" Tanong ni Lenie kay Lyn. "Ba't di niyo sinabi?"

"Kanina lang. Balak talaga naming humabol sa birthday ni Erica pero may inasikaso pa si Kristian kaninang umaga kaya late na kami," Sagot niya. "At paano namin kayo masasabihan eh wala nga dapat magdala ng phones 'diba?" Sabay irap ni Kristian.

"Ay. Oo nga pala no?" Tumatawang ani Lenie. "Magsalita ka naman Aljon!" Si Aljon naman ang pinansin niya.

"Eh, mamaya. Nag-a-adjust pa ako." Natatawang sabi niya pero agad ring sumeryoso.

Samantalang si Fj naman ay agad na lumapit kila Thirdy at Flare at agad nagkuwentuhan.

Pinanood lang namin na kumanta yung mga may trip kumanta. At maglagay ng kakantahin yung mga may matipuhan pero sa huli, si Bati at Erica ang taga-salo. At nakisali na rin pala si Keah.

* * *

Agad naming pinakain ang anim naming dating kaklase pagka-uwi namin. Samantalang sina Ate Glam ay umuwi na rin matapos kunin ang mga gamit nila sa bahay nila Lola Tala.

"Saan kayo naghotel?" Tanong ni Jozza sa anim habang kumakain ang mga ito.

Nagkunwari namang nabilaukan sina Kristian at Aljon.

"Grabe naman 'yang hotel. Wala kaming pera uy." Sabi naman ni Kristian. "Meron kaming pera pero nasa bangko. Baka kasi bilhin namin 'tong buong isla." Segunda naman ni Aljon na tinawanan lang namin.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now