CHAPTER 5

57 3 0
                                    


CHAPTER 5: CONCERT

Tinanong ko agad ang barkada kung kumain na sila pagka-lapag palang ng paa ko sa bahay, na ikinagulat nila.

Pero sumagot sila. "Oo."

Panay sorry sila sa ginawa raw nila sa'kin. At ganon na lamang ang gulat nila nang tumawa ako.

"Charot lang 'yon. Kunwari badtrip lang. Hahahahaha" Pag-amin ko habang tumatawa. At kaniya-kaniya naman silang reaksiyon.

"Tupangina mo."

"Grabe ang pagka-guilty namin tapos charot lang."

"Pakainin niyo nalang ako." Binaliwala ko ang mga pinagsasabi nila. They scoffed. "Grabe talaga. Pasalamat ka, hindi ka namin matiis."

"Salamat." Pang-aasar ko.

Napagawi ang tingin ko sa tatlo na kanina pa walang imik. Nakangiti sila. Topa. Ampopogi.
Lumapit sa 'kin si Minth.

"Pakainin niyo nalang kami ni Dwythe. Kanina pa kumakalam sikmura niya." Saka niya ako inakbayan. Pinabayaan ko ito.

"Oo nga. At paganiyan-ganiyan lang 'tong si Ymgy pero mas gutom 'to sa 'kin." Natawa naman si Minth 'don.

Hindi na kami nagtagal pa sa may bungad ni Minth, dumiretso na kami sa kusina habang nakaakbay parin sa 'kin.

"Nice." Saad nito pagka-upo namin.

"Alin?"

"Hindi ka na-a-awkwardan?" Tanong niya.

"Saan?

"Sa sinabi ko kanina."

"Hindi." At saka ako humigop ng sabaw. Sinigang na bangus ang niluto nila.

Bumulong naman siya pero hindi ko naintindihan. Tatanungin ko na sana kung anong binulong-bulong niya when someone barged in, tatlong hindi pamilyar na tao.

"Y!Bro!" Ani nang unang lalaki, guwapo rin, mas matangkad ng kaunti kay Minth.

"Brother!" Ani nang nag-iisang babae saka hinila patayo si Minth at niyakap. May hawig sa kambal. Niyakap rin ng nauna si Minth.

"Cousin!" Anang lalaking huling pumasok, guwapo rin tsaka sila nag fist bump  Minth.

Ito siguro 'yong barkada nilang pinsan at kapatid rin nila.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain nang hindi pa rin sila tapos sa kamustahan.

"Sino ka?" Nang sa wakas ay napansin nilang may kasama si Minth, tinanong ako ng babae.

Dahil may respeto naman ako kaunti, tumayo ako at nagpakilala. "Dwythe po. Kaibigan ni Jozza."

"Ikaw 'yon?" Nangunot naman ang noo ko sa gulat niyang reaksiyon.

"Alin po?"

Nakita ko namang sinamaan ng tingin ni Minth ang babae kaya tumikom ang bibig nito.

"Ako nga pala si Fioban Ribal." Pagpapakilala nang unang lalaki habang nakalahad ang kamay nang sabihan sila ni Minth na magpakilala. Nakipag shake-hands naman ako.

"Ephilon Ribal." Tumango naman ako sa isang lalaki.

"Hiewts Glam Divillan." Makikipag shake-hands na sana ako pero nagulat ako nang yakapin niya ako.

"Nice to meet you, Dwythe." Niyakap ko nalang siya pabalik.

Pagkatapos ng pagpapa-kilala, sinaluhan na rin kaming kumain nila Ate Glam.

At ang hindi ko maintindihan, panay titig siya sa akin halos buong oras na magkaharap kami sa mesa. Pero ipinag-sawalang-bahala ko nalang ito.

* * *

Just Weeks With You (COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن