CHAPTER 26

24 0 0
                                    


CHAPTER 26: OPEN FORUM

There's a lot of reasons you can enumerate if you like someone. Their gestures. Their physical appearance. Or simply just a mere smile they give. In love? You can deny if you're already in love. But your reactions and gestures says the otherwise. And you don't know the reasons why.

He was there to offer a shoulder every time I cry. He gave advices everytime I need some. He was there to cheer me up in times I feel the world was so unfair. He put smile on my face everytime I was frowning. He was there. Everyday. Everytime. Just a single click to send him message, he'll immediately reply. Who wouldn't fall for such?

But I know he's virtual. I didn't even have the chance to see him. Even in photos. Though I didn't ask some, 'cause I know, I'd fall harder.

But things got misplaced when he confessed and asked if he can court me. I got scared. I didn't reply him that time.

Paano ako magtitiwala? Ilang beses na akong nabigo. Ilang beses nang nasaktan. At sa kaso na kinakaharap ko noon, natatakot ako. Ayoko pang pumasok ulit sa isang relasyon. Hindi dahil sa takot na akong magmahal, kundi dahil sawa na akong masaktan. At sa punto noon, hindi pa sigurado. Ayaw niyang ipakita ang mukha niya. Minsan lang ako nanghingi ng picture niya noon, but he didn't give me one. I kept mum.

And now, he's here. With me. Saying it live that he loves me. And definitely not virtual. But can things could be better now?

"Kasama mo na nga ako, iniisip mo pa ako. Dapat na ba akong kiligin?" Napatigil ako sa pagtitig sa kasama ko sa cottage na kasalukuyan nang nakangisi. Inirapan ko ito.

"Nagtataka lang ako. Paaanong ako?" I dumbfoundedly asked.

"Tsk, babe. Huwag ka ngang magduda. May nakapagsabi na ba sa'yo na kapag mahal mo ang isang tao, wala kang rason na maibigay kung bakit mo siya mahal?" I nodded. "Then gano'n ako. Kaya huwag kang magtanong kasi hindi ko rin alam kung bakit ikaw. Atsaka, gusto ko 'tong nararamdaman ko. Nasasayahan ako sa nararamdaman ko." Masaya niyang tugon.

"Nang makita na kita sa personal at alam kong hindi lang picture, damn, I heart went wild. I can't stop myself from falling even harder. Palagi kitang bukambibig sa tropa nang unang gabi niyo dito. At mas lumala pa 'yon nang nagsisimula na tayong mag-usap." Hindi matanggal ang ngiti sa labi niya habang nagsasalita kaya napangiti na rin ako.

"Pero bakit nga hindi ka nakapagsend ng pictures mo noon?" Out-of-nowhere, I asked. His smile fades.

"Kasi natatakot ako," I looked at his face filled with regret. "Natatakot ako na kapag nalaman mong kambal kaming nag-cha-chat sa'yo is titigil na ang communication natin. Na baka isipin mong pinaglalaruan ka lang namin, which is not. At hindi rin namin alam ni kambal kung alin sa picture namin ang ise-send namin." Now I know. "Atsaka, kung nakapag-send man kami noon, edi wala nang thrill kung saka-sakaling magkikita tayo." Pinalo ko siya sa braso. Pilyo talaga. Tumatawa kami nang may naalala ako.

"Alam niyo ba na pupunta kami dito ngayong bakasyon?" Tanong ko. Tumango siya.

"Jozza told us na magbabakasyon siya kasama mga barkada niya. Then nalaman namin na isa ka pala sa barkada niya so ang dapat na plano na sabay-sabay kaming anim na pupunta rito eh hindi nasunod since excited kaming kambal na finally, makita ka. Sumama lang si Xavier since mas vibes siya sa 'min."

"Wala bang alam si Jozza sa atin no'ng una?" Umiling ito. "Kahit gaano na kami kadesperado magpakuwento sa kaniya tungkol sa'yo, ayaw naman naming mamatay siya sa kilig kapag nagpakita na ako ng sweetness sa'yo." Kindat pa niya. Umirap lang ako.

"Sorry to disturb you, lovers. But you were badly needed inside for us to begin the open forum. And for the information to be added." Biglang entrada ni Aljon sa bungad kasama si Erica. "Teka, tama ba 'yong english ko?" Pagtatanong pa nito kay Erica na kumibit-balikat lang at natawa.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now