CHAPTER 15

32 1 0
                                    


CHAPTER 15: TALKS

"Doon tayo." Sabay hila sa 'kin ni Minth. 'Di ko alam pero parang nawala na ako sa tamang wisyo.

Vistelle. I never thought my first name would be that wonderful to hear.

Hinila niya ako 'di kalayuan sa pinanggalingan ko kanina bago ko siya tinakbuhan.

"Pinagod mo pa 'ko ah. Kinailangan ko pa talagang itulak sa harapan mo sina E at F para lang tumigil ka kakatakbo." Hila-hila pa rin niya ako at nang tumigil na kami, binitawan niya ako at umupo siya habang nakalublob ang paa sa tubig.

Tiningala niya ako then he patted the space beside him. "Upo." He commanded. Nung una, balak ko pang tumakbo pero mabilis niyang nahuli yung kamay ko at pwersahan akong pinaupo.

"A--ray." Gulat akong napatingin sa mukha niyang malapit lang. I stared at his round hazelnut orbs.

Iniiwas ko ang tingin ko at umayos ng upo saka hinila ang kamay kong hawak pa rin pala niya.

"Anong ginagawa natin dito?" I asked with a monotone voice. Huminga naman siya nang malalim bago nagsalita.

"Sorry." He said.

"For what?"

"Don't pretend you don't know it, Dwythe. I'm swallowing my pride here just to be okay with you." Nilingon ko siya.

"Then don't. Did I tell you to swallow your pride?"

"No. But I wanted us to be okay."

"We're okay." I still remain my blank expression.

Umiwas ako ng tingin. Nakita ko sa peripheral vision ko na lumingon siya at pwersahan niyang hinawakan ang balikat ko upang lingunin siya.

"Ano ba?" Tanong ko.

"Umayos ka, Dwythe." May pagbabanta sa boses niya.

"Maayos ako, Minth." Pabalang kong sagot.

"Don't," Napapantastikuhan akong tumingin sa kaniya. "Don't call me Minth."

"What should I call you then?"

"It's Ymgy," Tumango nalang ako. Wala ako sa mood. Demmit. "Vistelle," Tiningnan ko ang mga mata niya. Hindi ko alam pero ang ganda pakinggan no'ng pangalan ko na sabihin niya. "Look. I'm sorry. Sorry kung masyado akong OA kanina. Sorry kung nasigawan kita," Paghihingi niya ng tawad. "Sorry, huwag ka ng umiyak." Saka niya pinunasan ang nalaglag na butil ng luha sa kanang pisngi ko.

Ni hindi ko nga alam na lumuluha na pala ako.

"Kung ba't kasi umakto ka ng gano'n? Eh wala naman akong ginagawa sa'yo?" Tanong ko.

"Basta. Mahirap ipaliwanag." Tumango nalang ako. I'll try to understand.

"So bati na tayo?" Parang batang aniya. Napakunot naman ang noo ko.

"Hindi ba tayo bati kanina?" Tanong ko.

"Eh tinakbuhan mo ako eh."

"Kasi badtrip lang ako."

"Sa akin?"

"Hindi. Sa ibang bagay." Sa feelings ko.

Unti unti namang sumilay ang ngiti niya. At nakakahawa kaya napangiti na rin ako. "Okay na tayo. Ako pa nga bumuhat sa'yo nang nakatulog ka sa cottage noong naglalaro tayo ng '2 Lies and A Truth' eh." He said with firm. Nagulat ako sa huling sinabi niya.

"Ikaw 'yon?" Kibit-balikat lang siya. "Hindi ko alam. Ikaw naman huhula. Isa nalang sasabihin kong statement right?" Sagot niya. At unti-unti namang nag-sink-in sa 'kin yung sinabi niya. Right. His 2 Lies and A Truth.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now