CHAPTER 18

21 0 0
                                    


CHAPTER 18: UNUSUAL SILENCE

Nakakapagtaka na magtatanghali na pero wala pa rin ni anino ng mga Divillan at Ribal na nanggugulo sa 'min. Umuwi naman muna sa tinutuluyan nina Lyn silang anim para labhan raw yung mga damit na nagamit nila. Babalik naman raw sila mamayang mga alas kuwatro para overnight daw. Umuwi na rin muna si Aga sa tinutuluyan niya pagkagising niya. Sayang at wala ni isa sa 'min ang nakakaalam kung saan siya tumutuloy.

"Nakakapagtaka 'no? Tayo-tayo lang nandito?" Tanong ko kay Bati. Nandito kami ngayon sa may bakuran ng bahay nina Jozza, naka-upo sa tablang inilapag lang namin sa buhangin. Tumango lang naman ang kausap ko. Samantalang ang iba, nasa bahay.

"Nakakapanibago ang katahimikan." Dagdag ko pa pero hindi umimik ang kausap ko. Anong tinake nito?

"Huy," I nudge her. Still, no response. "Tupangna. Madalas talaga, wala kang saysay kausap." Wala pa ring sinabi si Bati. Saka ako tumayo. Nagtungo ako sa cottage.

Nakakapanibago talaga. Wala talagang maingay. I mean, maingay kami no'ng sampu lang kami, pero nang naging bente tres, sumobra na sa ingay.

Sumandal ako sa upuan sa cottage at hinarap ang dagat. Nagmumuni-muni. At inaalala lahat nang mga nangyari buong linggo. Yung kung paano ang naplano naming tahimik na bakasyon eh naging medyo maingay. Yung mga laro na naimbento. Hanggang sa nauwi na naman ako sa pagtatanong sa sarili ko.

Sino kaya yung nasa cottage noong unang gabi namin dito?

Sino kaya 'yung bumuhat sa 'kin no'ng nakatulog ako dito sa cottage?

Alin kaya sa 2 Lies and A Truth ni Minth ang Truth kahit pa kulang ng isa ang sinabi niya?

Kaninong papel ang nakuha ko? Ng mga kasama ko? Sinong nakakuha ng akin?

I sighed.

Sino'ng nagligtas sa 'kin mula sa pagkakalunod? Sinong nag-CPR sa 'kin?

I just shrug off all my questions. Hanggang sa napunta sa pangyayari kagabi ang iniisip ko.

Buti pa si Lexa mag-kakalovelife na.

Ako kaya? May gusto namang iba 'yung taong gusto ko. Demmit.

Nag-stay pa ako sa cottage, naghihintay na anytime soon eh may mag-iinvade ng katahimikan ko. Pero wala. Hanggang sa nagtawag na sila ng tanghalian.

Halos sabay-sabay kaming napapalingon sa tuwing may pumapasok sa dining area, dahil sabay-sabay kaming umaasang may darating at makikikain.

"Nakakapanibago. Parang kaunti lang tayo." Komento ni Lenie matapos sumubo. Tumango naman kami sa sinabi niya.

* * *

"Saan tumutuloy sina Minth?" Tanong ko kay Jozza. Nandito kami ngayon sa may duyan, kaniya-kaniyang hanap ng puwesto dahil kaunti lang ang mauupuan. Kumibit-balikat lang naman si Jozza saka ako tiningnan na parang nanunukso.

"Bakit?" Tanong niya. Pansin kong napatingin rin ang iba naming kasama.

"Wala lang. Eh one week na tayo dito at halos isang linggo rin silang palaging napunta rito pero hindi man lang natin alam kung saan sila tumitira." Sagot ko.

"Hindi ko din alam." Kibit-balikat niya. Muling namutawi ang katahimikan.

"Ang tahimik." Tumango kami sa sinabi ni Thirdy.

"Nakakamiss sila." Ani Bati.

"Sino sa kanila?"

"Si Minth." Napasamid naman ako do'n kahit pa wala naman akong iniinom. Tiningnan ako ni Bati pero umiwas lang ako ng tingin.

Just Weeks With You (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin