CHAPTER 3

59 3 0
                                    


CHAPTER 3: WITH XAVIER

Since second week of April palang, natural na mainit talaga ang panahon kaya pagkatapos ng tanghalian at pagkaalis ng tatlo, pumunta kaming lahat sa cottage malapit sa bahay upang tumambay. Siyempre naligo muna ako.

Hindi ko mapigilang mapa-isip, bakit kaya nandito kagabi si Clint?

"Dwythe, bakit ka nga pala namumula kanina?"

Pero sure naman bang si Clint 'yon? "Dwythe!" Kagabi sure ako pero nang mas narinig ko ng maayos boses nilang tatlo, magkakapareho. Lalo sa kambal, mas soft lang kaunti kay Clint at masculine talaga boses ni Minth.

"Dwythe!"

"Ay Minth!" Gulat kong saad nang sabay-sabay silang sumigaw. "Ano ba! Ba't sumisigaw kayo?!"

"Lutang ka na naman! Kanina ka pa namin tinatawag. At anong Minth ha?" Nanliliit na matang tanong ni Lenie.

"Ano bang tanong?"

"Kung bakit ka namumula kaninang lumabas ka sa kusina. Kinilig ka ba?"

"Ogag." Malay ko ba na namumula pala ako kanina. Lumabas lang ako dahil panay ang untugan ng kambal dahil panay lingon sa akin.

"Lutang ulet. May iniisip."

"Hindi ko sila iniisip." Inirapan ko si Christine na malisyosa.

"Wala kaming sinabi na tao ang iniisip mo. Halata ka eh." Si Flare naman ng gumatong.

Umirap lang ako na siyang ikinatawa nila. "Malisyoso."

* * *

Kinahapunan, mga bandang alas sais ng hapon, napag-desisyunan naming mag-swimming sa dagat since isa naman 'yon sa dahilan kung bakit kami pumunta dito. Nagluto na rin kami ng hapunan namin dahil doon na rin kami kakain at mag-bobonfire raw kami.

Naglatag kami ng tela 'di kalayuan sa dagat para malapit lang kapag gusto naming magpahinga.

Nagpaiwan muna ako para magbantay sa pagkain namin habang busy lahat sa paglangoy.

Nagulat nalang ako nang may tumabi sa akin at may dalawang bulto ang agad na sumuong sa dagat. Nang tingnan ko ito, "Xavier," na nginitian lang ako.

"Ba't naiwan ka rito?" Tanong niya habang naka-lingon sa akin.

"Trip lang. Atsaka mainit-init pa 'yong tubig. Mamaya na kapag malamig." Atsaka ako tumingin sa barkada na busy nagtutulakan habang naka sampa sa balikat ni Thirdy si Jozza at si Erica naman ang kay Flare.

"Okay. Sasamahan nalang muna kita. Mamaya na rin ako maliligo." Ngiti niya at tumingin rin sa mga naglalaro sa dagat.

"Hoy X! Anong ginagawa mo diyan?! Halika rito!" Tawag sa kaniya ni Clint.

"Pake mo ba ha, Z?! Maligo ka na riyan at ambaho mo!"

"Ikaw kaya nagyaya dito! Ba't naka-upo ka lang riyan?!" Saad rin ni Minth.

"Makikain lang ang dahilan ko kaya niyaya ko kayo! Kayo ang kusang naligo!"

Bahagya akong natawa sa sagutan ng tatlo. Nilingon naman ako ni Xavier.

"No wonder." Sabi pa niya habang nakatingin sa 'kin.

"Ha?" Dinig ko pero hindi ko naintindihan kung bakit niya sinabi.

"Wala." At ngumiti na naman siya.

Muli kaming tumingin sa dagat at doon ay nakita naming nag-uusap sina Jozza, Bati, Lexa at ang kambal habang naka tingin sa 'min. Naka-ngisi sina Jozza at Lexa habang seryoso yung tatlo at halata namang kami ang pinag-uusapan.

Just Weeks With You (COMPLETED) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang