CHAPTER 11

41 1 0
                                    


CHAPTER 11: FRIENDSHIP'S CONFLICT

"Malapit na tayo. Kaunti nalang." Ani nung staff na kinausap ni Lyn-tik kanina.

Kaming walong nag-stay kanina ang magkakasama dito sa bangkang inaayos kanina nitong staff at papunta kami sa spot kung saan perfect mag snorkeling. Binulungan lang kami kanina ni Lyn na huwag sasabihin sa iba since kulang sa bangka kaya nagpaiwan kami nang nag-shower na sila.

Mag-aalas singko y medya na ata kanina nang pumalaot kami, mabuti at walang bumalik sa barkada, at base sa kalkula ni Lyn, mga pitong minuto na kami dito sa dagat.

"Andito na tayo," Napatingin naman kami sa staff. "Hintayin ko nalang kayo. Sige na." Agad naman kaming tumalon.

Hindi ako magaling lumangoy, marunong lang. Nang makababa na kami lahat, isa-isa na kaming pumailalim.

Pero agad rin naming ini-angat yung ulo namin nang makita naming papa-alis na yung staff.

"Serr! Saan ka pupunta?!" Pasigaw na tanong ni Cathy. Pinilit naman ni Kuya Ephilon na habulin yung staff pero hindi niya kinaya.

"BABALIK AKO!" Sa halip ay sigaw ng staff.

We all sighed in sync.

"Wala na tayong magagawa. Hintayin nalang nating bumalik." Kibit-balikat na sabi ni Lyn pero naka-ngisi. Napakunot ang noo ko.

"Plinano mo ba 'to?" Tanong ko. Nilingon niya ako saka muling ngumisi.

"JENALYN!" Sabay-sabay namin sigaw kay Lyn na biglang pumailalim. Agad ko naman siyang hinila.

"Lyn-tik ka talagang Lyndol ka!" Saka ko siya pabirong sinakal na tinawanan lang ng iba.

Madaming isdang magaganda. May 'school' ba ang tawag do'n? Yung sama-sama yung mga isda pero sandaling nag-kakahiwalay kapag lumalapit kami.

Ang magkapatid na Ribal, ayun, pilit humuhuli ng isdang dumadaan sa harap nila. Nakisali ako at balak ko sanang manghuli kahit isa lang para ulamin mamaya pero tinabig ng kambal yung kamay ko.

"Bakit ba?" Tanong ko. Only to realize na hindi naman pala nila maiintindihan dahil hindi nila maririnig. Ke-tanga tanga nimo, Dwythe?

Nilayasan ko yung kambal at naghanap ng ibang ma-sa-sight seeing.

Kumakaway naman paminsan-minsan sa mga isdang dumadaan sa harapan niya si Cathy habang nakangiti. Hindi naman malaman ni Lexa at Lyn kung saan titingin dahil maraming magandang tanawin.

Nakuntento ako sa panonood no'ng mga isdang pumapasok at lumalabas sa mga coral reefs dahil, wala lang. Nakaka-relax. Pumapalakpak pa ako sa sobrang tuwa. Oo, parang abnoy.

Pinapanood ko pa rin yung mga isda nang may tumabing mukha sa coral reefs sabay kumaway at ngumiti.

Tangna. Pogi mo crush.

* * *

Nang matapos naming aliwin ang sarili namin sa mga isda, hinintay nalang namin yung staff na bumalik.

Nang may mamataan kami, nabuhayan kami dahil nilalamig na rin kami. At nang makalapit ito, ibang staff.

"Ipagpaumanhin niyo po si Chevy," Nangunot naman ang noo namin sa sinabi niya. "Yong naghatid po dito sa inyo kanina." Saka kami tumango nang mag-sink-in ang sinabi niya.

"Nasaan na nga po pala yun? Bakit hindi po siya ang sumundo sa 'min?" Tanong ko. Isa-isa naman na kaming sumampa sa bangka.

"Actually po, hihintayin po dapat ng mga staff ang mga nag-balak mag-snorkeling. Pero nagka-emergency po kanina bago niya kayo ihatid. Kaya minadali niya lang kayong ihatid bilang respeto po at agad ring umalis," Pagpapaliwanag niya. "At paumanhin daw po kung hindi siya nakapagsabi." Sinabihan naman naming ayos lang dahil valid naman yung rason niya. Bumalik naman na kami sa resort.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now