CHAPTER 2

77 2 0
                                    


CHAPTER 2: WEIRD TWINS

Maaga kaming nagising kinabukasan para magpaalam kila Lolo Verto at Lola Tala.

Pagkaalis nila, hindi na kami bumalik sa pagtulog kasi kahit 5:00 palang ng umaga, maganda na ang sikat ng araw. Kaya napag-desisyunan namin na maglakad-lakad ulit habang maaga pa bago kami kumain ng agahan.

Nagtingin-tingin kami ng mga stall na bibilhan ng mga souvenirs pero sarado pa pala kaya bumalik nalang ulit kami pero nadatnan namin ang tatlong pinsan ng pinsan ni Osang sa harap ng bahay nila kaya pinapasok niya ang mga ito at inalok ng agahan.

"Sure!" Saad ni Xavier na may pag-palakpak pa na ikinagulat namin dahil hindi siya nag-re-react kahapon kahit anong pag-usapan nila.

"Ambilis mo talaga kapag pagkain, X!" Sabay batok ni Minth dito.

Napagawi ang tingin ko kay Clint. Bahagya akong nagulat nang makitang nakatingin rin ito sa akin pero agad ko ring pinalitan ito ng blangkong ekspresyon.

Walang balak umiwas sa titigan kung hindi lang biglang inakbayan ni Minth ang kambal nito.

"Sa dining area na daw tayo, Z. Tama na 'yan." Usal ni Minth at nakita ko pa itong sumulyap sa 'kin.

Tumalikod ako at nagtungo sa dining area nang ma-realize na kaming tatlo nalang pala ang naiwan sa may bungad.

* * *

Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa gitna nila Xavier at Lenie. Kanan ko si Xavier na kaharap si Lexa. Sa tabi ni Xavier sa kabila ay si Jozza na katabi si Thirdy na siyang kaharap si Clint. Walang kaharap si Jozza.

Sa kaliwa ko, si Lenie na kaharap si Minth. Katabi naman ni Lenie sa kabila niya is si Christine na kaharap si Cathy na katabi si Flare na kaharap si Erica. Nasa isang dulo si Bati dahil mag fi-feeling may-ari raw siya ng bahay.

Hindi parin naubusan ng pinag-usapan sina Osang, Clint at Minth at paminsan-minsan naman ay nakikisabay na sina Thirdy at Flare kapag may nalalaman sila.

Si Xavier naman ay tutok sa pagkain lalo nang malaman niyang tuyo at daing ang ulam, na niluto nila Lola Tala at Lolo Verto bago sila umalis, kaya hindi na nakisama sa usapan. Pero sumasagot naman siya kapag tinatanong siya ni Lexa tungkol sa mga bagay-bagay.

"Wala pa kayong girlfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jozza nang tinanong niya ang mga ito tungkol sa lovelife nila at sumagot naman ang mga ito ng wala.

"Ba't amaze ka? Bakit bawal ba ang single?" Sabat ni Minth sabay umirap.

"Oo nga." Sang-ayon naman ni Xavier pagkatapos lumunok.

"Sinabi ko ba? Tinanong ko lang. Malay ko ba kung naging babaero pala kayo for the past years." Ani Jozza habang kinakalabit si Thirdy.

"Kumain ka nalang. Atsaka kami? Girlfriend? Eh kasalanan ba namin na hindi pa kami trip panain ni kupido kaya wala pa kami niyan?" Saad ni Clint pagkatapos uminom.

"At kahit naman habulin kami," Saad ni Minth pagkatapos uminom. Napaubo naman ako doon na siyang ikinunot ng noo niya. Umiwas lang ako ng tingin.

"Wala pa namang babae ang dahilan ng pagtibok ng puso namin. At hindi pa namin nararanasan yung sinasabi sa movies at libro na 'slow mo'. Atsaka, were not rushing things. We are just enjoying our lives before we get commited." Pagpapatuloy nito.

"Right." Sangayon ni Xavier na inaabot ang kanin.

"Commited, commited ka diyan. Dami mong alam. Dami mong sinabi. Disisais na kayo pero wala pa kayong naging gf? Unusual yun para sa isang lalake no."

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now