CHAPTER 16

45 1 0
                                    


CHAPTER 16: INFORMATION OVERLOAD

Alas dos palang ng hapon, at ganitong oras naisipan ni Ate Glam mag-open forum. At may dala pa talagang alak. Pero sabi niya, mas maganda raw na ganitong oras hindi yung 'pag gabi na eh baka raw may makatulog, at tiningnan naman nila akong lahat pagkasabi niya no'n.

"Eh sinong mag-da-drive 'pag nalasing yung mga driver?" Tanong ni Keah. Ningon naman siya ni Flare. "Maraming may alam mag-motor sa 'tin. Salitan nalang." Tumango lang si Keah sa sinabi ni Flare.

"Oo nga 'no?" Kunwari ay nag-isip pa si Kiray. "Sabi ko kasi sa'yo Glam, 'pag naka-uwi nalang tayo. 'Di bale nang may makatulog. 'Wag lang may maaksidente pag-uwi natin." Saka pa siya nag-'knock on the wood'.

Sumang-ayon naman kami sa sinabi ni Kiray kaya walang nagawa si Ate Glam kundi itago yung alak. Gano'n na rin ang Ribal Siblings sa mga baso.

"Swimming nalang tayo!" Tumingin kami kay Lexa at Aga na nauna na pala sa pag-su-swimming, hindi sa dagat kundi sa lagoon. Nilingon ko si Xavier at nakitang matalim na nakatitig kay Aga na nakikipagtawanan kay Lexa.

"'Yang tingin mo," Bulong ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako. "Anong tingin pinagsasabi mo?" Maang-maangan niya. Ngumisi naman ako. "'Yang tingin mo'ng may pinapatay sa isipan, alam ko na 'yan." Bumalik ang tingin niya kina Lexa na katatapos lang mag-apir. "Been there, done that." Pang-gagaya ko sa tono niya kanina. Akma naman niya akong pabirong susuntukin nang tumakbo na ako papunta kina Lexa at Aga.

"Woi," Pagkuha ko ng atensiyon nilang dalawang nagtatawanan. Naglakad ako palapit sa kanila. "Itodo niyo pa. May nagseselos na." Saka ko pasimpleng tiningnan si Xavier na nakikipag-usap kay Erica.

"Saan?" Tiningnan rin nila ito at nawala ang ngiti ni Lexa nang makita silang naka-ngiting nag-uusap. "Wala naman ah." Saka siya tumalikod. Tumalikod na rin kami ni Aga.

"Pero kita ko kanina. Yung tingin niya. Parang may sinasabi." Bulong ko.

"Wala. Walang gano'n, Dwythe. Ititigil ko rin naman ito kasi alam kong isang linggo nalang tayo dito at malabong may pag-asa." Saka tumawa ng peke si Lexa. Inakbayan naman siya ni Aga.

"Iiyak mo na 'yan. Huwag mo nang piliting pigilan kasi tutulo at tutulo 'yan." And with that, lumuha na nga si Lexa. Inilublob niya muna sandali 'yung ulo niya sa tubig bago muli niyang inihaon ito nang nakangiti ng peke.

"Okay na." At tumawa pa siya. Nasasaktan rin ako para sa kaniya.

"Ano ba 'yan! Drama!" Saka ko sila tinulak dalawa pailalim sa tubig. Nang makaahon sila, nakangisi na sila. At alam kong hindi 'to maganda dahil last time na may ngumisi ng ganiyan, panganib eh.

"Anong gagawin niyo?"

"Ganon pala gusto mo ha?" Saka sila unti-unting lumapit. Atras rin ako ng atras nang may mabangga ako sa may likuran ko. Si Clint. Agad akong nagtago sa likod niya.

"Itago mo ako." Saka ko sinilip ang dalawa na biglang nawala. Umalis ako sa likuran ni Clint.

"Asa'n na sila?" Tanong ko. Itinuro naman niya ang sa may ilalim, nang titingnan ko na sana, hinila na ako ng dalawa.

"Waaaaaaah!" Nagpumiglas ako dahil panay kiliti sila sa may talampakan ko. Hirap pa akong huminga dahil nakikiliti na ako. Nang matulak ko na si Aga, agad akong umahon.

Hinanap ko ang dalawa at nakitang pinagtatawanan nila ako habang nakaturo pa sa 'kin. Inirapan ko sila. "Mamaya lang! Malilintikan kayo sa 'kin!" Tinawanan lang nila ako.

* * *

Basa kaming lahat na uuwi.  Pagkain lang at mga motor dala namin eh. At kagaya kanina, nagpaiwan ako para balikan nalang. Pero ang kasama ko kaninang si Ate Glam, agad na tumabi kay Kiray sa Real Engine kaya iba ang kasama ko ngayon. Si Xavier. Kaya ang driver nina Erica at Lexa ay si Flare. At ang kambal daw ulit ang susundo sa 'min.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now