CHAPTER 20

18 0 0
                                    


CHAPTER 20: HOT SEAT AND COLD STARE

"SAAN KAYO NANGGALING?!" Sabay-sabay na tanong nila. Parehas naman kaming napatakip ng tainga ni Minth.

"HOY! SUMAGOT KAYO!"

"NAG-DATE KAYO 'NO?!"

"ANONG GINAWA NIYO?!"

Sunod-sunod nilang tanong kaya hindi kami maka-tiyempo kung paano mag-eexplain.

"BA'T AYAW NIYONG MAGSABI?!"

"BA'T HINDI KAYO SUMASAGOT?!"

Patuloy nilang pagtanong.

"SAAN KAYO---" Pinutol ko na ang susunod pa nilang tanong.

"TUPA! PUWEDE BA?! KUNG GUSTO NIYONG MAKASAGOT KAMI EH, ISA-ISA LANG ANG MAGTATANONG?! NI HINDI NA NGA NAMIN ALAM KUNG SINO ANG SASAGUTIN SA INYO EH!" Sigaw kong sagot pabalik. Natahimik ulit sila.

Binulungan naman ako ni Minth ng, "Nice." Tinanguan ko lang ito.

Naglakad kami papuntang sofa ni Minth. Nagbigay naman sila ng space para maka-upo kami saka sila nagtanong, isa-isa.

"So saan nga kayo nanggaling?" Malumanay na tanong ni Ate Glam na may nanliliit na mata.

Sabay pa kaming huminga ng malalim ni Minth at saka siya sumagot.

"Hammock." Tinanguan lang ito ni Ate Glam na siyang hindi naintindihan ng iba.

"Saan 'yun?" Tanong ni Keah pero "Basta." lang ang isinagot ni Minth.

"Anong ginawa niyo doon?" Usisa ni Lenie.

"Nag-usap." Simpleng sagot ko.

"Anong pinag-usapan niyo?" Pagtatanong ni Xavier na tumataas-taas pa ang kilay.

"Things." Ani Minth.

"Like?"

"The thing happened 3 years ago." Makahulugan nitong sagot sa pinsan niya na tumango lang. Naguguluhan rin ang iba sa pinagsasagot ni Minth pero nanatili silang tahimik.

"Eh bakit ang tagal niyo?" Pang-aakusa ni Bati na parang nalugi.

"Matagal ba? Eh wala pa nga atang isang oras na nandoon kami." Sagot ni Minth. Tinawanan naman siya ng mga kasama namin.

"Kapag talaga kasama mo siya, nakakaligtaan mo ang oras 'no?" Nilingon ko ang nagtanong. Si Clint na kila Jm at Fj nakatingin. Tumango lang si Fj. Nang lingunin kami ni Clint, sabay namin siyang inirapan ni Minth.

"Anong wala pang isang oras? Eh isa't kalahating oras kaya kayong nawawala." Umiiling na sabi ni Thirdy. Nagkatinginan kami ni Minth at sabay na kumibit-balikat. Malay ko bang isa't kalahating oras pala?

"Hindi pa nga kayo nagsasabing aalis kayo," Tonong nagseselos si Kuya Ephilon nang sabihin niya 'yan. "Para sana sumama ako. Kahit chaperone okay lang. Nakakasawa nang makita ng pagmumukha ni Cathy. Ayaw naman akong picturan gamit ang instax niya." Dagdag pa niya kaya isang malutong na palo sa bisig ang natanggap niya mula kay Cathy.

"So bumalik tayo sa inyo, bakit ang tagal niyo?" May panunuksong tanong ni Flare.

"Nag-usap nga." Sagot ko. Kumibit-balikat lang si Flare sa sagot ko.

"Walang nangyaring aminan?" Tanong ni Jozza.

"Meron." Agad na sagot ko.

"Ano? Sino?"

"Na inamin niyang mali yung hula ko sa 2 Lies and A Truth niya." Napatampal naman sila ng noo.

"Minsan talaga, nakakatanga kausap si Dwythe." Umiiling na ani Aljon.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now