CHAPTER 29

20 2 0
                                    


CHAPTER 29: LAST DAY

Funny how time slow down when you're waiting it to end or you're waiting someone. And how it moves fast when you're just savouring and enjoying the once-in-a-lifetime moment.

Sabi nga nila, kapag nag-eenjoy ka, mas bumibilis ang takbo ng oras.

Halos lahat ay maagang nagising kinaumagahan. Na para bang dapat sulitin ang araw na 'to dahil bukas, magtatapos na ang bakasyong ito. Matatapos na ang dalawang linggong bakasyon na kahit ako sa sarili ko, hindi ko inaasahang magiging ganito. Ganito kasaya, kadrama at kasakit.

"Sa 'min si Minth! Sa inyo si Clint!" Sabay hila ni Bati kay Minth sa grupo nila. At tulak naman kay Clint sa direksiyon namin.

"Huwag mong kunin si Minth! Nandiyan sa kabilang grupo si Dwythe! Magpapatalo 'yan!" Itinulak pa ni Kuya Ephilon si Minth na natatawa.

"Edi mas mananalo sila kasi may inspirasyon si Minth! Kaya dapat, sa grupo natin siya!" Hila ulit ni Bati kay Minth.

"Huwag nga! Matatalo tayo!" Tulak ni Kuya Ephilon kay Minth. Naiiling na lang kami sa pinaggagagawa nila samantalang mukhang naiinis na si Minth.

Pero sa huli, ang kambal ang nasunod. Si Minth ang napunta sa amin at si Clint sa kabila.

Maglalaro kasi kami ng tug of war. Nakuha lang nila ang tali sa storage room nila Lola Tala at naisipang maglaro ng gano'n.

Apat na grupo ang finorm nila. Limang members kada grupo. Habang ang tatlo pang natitira na ayaw sumali, manonood na lang daw at magsasabi kung sino ang mananalo.

Ang members ng unang grupo ay binubuo nina Ate Glam, Flare, Lenie, Aga at Erica. Ang ikalawang grupo ay binubuo naman nina Christine, Xavier, Lexa, Thirdy at Kuya Fioban.
Si Bati, Kuya Ephilon, Clint, Jozza at Aljon naman ang sa ikatlong grupo. Sina Lyn, Kristian, Keah, Minth naman ang kasama ko sa ikaapat na grupo.

Hindi ko alam kung anong ginawa nila. Basta nalaman ko nalang na ang una at ikalawang grupo ang unang maglalaban at susunod kaming ikatlo at ikaapat na grupo.

Agad nilang pinapuwesto ang unang maglalaban samantalang kaming ibang hindi pa maglalaro, kinuntento ang sarili sa panood sa habang nakaupo sa buhangin.

Para daw mas masaya, sa dagat kami maghihilaan. Para diretso subsob sa tubig ang matatalo. Hanggang sa bewang lang naman ang kataas ng tubig kung saan kami maglalaro.

Pumuwesto na sa tapat ng may panyo si Jm at Fj na siyang magsasabi kung sino ang panalo samantalang panay take ng pictures si Cathy. Memories.

"Sige hilain mo pa, Lenie!" Pang-cheer ni Aljon kay Lenie na sa gitna nilang lima pumwesto.

"Sige lang Glam! Hilain mo pa!" Cheer rin ni Kristian kay Ate Glam na nilingon siya at nag-flying kiss pa dahilan para medyo mahila ng kabilang grupo ang tali dahil siya ang nasa harapan.

"Hala Thirdy, sige hila! Ang hina hina mo naman!" Pang-aasar ni Jozza kay Thirdy na biglang hinila ang tali kaya sumubsob sa tibig ang unang grupo.

"Wooooh! Nanalo kami!" Pagtatatalon ni Christine nang sinabi ni Jm na sila nga ang nanalo.

Nakabusangot naman habang basang-basa na umahon ang unang grupo saka pasalampak na umupo sa may pampang upang manood.

"Maghanda na kayo! Matatalo kayo!" Ani Bati na pinalo palo pa kunwari ang braso niya na akala mo nama'y may muscle.

"Oh talaga ba?" Nang-aasar rin naman ang tono ni Kristian nang sumagot siya kay Bati. "Ihanda mo na mukha mo! Mamaya baka 'di mo mamalayan, bigla ka na lang sumubsob sa tubig!" Bati just rolled her eyes and went to her groupmates.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now