CHAPTER 1

113 5 2
                                    


CHAPTER 1: MEETING

Nakailang ikot na ako sa higaan ko pero hindi parin ako makatulog. Nagbilang na rin ako ng tupa pero walang epekto. Pinikit ko ang mata ko at mag-kakalahating oras na ata kanina pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.

Kinapa ko ang cellphone ni mama sa may ulunan at tiningnan ang oras.

1:43 A.M.

Umaga na at hindi pa ako nakakarating sa dreamland. Maaga pa naman kami mamaya.

Inopen ko ang messenger at tiningnan ang Group Chat ng section namin noon. Pumikit muna ako saglit dahil sa liwanag ng screen ng cellphone.

"Excited na ako guys!!"

"Oy Cathy, pagkaeeeeen"

"Tulog na guys"

Pinatay ko rin ito nang mabasa ko na ang mga chat nila.

Pinikit ko muli yung mata ko at pinilit ang sariling matulog.

* * *

"6:01 na. 6:00 sharp ang call time. Late ka." Pambungad sa 'kin ni Jozza pagkababa ko palang ng motor.

Tinawanan ko nalang siya habang inaayos ko ang bag ko.

"Mag-ingat kayo ah. Magtipid ka kasi bibilhan mo pa kami ng pasalubong. Sige na." Paalala ni mama.

"Opo." Sagot ko at tumabi nang iiikot na niya ang motor.

"Laki ng eye bags mo." Hirit pa niya bago ako humalik sa pisngi niya at umalis na siya.

Umikot ako habang hawak ng mahigpit ang dala kong bag. Nilalamig kasi ako.

"Sino nalang ang kulang?" Tanong ko habang tinitignan isa-isa ang mga kasama namin.

"Tatlo nalang. Pero on the way na daw." Sagot nila.

"Akala ko ba walang magdadala ng phone? Pa'no niyo nalaman?"

"Duh. Nandito pa po tayo sa bahay namin kaya nandito pa yung cellphone ko. Iiwan ko rin naman mamaya." Depensa ni Jozza

"Pottassium." Sagot ko at halata namang nag pa-process pa yung sinabi ko sa kaniya.

"Ano?"

Sasagot na sana ako nang may bumusina sa may likuran ko. Nagpagilid ako para makapwesto ng maayos ang van na sasakyan namin.

"Tito kulang pa ng tatlo. Pero on the way na daw. Hintayin nalang po natin." Pagkausap ni Bati sa papa ni Lexa.

Hindi sumagot ang papa ni Lexa sa halip ay tumingin lang sa back seat. Napatingin naman kami sa pinto ng van nang bigla itong bumukas.

"Let's go guys!Excited na ako!" Masiglang sabi ni Thirdy pagkabukas ng pinto. Tiningnan namin sa likod niya at doon ay nakita namin ang dalawa pang kulang sa amin.

Nag unahan ang iba sa pagpasok sa van at nagtulakan pa 'yong iba. Nang maayos nang naka upo yung iba, saka ako pumasok. At tiyempo pang sa tabi ng bintana kaya doon nalang ako umupo.

"Okay na?" Tanong ng papa ni Lexa

"OPO!" Sabay-sabay naming sagot. And with that, pinaandar na niya ang van.

* * *

Halos isang oras lang ang biyahe papunta sa daungan kung saan kami sasakay papuntang Calayan Group of Islands. Kaya pagkababa namin sa sasakyan, kaniya-kaniyang stretch ng katawan.

"Mauna na ako. Mamamasada pa ako. Mag-ingat kayo." Sabi ng papa ni Lexa at umalis na.

"YEHEY!ARAT NA GUYS!"

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now