CHAPTER 10

32 2 0
                                    


CHAPTER 10: CRUSH PROBLEMS AND DRAMAS

"Sabi ko na nga ba sila yung nakita ko kanina eh!" Pumapalakpak pa na sabi ni Xavier habang nakangiti lang ang kambal.

Tinulak naman siya ni Lexa para makalabas na. "Harang." Usal pa nito. Sumunod naman kami at nakitang sila lang tatlo.

"Sila Ate Glam?" Tanong ko habang nakatingin sa dinaanan nila.

Minth clutched his chest. "Ouch. Kami nandito pero iba hinahanap mo. Nakakasakit ka," He jokingly said. Umirap lang ako habang nakatingin parin sa east wing at pilit hinahanap sila Ate Glam. Biglang umakbay sa 'kin si Clint. "Bakit ka ba naghahanap ng wala? Nandito lang naman ako sa tabi mo pero hindi mo pa ako makuhang lingunin," Pagdra-drama niya. Nag- "ayieeee" -han naman sila. Tinanggal ko ang pagkaka-akbay ni Clint sa 'kin saka umirap. "Kasi hindi ikaw ang kailangan at gustong makasama." Sagot ko.

"Boom basag!" Ani Bati at Erica.

"Aray!" Sina Lenie at Christine naman ang nang-asar kay Clint habang tumawa lang ang iba.

"Tara na nga lang! Mag water activities na nga lang tayo. Daming drama." Pagdaan ni Minth sa pagitan namin ni Clint habang hila si Bati. Pansin ko namang napangisi si Clint.

"Ba't ka ba nanghihila? Tokwa naman oh!" Reklamo ni Bati pero nagpatianod rin.

Sumunod nalang ako nang medyo makalayo na sila.

I scoffed. Ba't kaya wala sila Ate Glam?

Sabi nila, "Speaking of the devil and the devil shall hear." At totoo naman kasi bigla nalang may dumamba sa 'kin mula sa likod.

"Dwythe!" Nang tingnan ko ito, si Ate Glam. Ngumiti lang ako. Nakita ko naman sa likod niya ang dalawang Ribal na ngumiti rin.

"Saan sila pupunta?" Tanong ni Kuya Ephilon habang nakatingin sa papalayong batalyon na kasama ko lang kanina.

"Sa dagat ata," Sagot ko. Tumingin naman ng may nagtatanong na mata si Kuya Fioban. "Mag-wa-water activities daw." Pagpapatuloy ko at tumango naman ang huli.

"Edi tara na!" Ani Ate Glam at hinila ako.

Anong meron at nanghihila sila?

* * *

"Mag-ingat ka!" Pagpapa-alala ni Flare kay Erica na natumba na naman mula sa surf board. Tumango lang naman si Erica na pinipilit paring tumayo. Na-attach ata masyado kay 'Elijah at Klare' kaya naisipang i-try ang surfing nang malamang may gano'n raw dito. Gano'n rin si Xavier na medyo marunong 'raw' at tuturuan siya.

Samantalang nanatili naman sa may pampang lang si Flare at pinapanood ang dalawa.

Nagseselos 'yan.

Hindi naman kami sinisingil sa kada activities na sinusubukan namin since given na kapag lumabas ka na sa office nung boss, registered ka na.

Kasalukuyan kaming nagsusuot ng life vest para handa na kaming sumakay mamayang makuha na ng isang staff yung banana boat.

Pansin kong panay lingon si Lexa sa dalawang busy sa surfing. Nilapitan ko siya.

"Gusto mo?" Tanong ko habang nakatingin sa dalawa. Lumingon siya pero agad ring ibinalik ang paningin sa dalawa.

"H-h-hindi. H-h-hindi ko alam." Utal niyang sagot. "Takot ka bang mahulog?" Tanong ko ulit.

"Hindi naman sa gano'n. Pero parang ano. Basta! Ang gulo." Naguguluhan niyang sagot. Parang may ibang meaning yung mga sagot niya.

"Edi puntahan mo para malaman mo. I-try mo para ma-confirm mo 'yang nararamdaman mo."

"Ayaw ko nga. Nagsasaya na nga sila. Ba't pa ako manggugulo? Ba't pa ako makikisiksik?" Saka siya umiwas ng tingin.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now