CHAPTER 14

33 2 0
                                    


CHAPTER 14: SIBANG

"Sige na! Balikan niyo nalang kami!" Pagtutulak ko kay Clint.

"Sigurado kayo ha? Baka may iba na naman kayong pupuntahan." Ani kambal niya. Tumango naman ako pero nakatingin sa kambal niya.

"Tara na Y. Balikan ko nalang sila." Saka hinila ni Clint ang kambal niya.

Hinintay pa muna namin silang makaalis bago tumambay sa may bakuran.

Papunta na kami sa Sibang kaso ang problema, kulang ang motor. May isang hindi nila nahiram dahil na flat tire. Kaya ayon, nagpaiwan muna kami ni Ate Glam.

Sa isang Real Engine na sasakyan, pito silang nagkasya. Si Fj ang nag-drive at sakay niya sina Kiray, Aljon, Keah, Lyn, Jm at Aga. Sa iisang motor, driver si Thirdy nina Flare at Jozza. Sa isa pang motor nakasakay ang magkapatid na Ribal at si Cathy ang nag-drive, para raw ma-enjoy ng magkapatid ang view.

Sina Erica at Lexa naman ang sakay ni Xavier. 'Di ko alam kung anong pumasok sa kukote ni Lexa at pumayag na sumakay do'n.

Sa isang motor pa nakasakay sina Lenie, Bati at Christine at sila ang nag-volunteer na magdala ng ibang mga dadalhin since hindi masyadong nagkasya sa Real Engine. Sa isa pang motor nakasakay ang kambal at may bitbit na dalawang gulong para raw reserba.

Kaya ayon, nagpaiwan kami ni Ate Glam. Hindi talaga ako magaling mag-umpisa ng conversation kaya tahimik lang ako.

"Anong kukunin mong course?" Napatingin ako kay Ate Glam nang magtanong siya.

"Engineering po."

"Ah," Pagtango niya. "Eh si Kiray?" Nagulat ako pero sumagot rin ako.

"Mag-do-doktor po ata siya. Hindi ko alam ang course no'n eh." Parang numingning naman ang mata niya. "Anong field sa pag-do-doktor?" Bakas ang excitement sa boses niya. Kibit-balikat lang isinagot ko. Nag-pout naman siya.

"Ikaw po?" Pagtatanong ko.

"MedTech rin," Kaya pala nangningning ang mata niya. "Ano nga palang gusto mo sa isang lalaki?" Bigla ay pag-iibang topic niya.

"Ha? Di ko po alam." Sagot ko.

"May boyfriend ka na ba?" Tanong niya. Anong nangyayari kay Ate?

"Wala pa po." Narinig ko naman ang mahina niyang, 'Good.'

Nag-usap pa kami ng kung ano-ano ni Ate Glam. Kung bakit raw naiirita siya minsan sa magkapatid na Ribal.

"Kasi akalain mo 'yun? Sundan ba naman ako sa pag-do-doktor para lang daw bantayan ako? Eh halata namang walang interes do'n si Fioban. At wala namang umaaligid sa 'kin." Pagku-kuwento niya. Sumunod raw kasi sa kaniya si Kuya Fioban sa pag-me-MedTech samantalang BS Psychology naman raw si Kuya Ephilon.

"Eh kasi nga po, prinsesa turing nila sa'yo. Nag-iisa ka pa atang babae sa clan ng Divillan. Kaya todo bantay sila." Sagot ko.

"Basta nakakainis na sila minsan. Pero caring at loving naman sila." Nakangiting aniya kaya tumango na rin ako. Natahimik naman kami pagkatapos niyon.

"Kanino nabunot mong Paper of Truth?" Out of nowhere ay tanong ni Ate Glam na bumasag sa katahimikan. Nag-alinlangan pa ako kung sasabihin ko ba. "Huwag kang mag-alala, hindi ko ipagsasabi." Dugtong pa niya.

"Uhm," Baka kasi sabihin niya sa mga pinsan at sa kambal. Sa kanila pa naman ako naghihinala. Demmit.

"Sasabihin ko muna yung akin, tapos yung iyo naman. Okay?" Tumango ako sa sinabi niya.

"It says, "He still holds a place in my heart,"" Sabi niya. Ang konti. "Yung iyo naman."

Huminga ako ng malalim at akmang sasabihin ko na sana nang makarinig kami ng mga busina. Napatingin kami at nakita ang kambal na may tig-isang motor na dala. Tumayo na kami at nang minani-obra ng kambal ng motor papunta sa direksiyong pinanggalingan nila, tumakbo si Ate Glam papunta kay Clint at sumakay.

Just Weeks With You (COMPLETED) Место, где живут истории. Откройте их для себя