CHAPTER 19

19 0 0
                                    


CHAPTER 19: JUST A HUNCH

Hindi ko alam kung saan kami patungo. Patuloy lang ako sa pagsunod kung saan siya pupunta. Nang tumigil siya, sa may isang hammock sa harapan niya na tanaw ang dagat. May puno sa likod nito kaya may lilim naman. Umupo siya roon at nanatili naman akong nakatayo. Tiningnan niya ako ng may bored look.

"Umupo ka." Bumuntong-hininga ako at umupo.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Walang response. Nang limang minuto na at hindi pa siya nagsasalita, tumayo ako. Babalik na lang ako sa panonood.

"Saan ka pupunta?" Natigil naman ako. Nilingon ko siya at tinapatan ang bored look niya.

"Babalik na sa Villa niyo. Wala ka naman atang planong magsabi kung bakit tayo pumunta rito kaya babalik na lang ako roon." Sagot ko at tumalikod. Nagulat naman ako nang bigla niya akong hawakan sa kanang kamay.

"Stay." Tupangna. Bakit na naman ako kinakabahan? Binitawan niya ang kamay ko nang makitang uupo na ako. Hays.

"So titingin na lang ba tayo sa dagat?" Tanong ko kay Minth habang nakatingin rin sa dagat. Bumuntong hininga naman siya.

"Remember Kuya W?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa dagat.

W? Wenghel?

Hindi ako nagsalita.

"Ngayon yung same date no'ng mangyari yun lahat. Then bukas ang same date na umuwi na siya. Date na isa sa ayaw kong dumating. Kung bakit ba naman kasi ang tigas ng ulo ko," April 19 2017? 3 years na. "Pero hanggang ngayon, fresh pa rin 'yong imahe niyang tinutulungan ako diyan sa part na 'yan." Tiningnan ko ang tinitingnan niya.

"Dito kami noon nag-stay para sa araw na 'yon. Dito sa part na ito mismo. At diyan sa part na 'yan," Turo niya sa medyo malaim na part ng tinititigan namin. "Diyan ako muntik na malunod at diyan niya ako tinulungan." Kita kong naluluha siya pero tumingala siya at bumuntong hininga.

"Dito pa sa hammock na 'to kami nagsalo-salo bago ko naisipang lumangoy sa malalim na part na 'yan. Nakakatangna lang. Kasalanan ko lahat. Edi sana kasama pa namin siya ngayon." Puno ng pagsisising aniya.

"Kaya ba tahimik lang kayo?" Tanong ko. Tumango siya.

"Kasi 'yun lang ang gusto raw niya pag naaalala raw siya. Katahimikan. Kasi para sa kaniya, kapag tahimik, maayos ang lahat. Kasi 'pag nag-aaway sina Mama at Dad, tahimik kaming apat at wala ni isang pinapansin sa kanila. Kaya ayun, walang magagawa parents namin kundi ang mag-usap para sa gano'n eh makausap na nila kami kapag ayos na sila. Kakaiba yung naisip niya noon pero okay naman kasi nagkakaayos sila Mama at Dad." Paliwanag niya habang nakangiti pero kalungkutan ang mababasa sa mata niya.

"At saka, siguro tahimik rin ngayon sina Mama at Dad at sure akong kinancel na naman nila ang appoinments nila para alalahanin si Kuya."

"Eh bakit hindi kayo magkakasama?"

"Kasi on the process pa rin kaming tatlong kapatid niya kaya kapag dumadating 'tong ganitong month, expected na nila Mama at Dad na aalis kami. Para kapag bumalik na kami, hindi na ulit namin pag-uusapan at parang walang nangyari lang." Paliwanag niya. Napatango naman ako.

So kaya sila tahimik.

Dinivert niya ang usapan matapos ng limang minutong katahimikan.

"Saan nga pala kayo dumaan papunta rito?" Nilingon niya ako.

"Shortcut." Simpleng sagot ko. Nagulat siya roon.

"Alam niyo na?" Tumango ako.

"Edi alam niyo na ring iisa kami ng resort na tinutuluyan nina Lyn?" Again, I nodded.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now