CHAPTER 22

17 0 0
                                    

CHAPTER 22: STRANGE

'Gusto ko lang makasama ka kahit hindi ko na birthday bukas.'

'Anong gagawin natin?'

'Magde-date'

Nakahiga na ako nang maalala ko na naman ang sinabi ni Clint. Tinanong ko kasi kung anong gusto niyang regalo at 'yan ang sinabi niya. Hindi naman ako nakatanggi kasi birthday niya kaya pumayag na ako.

Naglakad-lakad muna kami ni Clint kanina para ma-digest yung kinain namin. Tapos napunta sa regalo ko daw ang topic kaya ayun, magkikita na lang daw kami sa park na pinuntahan namin noong i-tour nila kami noong first time namin dito.

Sinabi kong sunduin niya nalang ako pero ang gago, hindi raw siya gentleman kaya bahala na raw akong pumunta mag-isa doon. At alas otso raw ang call time.

At patuloy pa rin kami sa hindi pagpansinan ni Minth. Hindi na rin ako nag-effort para batiin siya ng 'Happy Birthday'. Paano ba naman kasi, panay tinging nanlilisik ang tingin niya.

Itinapat ko sa may bintana ang bisig kong may relo para mailawan mula sa buwan at makita ko ang oras.

11:23 P.M.

Maghahating-gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Maingat akong umupo para hindi magising ang mga katabi ko. Nilingon ko ang bintana. Rinig ko pa ang hampas ng alon sa 'di kalayuan. Wala naman sigurong multo rito kapag ganitong oras.

Bumaba ako at lumabas. Naglakad ako papuntang dalampasigan pero nalamigan ako kaya kinuntento ko nalang ang sarili ko sa pagsandal sa niyog habang nakatingin sa dagat.

Hindi naman masyadong madilim since nakakatulong rin ang ilaw mula sa buwan.

Napakatahimik ng paligid. Nakakawala ng mga iniisip.

Miss ko na sina Mama, Papa at mga kapatid ko. Tapos problema ko pa yung nangyayari kay Minth eh wala naman akong ginawa sa kaniya. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Tanging ang paghikbi ko lang ang sumisira sa katahimikan ng paligid.

Nakatungo ang ulo ko sa dalawa kong tuhod na nagtabi. I wrapped my arms onto my legs. Nag-e-emote pa rin ako nang magulat ako dahil sa may nagsalita.

"You okay?" Pagtatanong niya. Hindi pamilyar ang boses niya. Boses lalaki. Pinunasan ko ang mukha ko at inangat ang ulo ko para tingnan ang nagsalita. Pero wala naman sa tabi ko. Wala rin sa harapan ko.

"Okay ka lang?" Muling pagtatanong nung lalaki. At doon ko nalamang nasa kabilang likod pala siya nitong niyog, nakaharap sa pinanggalingan ko. Hindi na rin ako nag-abalang tingnan pa ito.

"Uulitin ko na naman. Okay ka lang ba?" Muli niyang pagtatanong. Short tempered ata 'to.

"O-oo." Sagot ko saka muling suminghot. Nahihirapan kasi ako sa pagsagot dahil sa kagagaling ko lang umiyak at barado yung ilong ko.

At hindi ko alam pero magaan loob ko sa kaniya.

"Alam kong hindi ka okay. Wala namang umiiyak dahil okay sila. Kung masaya ka naman, hindi naman ganiyan umiyak ang taong masaya." Sabi niya. Tangna to ah.

"Alam mo naman pala. Bakit nagtatanong ka pa?" Umirap ako sa kawalan. I heard him chuckle.

"Para may ma-topic lang." Ako naman ang natawa.

Nang muling namayani ang katahimikan, muli siyang nagsalita.

"Care to open up?" Huminga ako ng malalim.

"Kilala mo ba ako?" Imbes ay tanong ko. Malay ko ba kung kilala ako nito tapos mag-o-open up lang ako basta basta.

"Hindi ko alam. Hindi naman ako interesado kung sino ka. Ayaw ko namang tingnan kung sino ka," Sagot niya. "Dahil alam kong ayaw mo ring malaman ko kung sino ka. Kaya itong niyog nalang na ito ang magsisilbing barrier natin para hindi tayo magkita. Kaya you can open-up your problems to me. I'll just be here to listen." Dagdag niya pa. Hindi ko namalayan na napangiti naman ako doon.

Just Weeks With You (COMPLETED) Where stories live. Discover now