Agad na man nitong sinuri ang nasasaktan kong talampakan, pinahubad nito ang aking boots, at  tumambad sa harapan nito ang makinis kong hita.

Kita ko ang dahan-dahan nitong paglunok at nagtaas baba ang adams apple nito. May naisipan na man akong kapilyahan, kinuha ko ang kamay ng binata at nilagay sa binti ko.

"Massage mo sandali dito, kumokonekta kasi ang sakit dito." Sabi ko.

Pinagpapawisang hinilot na man ito ni Gabriel. Lihim akong napangiti, hindi ko alintana na parang may kuryenteng dumadaloy sa akin.

"Masakit pa ba?: Nag-aalalang mukha na tanong nito sa akin.

"Kailangan mong umuwi para magamot iyang hiwa sa may talampakan mo, isang sanga na matulis ang nkasugat sayo."
Tugon nito habang sinusuri ang sugat ko.

Nakatitig lang ako sa gwapo nitong mukha, hindi ko alintana ang sakit ng aking talampakan. Seryosong nakatuon lang ang atensyon nito sa nasugatan kong paa.

Malaya ko tuloy napagmasdan ang matangos nitong ilong, malalantik na pilik mata, makakapal na kilay na lalong nagbibigay dito nang maawtoridad na aura.

Bumaba ang tingin ko sa manipis at mapupulang labi nito. Hindi sinasadyang mapakagat ako sa aking sariling labi. Ganong akto ako nito napansin ng umangat ang mukha nito sa akin.

"Stop biting your lips, or else I'm gonna crushed it with mine!" Nakatiim nitong sabi sa akin.

Bigla akong napahawak sa aking labi. Hindi tuloy ako makatingin dito nang diretso.

"Shocks!! Ano kayang lasa nang labi niya, omg!! Kinikilig ako my gosh!! Ani ng baliw kong isipan.

"Wait here!" Sabi niya at tumayo para puntahan si Sapphire.

Lumapit siya sa aking kabayo, mabuti nalang at napaamo niya ito, Minsan may topak din ang kabayo kong iyon naninipa kasi ito, pag hindi ka nito kilala.

Dinala niya si Sapphire at maingat niya akong binuhat.

"wew!! ano ba pigilan mo iyang kilig mo shets!!

Nilagay niya ako sa likod ng aking kabayo, nagulat na man ako ng sumakay din siya.

"woaaahhhh! really, ihahatid niya ako my gosh!! Juice ko !!

Binabagtas na min ang daanan patungong mansyon, mahina lang ang naging lakad ni Sapphire na ipinagpasalamat ko naman.

Ganyan nga Sapphire, gusto ko pang makasama ang mokong na ito!!.

Tahimik lang kami, walang nagsasalita ni isa sa amin, mga yabag lang ni Sapphire ang naririnig ko at ang malalalim kong buntung hininga.
Makalipas na ilang sandali ay narating na min ang puno nang Caimito na hitik na hitik sa bunga, sa bandang sanga na medyo mababa nito, ay ang tree house kung saan dati kaming naglalaro nina kuya.

"Dito nalang, baka makita ka nina kuya, galit iyon pag nakikisalamuha ako sa inyo ng sobra." Nakayukong sabi ko dito.

Hindi ito sumagot, bagkos ay maingat ako nitong ibinaba, lihim na naman akong kinikilig ng hawakan nito ang sexy kong beywang para sa aking pagbaba.

"Salamat." Sabi ko dito habang seryoso itong umakay sa akin.

Damn!! he's so handsome!!

"Walang anoman." Tipid lang nitong sagot sa akin.

Nagtagpo ang aming mata ng ilang segundo, siya na mismo ang unang umiwas, medyo may kunting kirot akong naramdaman doon.

"Gabriel right?" Sabi ko dito.
"Anong apelyido mo Gabriel?" Nakangiti kong tanong dito habang tinatali nito si Sapphire.

"Bakit mo na man tinatanong ang pangalan ko, hindi ka ba nag-aalangan sa akin senyorita?" Sabi nito sa akin at umupo sa may batuhan.

Samantalang ako ay nakaupo sa maliit na silya na ginawa dati ni dad sa akin nong 10 yrs.old pa lamang ako.

"What do you mean, nagaalinlangan? may dapat ba akong alinlanganin sayo Gabriel?" Mataman kong tugon dito.

Seryoso pa rin ang aura nito na nakatingala na sa may tree house na min. Tumayo ito at lumapit sa kinauupuan ko, tinanggal nito ang boots ko at maingat na tiningnan ang hiwa doon. May kunting dugo pa ang namumuo doon.

Binuhat na naman ako nito, patungo na sa loob ng mansion, gusto ko mang pigilan siya, dahil baka magalit si kuya Mike, lihim na lamang akong nagdadasal na sana'y wala pa ito doon sa loob at sana nasa planta pa ito.

I feel so secure in his arms, napakapit na lamang ako sa batok niya.

Why so serious my love? hmmm.

Magaan sa pakiramdam habang buhat-buhat ako nito, buong lakad akong nagnanakaw ng titig sa kanya, mabuti na man at hindi ako nito nahuhuli, hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng bakuran nang mansion.

"Sayang naman, gusto ko pang mgpabuhat eh.

Huminto siya sandali at sumulyap sa akin.
"Alam kong gwapo ako senyorita, kanina ko pa kayong napapansing nakatitig sa akin. Nakakaloko nitong sabi sa akin, sabay kindat sa akin.

"gosh!!

"Paano kung sabihin kong crush kita Gabriel?, pilya kong sabi dito. Biglang naging seryoso ang aura nito, kasabay nang pag igting ng panga.

"I won't believe you, hindi tayo bagay, langit ka at lupa lang ako senyorita. Isa pa hindi ikaw ang babaeng type ko. "I like decent woman, a simple lady, not a brat. May diing sabi nito sa akin.

May parang kung anong tumarak sa aking puso, nabigla ako doon. Pero pinipilit kung kumalma ang aking sistema. Hinarap ko na lamang siya at nakiusap na ibaba na ako, total kaya ko na namang tumayo at maglakad. Ayaw pa sana niya akong pakawalan, pero mapilit ako at hinayaan din naman niya ako.

Pilit kong hindi ipinahalata dito ang nararamdamang, shit lang!! Hindi ko rin maintindihan.

"Kalimutan mo nalang ang sinabi ko, I'm just kidding you know, may kapilyahang tugon ko dito, but deep inside, I feel so hurt.
"Salamat ulit Gabriel.

Confusement, ang mababakas sa mukha ni Gabriel ng tumalikod ako sa kanya, isang pilit na ngiti ang naging tugon ko,  Hindi muna ito umalis hanggang sa makapasok ako sa malaking gate ng mansion.

Chasing Him (Under Major Editing)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum