Wakas

1.3K 29 7
                                    

A/N: This is the END of this story. Thank you for supporting the lovestory of Jean and Luigi! 💖 
--------------------------
Jean's POV

Maaga kaming nagising, tumutulong kami ni Dad at ni Ms. Aquino sa pag-aayos dito sa resto. Although may mga tauhan na ni-hire si Hannah, mas mapapadali kung tutulong na rin kami.

Sunod-sunod na dumating yung mga pagkain. Nagkatay kami ng limang baboy, kaya madami-dami ang mga putahe na pwedeng pagpilian ng mga bisita namin mamaya.

Mga teachers, kaklase at mga pamilya namin ang dadalo sa birthday party mamaya ni Luean.

Kinakabit namin ngayon ni Ms. Aquino yung tarpaulin na nakalagay na Happy 7th Birthday Luean Pauline!  na may picture niya na naka-princess gown siya.

"Dad hindi ba pupunta dito si Luigi?" akala ko kasi tutulong din siya ngayon pero mag-isa lang pumunta dito si Dad.

"Ayun na nga, maaga siyang umalis sabi nung maid. Hindi ko alam kung saan pumunta pero siguro maya-maya andito na yun." kinabahan ako bigla, wag naman sana mangyari yung iniisip ko.

...Na baka iiwan ulit ako ni Luigi, 'yan ang kinakatakot ko. Para bang nagka-trauma na ako na naka-set na sa mind ko na baka iwan ulit ako niya, na baka hindi na siya masaya sa relasyon namin at baka nasasakal na siya at nanawa na sa akin. Yung ganun ba.

Pero nagtitiwala ako kay Luigi. Alam kong hindi na niya gagawin yun ulit. Kaya lang naman nagawa niya yun dati kasi hindi kami nagkaintindihan, pero ngayon alam kong hindi na mangyayari pa ang nakaraan na yun.

"Naku hija, mabuti pa at ayusan mo na si Luean. Maya-maya may mga bisita na dito na darating. Kami din ay magbibihis na din." sabi ni Dad. Tumango ako at bumalik sa bahay para bihisan na si Luean.

"Are you ready my princess?" tanong ko sakanya. Napangiti siya.

"Yes mommy!!! Sobra saya din po, kasi ngayon andito na si Daddy sa birthday ko." kung alam mo lang anak, maging ako din sobrang saya din kasi sa wakas makakasama na ulit natin ang Daddy mo.

Pagkatapos ko bihisan at ayusan si Luean ay nagbihis na din ako. Naka-pang queen ako, si Luigi mamaya naka-pang king yun. Siguro ngayon pa lang bibili yung lalaking yun kaya wala ngayon.

"Ready na ba kayo?" biglang sumilay si Dad sa may pinto. Napatango ako sabay ngiti. Binuhat niya si Luean at sabay-sabay kami pumunta sa may resto kung saan gaganapin ang birthday party ni Luean.

Nakasara pa ang pinto at magsa-sign na lang daw si Hannah kung papasok na kami.

"Please welcome our birthday girl, Luean Pauline Claveria." bumaba na si Luean kay Dad at hinawakan ang kamay ng Lolo Dad niya at pati na rin ako. Narinig ko yung mga palakpakan, pagbukas ng pinto sabay pasok namin.

Hindi ko akalain na ganito kaganda ang kalalabasan ng mga ideas ko. I like it! Tiningnan ko si Hannah at nakatingin rin pala siya sa akin. Napangiti ako, she did a good job. Sobrang gaan niya kausap at nagawa niya ng maayos yung trabaho niya.

Umupo na si Luean dito sa princess chair niya na nasa gitna. At biglang namatay ang ilaw at lahat napatingin sa projector sa may gilid.

Ito yung mga pictures ni Luean simula nung baby pa siya. Ang last part ng video ay yung sama-sama kami nina Luigi, yun yung first family picture namin.

"Mommy sunod na yung kanta natin, wala pa din si Dad." sabi ni Luean sa akin. Luigi naman, dumating ka na.

Bumukas ulit ang ilaw.

"Okay now, let's here a song performance from our birthday girl with her Mommy and Daddy!" nagkatinginan kami ni Luean, parang naiiyak na siya. Tiningnan ko si Dad at napatayo siya nung makita niya yung apo niya na naga-alala. Wala pa kasi si Luean.

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now