Kabanata 32

931 15 0
                                    

Jean's POV

Kahit papaano gumaan ang loob ko sa pag-uusap namin ni Luigi kahapon. Galit na galit ako sakanya pero nung kausapin niya ako at ipinaliwanag ang lahat para bang nakalimutan ko na lahat ng ginawa niyang mali sa akin.

Ngayon nakiusap sa akin si Luigi na gumala kaming tatlo. Gusto daw niya bumawi kay Luean at sino ba naman ako para tanggalan siya ng karapatan sa anak ko diba?

Gusto ko na rin sabihin sa anak ko ang lahat, sa ngayon hindi pa siya nagtatanong tungkol sa Daddy niya pero alam kong darating ang araw na tatanungin niya rin yun.

"Anak." tinawag ko si Luean na nakabihis na ng favorite dress niya at lumapit siya sakin.

"Bakit Mommy?" tanong niya. Handa na ako, handa na akong sabihin sakanya ang lahat.

"Gusto mo ba makilala ang Daddy mo?" tanong ko sakaniya, tumango siya at ngumiti na para bang excited na excited.

"Ang Daddy mo ay si Luigi. Siya ang Daddy mo anak." sabi ko sakanya.

"Si Kuya Luigi po?" tumango ako at ngumiti sakanya.

"Oo anak at simula ngayon, hindi na kuya ang itawag mo sakanya ah, Daddy na." sabi ko kay Luean at bigla niya akong niyakap at napapalakpak.

"Yehey!!! Happy Family na po tayo kasi kumpleto na po tayo." oo anak, kumpleto na ulit tayo. Bumalik na ang Daddy mo at tanggap ka na niya, magkasundo na rin kami.

Luigi's POV

Kumatok ako sa kwarto nina Jean para tingnan kung handa na ba sila. Pupunta kasi kami sa Bulusan Zoo dito sa Calapan at siguradong matutuwa si Luean dun.

Pinagbuksan ako ng pinto ng anak kong napaka-cute. Nakipag-apir ako sakanya.

"Handa na ba kayo?" tanong ko sakanilang dalawa.

"Opo Daddy!" napatigil ako sa sinabi ng anak ko. Tama ba ang pagkakarinig ko? Tinawag niya akong Daddy? Tinawag akong Daddy ng anak ko! Biglang may tumulong luha sa mga mata ko at tiningnan ko si Jean na nakangiti sa akin.

"Tama na ang drama, tara na! Nanguna na si Luean sa sasakyan hahaha!" paalis na sana si Jean kaso hinawakan ko ang kamay niya kaya napalingon siya sa akin saka niyakap ko.

"Thank you, thank you sa pagpapakilala sa akin kay Luean bilang Daddy niya. Sobrang masaya ako na maayos na tayo." sabi ko. Bakit ganun parang sabik na sabik ako sa bawat pagyakap ko sa kaniya? Lumulundag ang puso ko sa tuwing kinakausap niya ko siya, siguro nga mahal ko pa rin siya. Hindi naman talaga nawala yun, sabi nga nila first love never dies. At siya, ang first love ko.

Tumungo na kami sa sasakyan at kanina pa naghihintay doon si Luean. Sobrang saya ko kasi hindi na kuya ang tawag niya sakin kundi Daddy na. Ang sarap marinig na may tumatawag sa'yong Daddy.

Wala man ako sa tabi niya simula nung baby siya pero ngayon hindi ko hahayaan na magkakawatak-watak kami, babawi ako sa anak ko. Pupunan ko lahat ng pagkukulang ko sakanya.

Malapit lang naman dito yung Bulusan Zoo at nakarating agad kami. Nagbayad na kami ng entrance fee at pumasok na sa loob.

Nagpapabuhat si Luean sa Mommy niya habang naglalakad kami at sinabi kong ako na lang at tumango naman si Luean.

"Tingnan mo Baby oh yung monkey." sabi ko sabay turo dun sa Monkey, tuwang-tuwa naman si Luean habang nakikita yung mga animals dito sa Zoo, actually mini zoo lang siya, konti lang yung mga hayop dito pero may mga ibang activities sila ditong ino-offer para sa mga sporty persons pero we're not sporty so nung napagod na kami umupo muna kami sa bench.

My Favorite Mistake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon