Kabanata 29

877 16 0
                                    

Luigi's POV

"Need ko ba talagang umattend sa christmas party ng mga staff niyo sa resort?" tanong ni Amber sa akin.

"Babe ofcourse. Promise matutuwa ka kapag sumama ka." hindi ko pa pala nasasabi sakanya na may anak na ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya pero ang alam ko kailangan ko pa rin sabihin sakanya kasi fiancé ko na siya.

"Okay pero wala akong susuotin." kinuha ko yung paperbag na may laman na dress at high heels niya.

"So kagabi hindi na kita nagising. Sabi naman nung maid kumain ka na daw, pumunta kasi akong SM at bumili ako ng mga regalo for the christmas party later at ayun alam kong maghahanap ka ng damit so I bought two dresses, ikaw na bahala kung ano gusto mo diyan. May high heels na din diyan." niyakap niya ako.

"Thank you babe!" sabi niya. Iniwan ko muna siya dahil magbibihis na daw siya.

At 7:00 magsisimula na ang party, 5:00 pa lang naman ngayon so we still have a time to prepare. Si Zamiel nga pala ay umuwi na kaninang madaling araw kasi nga may christmas party rin daw sila kasama pamilya niya, reunion kumbaga.

Nakita ko si Dad sa may garden, nakabihis na rin pala siya.

"Dad." napalingon sa akin si Dad at lumapit ako sakanya saka umupo sa tabi niya.

"Thank you Dad ah kasi inalagaan mo yung anak ko nung wala ako." sabi ko kay Dad. Alam kong siya ang pumuno nung mga pagkukulang ko sa anak ko at kay Jean na rin.

"Anak syempre apo ko si Luean, natural na gagawin ko yun. Nga pala, anong binili mong regalo sa anak mo?" sinabi ko kasi kay Dad na bibilhan ko ng mga laruan si Luean.

"Dad madami na akong binili, hindi ko alam kung ano ang gusto niya. Mga barbie house, barbie at mga kitchen set. Sa tingin mo Dad magugustuhan niya yun?" tanong ko kay Dad. Napangiti sakin Dad.

"Sure na sure ako na magugustuhan yun ni Luean lalo na't galing sa kanyang Daddy. Alam mo napakabait ng batang yun, bilib nga ako kay Jean. Sobrang maalaga siya sa anak niya, dati nagkalagnat yan si Luean tapos nito lang nalaman na may sakit siya sa puso, palagi siyang napupuyat sa kakabantay sa anak niya." na dapat kadamay niya ako sa mga panahon na yun kaso pinili kong wag siyang pakinggan. Kaya heto ako nagsisisi at sana bigyan ako ng chance ni Jean na maging Daddy kay Luean.

-**-**-

At exactly 7:00 we arrived at the resort. Dito na lang sa restaurant gaganapin ang christmas party since wala rin naman na pumupuntang tourist dito tuwing gabi kasi lagi na lang sila nagpapa-deliver sa mga rooms.

I saw my daughter kasama si Liam at si Jean. She's so cute! Mukhang nagmana ata sa akin ang anak ko ah.

Naka-red dress siya at may santa hat pa. Agad sila lumapit kay Dad. Napalapit na din ako.

"Hi Luean!" bati ko sa anak ko at ngumiti siya sakin.

"Sorry sa ginawa sa'yo kahapon ni Da---" pinutol ni Jean ang sasabihin ko mukhang ayaw talaga niya akong ipakilala sa anak namin. I guess dahil galit siya sa akin pero unfair pa din kasi may karapatan ako sa anak ko.

"Dad mamaya po saan kayo magno-noche buena?" tanong ni Jean kay Dad.

"Ayun hija ngayon pumunta na lang kayo mamaya sa bahay susunduin na lang kayo ni Luigi. Okay ba yun?" napatigil ng kaunti si Jean pero tumango rin naman siya.

My Favorite Mistake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon