Kabanata 3

1.1K 21 4
                                    

Luigi's POV

Nagising ako dito sa kwarto ko sa office. Dito pala ako nakatulog kagabi. Sobrang sakit ng ulo ko kahapon buti na lang andito sa Jean na nag-alaga sakin kagabi.

Naligo muna ako at buti may pampalit ako dito kaya yun na muna ang isinuot ko. Naka-pants lang ako ngayon at naka-white t-shirt kasi yun lang yung damit ko dito.

"Sir?" lumabas na ako sa kwarto ko at bumungad sa akin si Jean at nakayuko siya. Bakit kaya siya nakayuko?

Umupo na ako sa may desk ko at may iniabot siya saking folder.

"Sir sabi po ni Ms. Aquino na pirmahan niyo daw po ito at i-review. Yan daw po yung budget statement para sa renovation ng resort." sabi niya sakin. Pinirmahan ko na yun at hindi na ni-review pa kasi alam ko namang sinigurado na ni Ms. Aquino ang mga nakalagay dito.

Binigay ko na yung folder kay Jean. Napansin kong may pasa siya sa mukha, kaya pala nakayuko lang siya kanina pa.

"Jean? Napano yang pasa mo sa mukha? Don't tell me nauntog ka na naman?" tumango siya. Pero feeling ko she's lying. Pangalawang beses ko na siya nakikitang may pasa, ano kayang nangyayari sakanya?

"Ahh thank you nga pala kahapon. For staying at my side nung may sakit ako at sa pag-aalaga." sabi ko sakanya. Sanay kasi ako na inaalagaan ako ni Mom tuwing may sakit ako.

"Welcome sir. Uhmm okay na po ba ang pakiramdam niyo?" tanong niya. Tumango ako saka ngumiti.

"Dahil pinagaling mo ako, tara may pupuntahan tayo since wala na akong gagawin ngayong araw." nag-aalinlangan pa siyang sumama pero nang umalis ako sa harapan niya ay sumunod din naman siya.

Dumaan muna kami sa opisina ni Ms. Aquino.

"Ms. Aquino, aalis po muna kami ni Jean. Call me na lang kapag may mga problema dito sa resort." pagkapaalam namin kay Ms. Aquino, sumakay na kaming dalawa sa kotse at sinimulan ko nang paandarin ang kotse.

Ang tahimik ni Jean at tinitingnan ko siya para bang may problema talaga siyang pinagdadaanan. Dahil sa pag-aalaga niya sakin kagabi, she deserve a treat. At gagawin ko ang lahat para mapasaya siya ngayon.

Pagkarating namin sa baywalk ay bumaba na kaming dalawa. Wala pang masyadong tao dito dahil umaga palang pero mamayang gabi napakaraming tao dito dahil andaming kainan dito mamaya. Pero mas okay na itong solo lang namin.

"Ano pong ginagawa natin dito sa baywalk sir?" tanong niya. Nginitian ko lang siya at nagsimula na kaming maglakad-lakad at umupo kami sa may batuhan sa pinakadulo ng baywalk na ito. Akalain mo yun nakarating kami dito.

"Sir salamat po ah." sabi niya sa akin. Andito kami ngayon nakaupo habang tinitingnan ang dagat at ang tirik na tirik na araw pero nasa may silong naman kami.

"For what?" tanong ko.

"Sa pagsama sa akin dito. Kahit papaano gumaan na ang loob ko. Nakakakalma po pala kapag nakarinig ka ng alon at yung ang lakas ng hangin." well, tama nga siya.

"Jean? Gusto ko sabihin mo sa akin ang totoo ah. Bakit ka may pasa sa braso mo noon at sa mukha mo naman ngayon? May nambubogbog ba sayo?" nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Ayaw na ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak, naaawa ako sakanila. At ngayon yung secretary ko ay umiiyak yeah I'm her boss pero now I'm also her friend. Hindi ko lang ma-take na ang secretary ko ay malungkot well sanay siguro akong makita siyang nakangiti.

"It's okay you can tell me anything." sabi ko sakanya. Ibinigay ko sakanya yung panyo ko at kinuha niya yun sabay pahid sa luha niya.

"Sir kasi po yung totoo, yung Tito ko po ang nambubogbog sa akin." nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya dapat nararanasan ito I mean she's a nice girl kaya nakakagulat lang na binubogbog pala siya ng sarili niya pang kamag-anak.

"Pero bakit hindi mo man lang sinasabi sa mga kaibigan mo, sa pulis o kaya sa akin?" bago pa pala siya nagtrabaho sa akin minamaltrato na pala siya ng Tito niya.

"Alam niyo naman po diba Sir na ulila na ako at siya na lang ang natitirang kamag-anak ko dito kung hindi po dahil sakanya hindi ko po alam kung saan ako pupulutin ngayon. At saka pa iniintindi ko na lang siya kasi may pinagdadaanan po siya. Dati po yung asawa niya sobrang bait sakin kaya sabi ko sa sarili ko ang swerte ko pa rin kahit papaano kasi may isang pamilya na tumanggap sa akin pero nung namatay ang anak nilang dalawa iniwan ng asawa niya yung Tito ko kaya siguro sa akin niya ibinubuntong ang galit sa akin." paliwanag niya. Pero kahit na, mali pa rin ang paulit-ulit na sinasaktan ang isang babae.

"Pero alam mo hindi pa rin tama yun e."

"Wala naman po tayo magagawa Sir. Talagang ganun, siya lang ang kakilala ko dito kaya wala naman akong kakampi kaya wala ring maniniwala sa akin kahit gustong-gusto ko nang magsumbong. Wala akong magawa kundi umiyak nang umiyak na lang." hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at napayakap ako sakanya. Pero bumitiw naman ako kaagad at parehas kaming nagulat. Ano ba naman yan Luigi!

"Sorry pinapagaan ko lang ang loob mo." sabi ko sakanya. Tumango naman siya saka ngumiti.

"Thank You Sir. Ang dami niyo na pong naitulong sa akin. Maraming Salamat po talaga." nginitian ko siya at sa tingin ko kahit papaano napagaan ko naman na ang loob niya.

"Jean?"

"Bakit Sir?"

"Simula ngayon ako na ang kakampi mo. I'm not just your boss but I'm also your friend so you can tell me anything and when you need a help just call me okay?" sabi ko sakanya. Gusto ko lang iparamdam sakanya na may mga tao pa ring nagtitiwala sakanya at isa na ako dun.

"Thank You Sir." after nun napagdesisyunan na naming kumain sa labas. Hindi na kami dadaan sa resort because this will be our day off kaya sabay kaming magchi-chill ngayon.

Nag-order siya ng cordon bleu kaya yun na lang rin inorder ko medyo busog daw kasi siya. Pagkatapos naming kumain hinatid ko na siya sa bahay nila mga alas-tres kami nakarating sa bahay nila.

"Thank you Sir. Bye!" ngumiti ako at pinaharurot na ang sasakyan ko papunta sa vacation house namin at ang una kong gagawin dun ay matutulog.

Jean's POV

"Kasama mo na naman yung boss mong yun?!" Nagulat ako nang makita ko si Tito sa may kama ko. Agad niya akong sinapak.

"DIBA SABI KO SAYO MAG-RESIGN KA NA DIYAN?! KAGABI UMUWI KA NG GABING-GABI. SABIHIN MO NGA SAKIN MAY NAMAMAGITAN BA SAINYO NUNG LALAKING YUN?!" galit na galit na naman si Tito at wala akong ibang magawa kung hindi umiyak nang umiyak habang hawak-hawak yung mukha kong may bagong pasa na naman.

"WALA PO! AT SAKA GUSTO KO LANG NAMAN MAKATULONG SAINYO AH KAYA BAKIT AKO TITIGIL SA PAGTATRABAHO?" sinampal niya ako ng napakalakas.

"AYAN NATUTO KA NA SUMAGOT SAGOT! KAILANGAN MONG TURUAN NG LEKSYON!" dahan-dahan siyang lumapit sa akin at tinakpan ang bibig ko para hindi ako sumigaw.

"Simula ngayon ako na ang kakampi mo. I'm not just your boss but I'm also your friend so you can tell me anything and when you need a help just call me okay?"

Naalala ko yung sinabi ni Sir kaya pinilit kong i-dial ang number niya habang tinutulak palayo sa akin si Tito. Please Sir, sumagot ka. Please!

♥♥♥

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now