Kabanata 15

874 18 1
                                    

Jean's POV

Andito ako ngayon sa kama ko nakatingin sa kisame. Teka kasi naman hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ni Luigi.

Sinampal at kinurot ko ang mukha ko. Gosh! Totoo nga, hindi nga panaginip ito.

Hinawakan ko ang dibdib ko, ang lakas ng kabog ng puso ko. Paano ba naman, akala ko pangarap ko lang siya pero akalain mo yun naging kami pa rin kahit naga-alinlangan ako. Pero ganun talaga kapag mahal mo ang isang tao kailangan mong sumugal.

Napabalikwas ako mula sa paghiga nang biglang tumunog ang phone ko.

Sir Luigi is calling...

Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin yun.

[Hi Love? Asan ka ngayon?]

"Ha? Nasa boarding house na. Nakalimutan mo ba? Kakahatid mo lang kaya sakin."

[Hindi kaya wala ka diyan sa boarding house. Kasi andito ka sa puso ko.]

"Wow ang corny naman, yun kaagad ang bungad ah."

[Pero aminin mo, kinilig ka ano.]

"Hmmm medyo. Hahaha!"

[Medyo lang? Hayaan mo sa susunod gagalingan ko pa ang mga pick up lines ko sa'yo.]

"So bakit ka napatawag?"

[Kasi nami-miss kita.]

"Parang hindi tayo nagkita kanina ah, miss mo kaagad ako?"

[Yes. I really miss you. Gusto ko kasi 24/7 nasa tabi kita at palagi kitang nakikita.]

"Asus. Sige magre-resign na ako bilang secretary mo at maga-apply na lang ako bilang bodyguard mo o di kaya yaya mo para makita mo ako araw-araw."

[Pwede naman mag-apply ka bilang asawa ko.]

Sandali akong natigil sa sinabi niya. A-Asawa? Shems ang lakas ng kabog ng puso ko.

[Booom okay na ba yung pick up line ko na yun? Natigil ka eh, paniguradong kinikilig ka.]

"Ewan ko sa'yo! Sige na goodnight na, see you bukas."

[Goodnight Love. I love you.]

"I Love You too."

[Aww ang sweet naman ng girlfriend ko. Sige na matulog ka na, wag kang magpupuyat kasi masama yun sa kalusugan. Okay?]

"Yes boss!"

[Hahaha sige na patayin mo na yung tawag.]

"Bakit hindi ikaw?"

[Gusto ko ikaw. Kasi kung ako ang magpapatay, mga isang oras pa kitang kakausapin.]

"Sige na. Goodnight na!"

I changed his name sa contacts ko.

Love. Much better.

Bakit nga ba Love ang callsign namin?

"Goodnight din Luigi."

"Diba mas better na ang tawag mo sakin Luigi. Sige na kain ka na. Pakabusog ka, Love"

Natigil ako sa huli niyang sinabi. Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong Love?

"Kinilig ka ano? Hi love. Love, kain ka na ah. Love, matulog ka ng maaga hahaha! Huwag na pala Luigi itawag mo sakin, Love na lang mas gusto ko yun."

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now