Kabanata 34

986 17 0
                                    

[Play the song Una't Huling Pag-Ibig By: Yeng Constantino while reading this chapter.]

Jean's POV

Labis ang pasasalamat ko na okay na ngayon si Luigi kaso hindi pa din siya nagigising. Buti na lang daw hindi masyadong malalim ang pagkakalubog ng bala sa braso ni Luigi.

Katabi ko ngayon si Dad at si Luean at andito kami sa loob ng hospital. Sobrang bilib ako sa anak ko kasi nanatili pa din siyang nakangiti at matatag kalakip nung nangyari sakanya kanina. Buti na lang namana niya sa Daddy niya ang pagiging matapang.

"Jean iuuwi ko muna si Luean. Hindi pa ito kumakain eh." sabi ni Dad sakin.

"Sige Dad, thank you. Nga pala Dad, salamat sa lahat ah. Salamat sa pag-aalaga sa aming dalawa ni Luean nung mga panahon na wala si Luigi. Salamat kasi tinulungan mo ako sa pagpapalaki sakanya." sabi ko kay Dad sabay yakap sakaniya.

"Hija pamilya ko na kayo at syempre naman unang apo ko yan si Luean kaya gagawin ko ang lahat para sakanya. At dahil rin sakanya medyo naka-move on na ako sa pagkawala ng asawa ko, isa siyang blessing sa ating lahat na nakapagpabago ng buhay natin." sabi ni Dad. Nagpaalam na si Dad sa akin at siya na daw bahala muna kay Luean. Lilibangin din daw niya si Luean dahil kahit papaano na-expose din siya sa kaguluhan kagabi. Mamaya daw babalik rin sila.

Tinitigan ko si Luigi at lumapit ako sa tabi niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Alam mo simula nung nakilala kita, nakahanap ako ng isang tao na nakakaintindi sa akin. Yung taong andyan palagi tuwing kailangan ko. Naalala ko nung iniligtas mo ako sa Tito ko, sobrang nagpapasalamat ako sa ginawa mo at hindi pa dun natapos yung pagtulong mo kasi ginawa mo ang lahat para makulong siya. Tapos naalala ko nung pumunta tayo sa EK, dahil sa'yo nanumbalik ulit yung mga alaala ko sa mga magulang ko. Akala ko mabubuhay ako ng mag-isa pero dahil sa'yo hindi ko naramdaman na mag-isa ako." biglang may pumatak na luha sa mga mata ko. Hindi ko akalain o naramdaman man lang na grabe pala yung pinagdaanan naming dalawa.

"Oo nasaktan ako nung hindi mo ako pinaniwalaan. Yung hindi mo muna pinakinggan yung panig ko at bigla ka na lang umalis. Ang sakit nun pero umasa pa din ako na babalikan mo kami ng anak natin. Hanggang sa manganak na ako, umaasa pa din ako na darating ka pero wala eh, kahit anino mo wala. Sinubukan ni Dad na tawagan ka pero hindi ka sumasagot. Pero kahit ganun umaasa pa rin ako kahit nasasaktan na ako. Kaya isang araw nagdesisyon ako na puntahan ka sa US kaso pinagtabuyan mo lang ako. Simula nun sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako aasa na babalikan mo pa kami hanggang sa isang araw dumating ka. Sobrang natuwa ako nun pero pinagbawalan ko ang sarili ko kasi alam kong masasaktan na naman ako. Pero sa ipinakita mong paga-alala at paga-alaga sa anak natin, nanumbalik yung pagmamahal ko sa'yo." siya lang ang tanging lalaki na minahal ko ng ganito, siya lang ang tanging lalaki na iniyakan ko ng ganito at siya lang ang tanging lalaki na gusto kong makasama habambuhay.

"Kaya Luigi please gumising ka na. Pag gumising ka, sasagutin na kita. Diba nililigawan mo ako. Korni man pero gagawin ko talaga yun." nagulat ako nung biglang minulat ni Luigi yung mga mata niya at napangiti sa akin.

"So tayo na ulit? Sabi mo yan ah, wala ng bawian." nagulat ako sa sinabi niya. Narinig kaya niya?!

"Narinig mo ba lahat ng sinabi ko? Nagtutulog-tulugan ka lang ba?!" napahalakhak siya. Jusko ano kayang trip na naman ng lalaking ito.

"I heard it all. And ang masasabi ko lang I'm very thankful to have you in my life." umupo siya sa kama niya at niyakap ako. Napayakap rin ako sakanya.

True love really waits. In God's perfect time makikita mo rin yung taong para sa'yo. Yung taong kahit nagkaproblema kayo at pilit kayong pinaglalayo ng tadhana ay babalik at babalik siya sa'yo maghintay ka lang.

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now