Kabanata 31

957 19 0
                                    

Luigi's POV

"L-Luigi sorry! Ginawa ko lang yun kasi mahal kita at hindi ka mapapasakin kung iniisip mo pa rin si Jean kaya tinulungan kitang makalimot! Tapos nang malaman ko na may anak kayo itinago ko pa sa'yo. Inaamin ko yung pagkakamali ko. Please huwag mo akong iwan." kaya pala sinabi ni Dad na di niya ako matawagan at binilhan pa niya ako ng bagong phone para mawalan ako ng contact kay Dad at hindi ko malaman na may anak kaming dalawa ni Jean.

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip mo, kung bakit mo yun ginawa!? Ilang taon ako namuhay sa kasinungalingan mo! Wala kang puso Amber! Makasarili ka!" nagmamakaawa siya na huwag ko siyang iwan pero sa ginawa niya? Hinding-hindi ko na siya mapapatawad. Hindi ko nakasama ng matagal ang anak ko ng dahil sakanya.

Kinuha ko na yung bag na may laman na mga gamit ko at lumabas na ako sa kwarto at sinusundan pa rin niya ako.

"Please Babe, wag mo akong iwan. Hindi ko kaya!" pero pinilit ko pa rin siyang hindi pakinggan. Umiiyak siya ngayon habang nagmamakaawa na patawadin ko siya pero hindi mo ako madadaan sa ganyan, Amber.

"Huwag mo ako tawaging Babe. Simula ngayon, wala na tayo!" umalis na ako at tumungo na sa Batangas Pier. Ngayon itatama ko na lahat ng pagkakamali ko. Sisiguraduhin ko na mapapatawad mo ako, Jean at mabubuo na tayo bilang pamilya.

Pagdating ko sa Batangas Pier, sumakay na ako sa Supercat na isang fast craft na barko dito papunta sa Calapan. Isang oras lang ang tagal ng byahe ko galing Batangas papunta sa Calapan.

Jean sana mapatawad mo pa ako. Sana mapatawad mo pa ako sa daming pagkakamali na ginawa ko sa'yo.

Jean's POV

Nakakamiss kaagad sa Batangas. Andito ako kay Tito dati pa talaga sila nag-offer na dito ako tumira kaso sabi ko may matitirhan naman na ako sa Batangas.

Nakaka-guilty lang kasi di man lang kami nakapagpaalam kay Dad. Ang gusto ko talaga mangyari ay maitago ang anak ko kaya ang sinabihan ko lang ng tungkol dito ay si Ms. Aquino at si Liam.

"Mommy gala tayo." sabi ni Luean. Since nakabihis na kami nagpaalam muna ako kay Tito na gagala kami, nagpapasama siya kaso sabi ko kaya ko naman, nakarating na kasi ako dito dati nung bata pa ako at malapit lang naman ang mall dito.

Ngayon papunta na kami sa Robinson. Gusto kasing gumala ni Luean siguro inip na inip na ang Baby ko.

"Anak saan mo muna gusto pumunta?" tanong ko kay Luean.

"Sa arcade Mommy!" sagot nito. Bigla kong naalala na 5 araw na lang birthday na ni Luean. Bakit ba ang bilis niya lumaki? Parang kailan lang baby pa lang siya pero ngayon magse-seven years old na siya.

Pumunta na kami sa arcade station at naglaro. Ayun tuwang-tuwa ang bata. Andami niya nakuha na prize.

Nung napagod na siya, nagyayang pumunta sa Jabee. Yan tawag niya sa Jollibee. Nag-order ako ng spaghetti at fries, yan kasi ang paborito niya.

"Are you happy anak?" tanong ko kay Luean. Ngumiti siya at nag-thumbs up.

"Pero Mommy mas masaya kung andito si Lolo Dad, Ninong Liam, Ms. Aquino at si Kuya Luigi." miss na talaga niya sila. Kahit ako rin naman, miss ko na rin sila pero para naman sa ikakabuti mo ito anak, ayaw kong mawalay ka sakin.

-**-**-

Pagkarating namin sa bahay nagulat ako nung makita si Luigi na naghihintay sa sofa. Agad tumakbo si Luean papunta sa Daddy niya.

"Kuya!" sabi nito.

"Hija kaibigan mo daw siya kaya pinapasok ko na." sabi ni Tito at iniwan muna niya kami dahil maghahanda daw siya ng pagkain namin.

"Bakit ka andito? Bakit mo nalaman na andito kami?!" bulyaw ko sakanya. Kinuha ko si Luean at dinala sa kwarto namin.

"Baby dito ka muna ah, mag-play ka muna diyan. Kakausapin ko lang si Kuya Luigi mo ah." sabi ko sakanya at binigay ko yung mga laruan na bagong bili ko sakanya, iniwan kasi namin yung mga laruan niya sa Batangas.

"Sige mommy, wag mong aawayin si Kuya ah. Bad yun." nginitian ko na lang siya at lumabas na ako sa kwarto at hinarap si Luigi.


"Paano mo kami nasundan dito?!" tanong ko sakanya.

"Sinabi sakin ni Liam na andito ka daw tapos tinawagan ko ang Tito mo at sinabi ko na kaibigan mo ako kaya tinuro niya kung paano ang papunta dito sa bahay niyo." paliwanag niya.

"Kung plano mong kuhanin ang anak ko at dalhin sa US, pwes pwede ka ng lumabas. Hinding-hindi mo makukuha ang anak ko sakin. Siya na lang ang meron ako kaya hindi ko hahayaan na kuhanin niyo lang siya ng basta-basta!" bulyaw ko sakaniya.

"Jean hindi mo naiintindihan. Hindi ko naman gustong kunin sa'yo ang anak mo. Siguro narinig mo ang sinabi sa akin ni Amber pero hindi ako pumayag dun." sabi niya. Sus sinungaling! Hindi na ako maniniwala ulit sa mga sasabihin mo.

"Paano mo naman ako mapapaniwala na hindi mo talaga gustong kuhanin si Luean?" tanong ko sakaniya at napataas ang kilay sa paghintay ng isasagot niya.

"Nakipaghiwalay na ako kay Amber." nagulat ako sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Nakipaghiwalay siya kay Amber? Pero bakit? Diba fiancé na niya si Amber?

"Nalaman ko na matagal na niyang itinago sa akin na may anak pala tayong dalawa. Matagal niyang tinago sa akin yun kaya nagalit ako sakanya at hiniwalayan ko siya ngayon lang." matagal ko na ding gusto sabihin sakanya na alam ni Amber ang lahat pero gaya nga ng sabi ko ayaw kong masira ang relasyon nilang dalawa.

"Jean please hayaan mo akong maging Daddy sa anak ko. Please ipapakita ko sa'yo na hindi ka magsisisi." sabi niya sa akin sabay luhod sa harapan ko at napaluha. Nasasaktan ako sa ginagawa niya ngayon. Mahal na mahal talaga niya ang anak naming dalawa.

"Sige ipapakilala ko siya sa'yo pero hindi pa sa ngayon. Gusto kong makita kung paano ka bilang Daddy. If na-convince mo ako then pwede ka ng maging Daddy ng anak ko." umaliwalas ang mukha niya at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya.

Na-realize ko na miss ko na yung pagyakap niya sakin ng ganito.

Hindi ko alam pero nung marinig ko na hiwalay na sila ni Amber hindi ko alam kung natutuwa ba ako o nalulungkot. Natutuwa kasi may part pa rin na umaasa pa rin ako na mabubuo na kaming pamilya at nalulungkot kasi hindi ko naman ginusto na maghiwalay silang dalawa.

-**-**-

Kakain na kami at nasa tapat ni Luean ngayon ang Daddy niya. Kinuha ni Luigi yung thigh part at bigla akong kinulbit ni Luean. Oo nga pala favorite part niya yung thigh part.

"Gusto mo ba ito? Sige sa'yo na. Parehas pala tayo ng paborito." sabi ni Luigi kay Luean. Inabutan rin niya ng kanin si Luean at nagulat ako nang lagyan rin niya ako ng kanin.

"S-Salamat." nahihiya kong tugon.

Pagkatapos namin kumain lumabas ako at nakita ko sa may dalampasigan si Luigi. Nakatanaw siya dun sa island na kita dito samin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ako lumapit sakanya.

"Musta?" tanong ko sakaniya.

"Okay lang." gosh ang awkward!

"Nga pala ngayon ko lang nasabi sa'yo ito. Gusto ko sabihin na Sorry. Sorry sa lahat ng ginawa ko sa'yo." sabi niya sa akin.

"Naku okay na yun. Past is past. Hindi naman na natin maibabalik nung mga nakaraan natin." Sagot ko sakaniya. Tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Pero paano kung gusto kong ibalik yung dating relasyon natin? Papayagan mo ba ako? Papayagan mo ba akong pumasok ulit sa puso mo?" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw at hindi ako makapagsalita sa sinabi niya.

♥♥♥

My Favorite Mistake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon