Kabanata 2

1.3K 30 3
                                    

8:00 AM

Ang sakit ng ulo ko pero kailangan na kailangan kong pumasok. Hindi ako naniniwala sa salitang "pahinga" ngayon. I need to beat the time. Dapat mga 2 weeks settled na ang lahat para mabuksan ko na ang resort.

Nagsimula na akong magluto ng kakainin ko ngayon as usual hotdog na naman kasi I don't know how to cook, hotdog nga lang sunog na. Hays buti na lang tuwing tanghali pinagluluto ako ng chef dun sa resort.

Pagkatapos kumain ng almusal ay tumungo na ako sa banyo para maligo at nagbihis na ako after nun. Lumabas na ako at sumakay sa kotse, ang sakit talaga ng ulo ko.

Napailing na lang ako at napakamot sa ulo saka pinaandar ang kotse ko at tumungo na ako sa resort.

Nakita kong naglalakad si Jean at siguro papunta na siya sa resort. Itinigil ko ang kotse at binusinahan siya. Nagulat pa nga siya sa pagbusina ko hahaha. Puro ka talaga kalokohan Lui.

"Sir, ginulat niyo naman po ako. Akala ko kung sino." hawak-hawak pa niya ang dibdib niya sa sobrang pagkagulat kanina.

"Sabay ka na sakin!" naga-alinlangan pa siya pero sumakay din naman. Medyo malapit na kami sa resort at nakita ko ang pasa ni Jean sa braso. Napano kaya siya?

"Jean?" nilingon niya ako at ngumiti. Pugto ang mata niya siguro kakagaling palang niya sa pag-iyak.

"Bakit may pasa ka sa may braso? Napano yan?" tanong ko sakanya. Matagal bago siya makasagot.

"Ahh sir tumama po kasi yung braso ko kagabi sa sahig kasi po ang likot ko po matulog ayun nalaglag po ako sa kama." oww okay.

Andito na kami sa resort at tumungo na kaagad kaming dalawa sa opisina ko. Umupo na ako sa swivel chair at binuksan ang aking laptop at nakita ko ang design ng resort na sinend sakin. Actually, pasado na siya sakin. Perfect na perfect yung pagkakadesign niya, ang galing lang kasi diniscribe ko lang yung gusto ko at eto she came up with this. Bibigyan ko ng bonus yung designer nito.

All set! Bukas dadating na yung mga workers na gagawa ng renovation ng resort at mga 3 days dadating na din yung inflatable island na we franchised from Korea.

Biglang kumirot yung ulo ko. Kaya pinatay ko muna yung laptop ko.

"Jean?" lumapit kaagad sakin si Jean.

"Bakit sir?" tanong nito.

"Sabihin mo sa chef na ipagluto ako ng lugaw, please."

"Lugaw sir? Tirik ang araw tapos maglulugaw ka pero sige po."

Noong bata pa kasi ako tuwing may sakit ako palagi akong ipinagluluto ni Mom ng lugaw at gumagaling kaagad ako. I miss her so much.

Jean's POV

Papunta ako ngayon sa resto ng resort na ito. Kasi nagpapaluto si Sir sa chef doon ng Lugaw.

Nagtaka ako, bakit kaya maglulugaw si Sir e ang init-init kaya. Iba ata ang trip ni Sir.

"Hello po!" bati ko sa chef pagpasok ko sa kusina.

"Oh hija, ikaw diba yung bagong secretary ni Sir Luigi? Anong kailangan mo?" tanong nito.

"Ah opo ako po yun. Kasi po nagpapaluto daw po sainyo si Sir Luigi ng Lugaw." pagkasabi ko nun naghintay na lang ako sa labas at madali lang naman daw maluto yung lugaw.

Simula nung first day ko wala akong masyadong ginagawa dito, actually ito ang unang beses na utusan ako ni Sir. Minsan nga nakakatulog na ako kasi wala akong magawa. Pero siguro kapag natapos na ang renovation nitong resort madami na akong gagawin kasi andyan na yung kaliwa't kanang mga meeting niya with the inventors ng resort na ito. Kumbaga chill lang muna sa una at sa huli makakaramdam na ako ng stress sa trabaho.

"Hija heto na ang pinapalutong lugaw ni Sir Luigi." kinuha ko iyon at mukhang masarap talagang magluto itong si Chef ah.

"Salamat po." nagpaalam na ako at bumalik sa opisina ni Sir. Nakita ko na nakatulog si Sir sa desk niya kaya inilapag ko sa isa pang table ang lugaw at ginising siya pero hindi siya nagigising.

Nahawakan ko ang leeg niya at mainit ito. "Sir ang taas ng lagnat mo." kaya pala nagpapaluto siya ng lugaw. Anong gagawin ko?

Nakakita ako ng isang pintuan sa may gilid at binuksan ko yun at parang may kwarto pala dito si Sir. Wow ah bongga! May cr at kama pa dito sa loob. Tapos may kitchen pa siya, yung totoo parang naging condo na itong office ni Sir.

"Sir, tara dun sa kwarto niyo. Magpahinga po muna kayo." tumayo naman si Sir pero nakapikit din siya at hinang-hina kaya inalalayan ko siya hanggang sa makarating kami sa loob ng kwarto niya at hiniga ko na siya sa kama niya.

Pumunta ako sa banyo niya at naghanda ng tubig at bimpo para ipampunas sakanya para bumaba ang lagnat niya. Pagkatapos ko siyang punasan ay lumabas ako saglit sa kwarto niya para kunin yung lugaw paniguradong hindi na masyadong mainit yun pero sana kainin pa din niya.

"Sir ito na po yung lugaw niyo kanina pa po ito kaya pagpasensyahan niyo na kung lumamig na." umupo siya sa kama niya at sinubukang kunin yung kutsara pero nanginginig siya.

"Sir okay lang po ba na subuan ko kayo?" ano ba namang tanong yan Jean? Nakakahiya ka.

"P-Please?" pagmamakaawa niya kaya kinuha ko na yung kutsara na hawak niya at sinubuan siya ng lugaw. Di ko namalayan na gabi na pala.

Humiga na si Sir at hininaan ko na yung aircon sa loob ng kwarto niya kasi nanginginig na siya sa sobrang lamig.

Bakit ba kasi hindi ka nagpapahinga sir? Yan tuloy nagkasakit ka. Dati tuwing nagkakasakit ako, ako lang ang nagi-intindi sa sarili ko minsan pa nga kahit sobrang sakit na ng ulo ko hindi ko na lang iniinda at natutulog na lang ako. Naalala ko nung bata pa ako sina Mama at Papa ang nag-aalaga sakin kapag may sakit ako pero nung mawala sila ayun wala akong nagawa kundi alagaan ang sarili ko ng mag-isa.

Nilagay ko na sa lababo ang pinagkainan ni Sir at hinugasan. Kinuha ko na yung sling bag ko at palabas na sana ako para umuwi pero naisip ko kung okay na kaya siya?

Kaya pumunta ulit ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nanginginig. Tinabihan ko siya at chineck kung mataas pa rin ba ang lagnat niya at buti naman medyo bumaba na.

May gamot kaya si Sir dito sa office niya? Matanong nga si Ms. Aquino sana andito pa siya anong oras na kaya? Pero ang alam ko dito rin yun natutulog e, siya yung manager ng mga trabahador dito sa resort.

Paalis na sana ako papunta kay Ms. Aquino pero naramdaman kong hinawakan ni Sir Luigi ang kamay ko.

"Please 'wag mo akong iwan." sabi niya. Anong ibig sabihin niya na wag ko siyang iwan?




Mahigit isang oras na ako dito at gaya nga ng sabi ni Sir wag ko siyang iiwan kaya andito ako para bantayan siya. Maga-alas dose na at andito pa din ako sa loob ng kwarto ni Sir at tinitingnan oras-oras ang kalagayan niya.

Biglang may kumatok sa pinto at pagkabukas ko nakita ko si Ms. Aquino. Agad siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Sir at sinundan ko siya.

"Ms. Salvia sorry sa abala ah. Itong bata naman kasi na ito, masyadong nilulong ang sarili sa trabaho kaya ayan nagkakalagnat. Maraming salamat sa tulong mo ah. Sige na umuwi ka na at ako na ang bahala dito." sabi sakin ni Ms. Aquino. Napag-alaman kong dating Yaya pala ni Sir si Ms. Aquino at ang galing lang kasi ngayon Manager na siya.

"Sige po Ms. Aquino." nagpaalam na ako sakanya at umuwi.

Sana maging okay na siya.

♥♥♥

My Favorite Mistake (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat