Kabanata 5

1.2K 19 22
                                    

Jean's POV

"TAMA NA POOO! TITO TAMA NA!" napabalikwas ako sa kama ko. Hindi ako makatulog kasi napapanaginipan ko na nakalaya si Tito at ginawa ulit niya yung ginawa sakin kanina.

Pinalis ko yung luha ko sa mga mata ko. Lumabas ako sa kwarto ni Sir Luigi at pumunta sa kusina para uminom ng tubig at umupo ako para pakalmahin ang sarili.

Lubos akong nagpapasalamat kay Sir kasi tinutulungan niya ako. Actually, sobrang dami na niyang itinulong sa akin.

Una, tinanggap niya ako magtrabaho bilang secretary niya kahit naga-alinlangan siya nung una dahil highschool graduate lang ako. Tapos, nung nalaman niyang binugbogbog ako dinala niya ako sa isang lugar na tahimik at nagbigay siya ng advice sakin. Tapos, iniligtas niya ako sa muntikang paggagahasa sakin ni Tito. At pinatira niya muna ako dito ng panandalian sa opisina niya.

Kulang ang salitang "salamat" sa lahat ng itinulong niya sakin. Sobrang swerte ko na nakilala ko si Sir Luigi na handang tulungan ako.

Nga pala saan kaya kami pupunta? Sabi ni Sir Luigi may pupuntahan daw kami bukas. Pagkaubos ko nung tubig inilagay ko na yun sa lababo at hinugasan.

Tapos bumalik na ako sa kwarto ko at natulog na.

Kinabukasan...

Inayos ko kaagad yung kama ko at naligo. Maaga pa pero kailangan kong maging maaga kahit paglabas ko ng kwarto na ito ay nasa work na kaagad ako hahaha.

Pagkalabas ko ng kwarto nakabihis na ako ng uniform kong pang-secretary tapos pumunta ako sa kitchen para magluto ng breakfast ni Sir. Kahit man lang ito makabawi ako sakanya. Nagluto ako ng pancake at tinimplahan siya ng kape.

Tapos napagalaman ko kay Ms. Aquino na paborito ni Sir yung pandesal na may itlog sa loob kaya nagpabili ako sa isang guard na nasa labas na nagbabantay sakin. Sobra-sobra na talaga ang tulong na ibinibigay sakin ni Sir. Nakakahiya na talaga.

Tamang-tama naayos ko na yung set-up sa table at dumating na si Sir.

"Oh what's this? Is this for me?" tumango ako saka ngumiti, ipinatong niya sa table niya yung laptop bag niya at dumiretso na sa table dito sa may kusina.

"Ahh how's your sleep?" tanong niya sakin. Una niyang kinain yung pancakes.

"Okay lang naman sir. Mahimbing naman po. Salamat po at nakampante po ako dahil sa mga guard na nasa labas." I Lied. Yung totoo? Hindi talaga ako nakatulog ng maayos kasi syempre hindi naman madaling makalimutan yung nangyari sakin. At saka ayaw ko nang mag-alala pa sakin si Sir so ayun kaya ko nagawang magsinungaling.

"Upo ka na, sabayan mo ako." nahihiya akong sumabay sakanya sa pag-breakfast ang awkward lang kasi. Pero dahil nga Boss ko siya lahat ng utos niya susundin ko.

Napansin niya sa tapat ko yung pandesal na may itlog para nagningning yung mga mata niya sa nakita niya. Tama nga si Ms. Aquino talagang paborito niya ang pandesal na may itlog.

"Nga pala after this gaya nga ng sabi ko may pupuntahan tayo." saan kaya? At saka bakit ganito kaaga kami aalis?

"Sir wala po kayo ngayong gagawin?" tanong ko sakanya kasi naman baka masyado na akong nakakaabala sakanya tapos ngayon parang may ginagawang paraan si Sir para lang mapasaya ako. Pero ang totoo, I'm happy now. Okay na yung nailigtas niya yung buhay ko.

"Remember renovation ng resort ngayong buong week and then next week I will have a grand opening of this resort kasi sa dami kong kinuhang magtatrabaho dito so for sure matatapos kaagad ang renovation ng resort na ito." napakadedicated talaga ni Sir sa trabaho niya. Inuuna niya yung mga priorities niya.

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now