Kabanata 1

1.6K 34 6
                                    

Luigi's POV

MAAGA akong nagising at inayos ang sarili. Nagpatawag ako ng meeting because I want to discuss the new attraction I'm planning to have here in our resort.

"So ang naisip kong new attraction ay ang inflatable island so that mas lalong tangkilikin ng mga tourist ang ating resort." tumango naman ang lahat at mukhang napapayag ko sila. Sabi naman nila agaran daw nilang io-order yung mga materials na kailangan dun kasama ang renovation ng resort.

Nga pala, pinasara ko muna ng panandalian ang resort na ito for renovation at dapat agarang masimulan na para makaabot pa kami sa summer. Actually, kakasimula pa naman ng summer so we still have a time na i-renovate itong resort namin.

Pagkatapos ng meeting ay dumiretso na ako sa office ko kasi madami pa akong kailangang gawin. Wala pa rin akong tulog hanggang ngayon, ang dami ko pang kailangang tapusin.

Pagkarating ko sa office ko ay agaran akong pumunta sa swivel chair ko at may napansin akong kape na bagong gawa siguro at may nagkakalampangan sa kitchen ng office ko kaya pinuntahan ko ito.

"Sino ka?!" gulat na gulat na napatingin sa akin yung babae at siya pala yung bagong secretary ko.

"Ay sir, andyan na po pala kayo. Sorry sir ah nangialam na ako dito. Nga pala, nag-almusal na po ba kayo?" tanong sa akin nung bagong secretary ko. Ano nga ba ang pangalan nito? Jean?

"Hindi pa." tipid kong sagot. Nginitian niya ako.

"Tamang-tama sir nilutuan ko po kayo ng pancake at may kape na po kayo dun sa table niyo." tumango ako saka bumalik sa table ko. Kinuha ko yung laptop ko pero nakatingin pa din ako dun sa bagong secretary ko, palagi siyang nakangiti and parang may kakaiba sakanya.

Ano ba Luigi, focus sa trabaho. Ininom ko na yung tinimpla niyang kapeng barako at ang sarap niya magtimpla ng kape, tamang-tama lang yung tamis.

Hindi ko namalayan na habang nai-enjoy ko yung kapeng inihanda niya ay nasa unahan ko na pala siya at dala-dala yung pancake na may maple syrup.

"Salamat." sabi ko. Pagkalapag niya ng pancake ay umupo na din siya sa sarili niyang table na malapit sa may pinto. Nagkatinginan kami pero iniwas ko ang tingin ko sakanya.

"Uhmm Jean right?" tanong ko. Tumango naman siya sabay ngiti.

"Tell me about your life. Kung ano ang pinagkaka-abalahan mo ganun." ano ba naman Luigi. Bakit mo ba kailangang malaman ang buhay niya, ano ba naman ang pakialam mo diba?

"Ahh S-Sir malapit lang sa resort na ito ang tinitirhan ko. Uhmm wala na po akong mga magulang kaya nakatira po ako sa T-Tito ko. Tapos nangingisda po siya at ako nasa bahay lang kaya gusto kong makatulong sakanya kapalit ng pagtira ko sa bahay niya kaya sinubukan ko pong mag-apply dito. Kaya salamat po talaga Sir kasi tinanggap niyo ako dito." hindi pala maganda yung naging buhay niya. Nakaramdam ako ng awa sakanya. Pero I like the way she overcome her problems, she still manage to smile even though her life is tough.

"Sorry to hear that." nga pala I saw her last time habang naglalakad ako sa may tabing-dagat at umiiyak siya pero siguro ayaw rin niyang pag-usapan yun kasi kagabi nginitian niya lang ako at umalis kaagad.

"Naku, okay lang sir." sagot niya. At tumahimik na naman ang buong paligid.

Di ko namalayan na tanghali na pala, nakita kong nakatulog si Jean, puyat ba siya? Papagalitan ko sana siya kasi ayaw kong makakita ng tauhan kong natutulog pero mukha ngang puyat siya at saka wala pa naman akong ipapagawa sakanya.

My Favorite Mistake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon