Kabanata 23

781 13 0
                                    

[Play this song while reading this chapter, Lisanin By: Marlo Mortel.]

Jean's POV

Hindi ko akalain na ganun ganun na lang matatapos ang relasyon namin. Hindi pa niya siguro ako kilala kasi sa mga narinig kong masasamang salita na ibinato niya sakin na hindi ko alam kung saan galing ay para bang wala siyang tiwala sa akin.

Kung papatuluyin pa namin itong relasyon na ganito, hindi rin naman kami magiging masaya.

Pero ang inaalala ko, ayaw ko naman na lumaki ang anak ko na walang Tatay. Kaya bukas na bukas sasabihin ko na sakanya ang totoo, hindi ko alam kung tatanggapin niya ba o hindi.

Pero kung hindi man, hindi ko na siya hahabulin pa. Magpapakalayo-layo kami ng magiging anak ko at hindi na ako maghahabol pa sakanya.

Pagkadating ko sa bahay nadatnan ko si Liam na nasa labas at mukhang hinihintay ako.

Pinalis ko muna ang mga luha ko na kanina pang tumutulo sa kakaisip sa nangyari sa amin kanina ni Luigi. Syempre ang sakit kaya nun.

"Oh Liam? Bakit ka andito?" tanong ko sakanya. Hindi siya makita sa akin ng diretso.

"J-Jean may kailangan akong sabihin sa'yo." kumunot ang noo ko.

"Sorry. Kahapon kasi habang tulog ka dumaan dito si Luigi." nagulat ako sa sinabi niya. Pumunta si Luigi dito sa bahay? Ibig sabihin bago siya ma-aksidente dumaan siya dito? Eh bakit hindi man lang ako ginising ni Liam?

Bigla kong naalala yung sinabi ni Luigi sa akin kanina sa hospital.

"Talaga?! Bakit hindi mo tanungin dun sa Liam na yun? Nakalimutan mo kaagad ang ginawa niyo kagabi?"

"Tapos? Anong ginawa mo para ikagalit niya?" tanong ko sakanya. Habang kinu-kwento niya yung ginawa niya kagabi hindi ko na mapigil yung galit ko at nasampal ko siya.

"Liam sinira mo relasyon naming dalawa! At ngayon? Mawawalan na ng ama ang anak ko!" napahagulgol ako sa nalaman ko, hindi ko akalain na kaya niya palang gawin yun.

"Sorry Jean. Nagawa ko lang yun kasi mahal na mahal kita. Nagselos lang siguro ako kasi bakit hindi na lang ako? Bakit hindi na lang ako ang pinili mo!" napapikit ako sa sobrang inis sakanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya ngayon pero ang alam ko hindi ko na kaya.

Pinagsarahan ko siya ng pinto. Kumakatok siya at tinatawag ako pero pumunta na ako sa kwarto ko at napahagulgol na lang ako.

Sobrang naiiyak ako ngayon. Una, malabo na ang relasyon namin ni Luigi at pangalawa, sinira ng kaisa-isahang kaibigan ko na si Liam ang tiwala ko sakaniya.

Gulong-gulo na ang isip ko! Sa totoo lang parang sasabog na ako!

-**-**-

Maaga akong gumising ngayon at nagpuyat ako kagabi. Naglagay ako ng concealer sa may mata kong namamaga.

Pupunta ako ngayon sa resort. Kailangan malaman ni Luigi na dinadala ko ang anak niya. Hindi ko alam kung tatanggapin pa niya ako at paniniwalaan kaso sana kahit ang anak man lang namin ay kilalanin niya.

Sumakay na ako ng tricycle papuntang resort at pagkarating ko dumiretso kaagad ako sa office ni Luigi.

Kumatok muna ako saka pumasok. Nag-iba ang ayos ng opisina niya. Nagulat ako ng makita si Tito na nakaupo sa may swivel chair ni Luigi. Asan kaya si Luigi?

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now