Kabanata 30

917 21 1
                                    

Jean's POV

Natigil ako sa pag-ayos ng regalo ko kay Dad at sa anak ko dahil may kumatok. Dali-dali ko itong binuksan at tumambad sa akin ang pagmumukha ni Luigi.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakanya. Ngumisi siya.

"Diba sabi ni Dad kanina susunduin kita. Diba dun kayo magpapasko?" sabi niya. Hays napakaano talaga. Di ko siya pinapapasok pero pumasok na siya, pasalamat ka ikaw may-ari ng resort na ito.

"Teka lang ah, inaayos ko lang itong mga regalo." sabi ko sakanya. Bumalik na ako sa ginagawa ko. Nakita kong lumapit siya kay Luean. Ewan ko ba pero hindi ko magawang pigilan siya kasi para bang ang saya-saya niya na makalapit sa anak namin.

"Hi Baby Luean! Remember me?" tanong niya kay Luean.

"Opo. Ikaw po si Kuya Luigi." nag-iba yung awra ng mukha niya nang tawagin siya ng anak ko na kuya. Pero ngumiti lang rin naman siya kinalaunan.

"Ahh may ibibigay ako sa'yo. Merry Christmas!" may ibinigay siyang isang malaking kahon kay Luean. Tuwang-tuwa si Luean na makita yun.

"Tara po buksan na natin!" tinulungan ni Luigi si Luean na buksan ang regalo niya. Pagkabukas ng regalo, ayun nagningning na ang mata ng anak ko.

May malaking doll house at mga barbie saka luto-lutuan rin. Bigla niyang niyakap ni Luean si Luigi. Nagulat si Luigi sa ginawa ni Luean at napangiti na lang rin siya.

Napatingin siya sakin at nakita ko ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. Umiiyak ba siya?

Natuwa naman ako makita sila mag-ama.

"Nagustuhan mo ba?" tanong ni Luigi kay Luean.

"Opo!" sagot ng anak ko.

Tapos na ako sa pagbalot ng regalo at niyaya ko na si Luean na pumunta sa Lolo Dad niya. Sumakay na kami sa kotse ni Luigi.

"Jean?" hindi ko alam kung titingin ba ako nung tawagin niya ako o hindi.

"Hmm?"

"Salamat kasi pinapalapit mo na ako sa anak ko." sabi niya. Tanging pagngiti lang ang sagot ko sakanya. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para ipakilala ko si Luean sa Daddy niya. After all may karapatan rin naman si Luean na makilala ang Daddy niya.

Nakarating na kami sa bahay nina Luigi at sinalubong kami ni Dad, agad namang lumapit si Luean kay Lolo Dad niya.

"Apo nakikita mo ba yan? Lahat yan sa'yo." sabay turo ni Dad sa mga regalo na nasa christmas tree. Tuwang-tuwa si Dad kasi kumpleto kami ngayong pasko, dati kasi kami lang palagi ang magkakasama tuwing pasko.

"Lolo Dad may regalo rin kami sa'yo. Mommy! Akin na po." tumakbo papalapit sakin si Luean at ibinigay ko sakanya yung regalo namin kay Dad.

"Kuya Luigi meron din po kaming regalo sayo." bahagyang nagulat si Luigi sa sinabi ni Luean.

"Talaga?" tuwang-tuwa siya nung ibigay sakanya ni Luean ang regalo namin. Si Luean ang pumili nung relo na yun, si Dad lang talaga bibilhan namin kaso sabi ni Luean bigyan na rin namin ang Daddy niya.

Niyakap niya si Luean. Nakita ko naman na parang nairita si Amber sa ginawa ni Luigi. Ang alam ko matagal nang alam ni Amber ang tungkol sa anak namin ni Luigi pero bakit hindi niya sinabi man lang? Siguro nga mas pinili niyang wag sabihin para masolo niya si Luigi at hindi siya iwan. Pero kahit naman sabihin ko yun kay Luigi, siguradong hindi yun maniniwala. Mahal niya si Amber kaya mas paniniwalaan niya ito.

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now