Kabanata 11

972 22 0
                                    

Jean's POV

Gumising ako ng masakit ang ulo. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at andito pala ako nakatulog sa office ni Sir. Pero paano ako nakarating dito? Huwag niyong sabihin na binuhat ako ni Sir? Shems nakakahiya, ang bigat ko pa naman.

Lumabas ako at nakita ko si Sir na parang pumipirma sa mga papeles na nakalagay sa table niya. Napansin niya sigurong gising na ako at napabaling ang tingin niya sa akin.

"Gising ka na pala. Masakit ba ulo mo?" tanong niya. Paano niya nalaman?

"Medyo sir."

"Paano ba naman hindi sasakit e naka-pitong can ka ng beer. Hindi ka pa sanay niyan uminom ah." shems pito? As in seven? Gosh may hangover ka pa ata Jean ini-english mo lang yun.

"May sabaw na ginawa diyan si Ms. Aquino pang-alis daw yan ng hangover." kinuha ko kaagad yun at pumunta sa harap ni Sir at umupo habang hinihigop yung mainit pang sabaw.

"So sir, lasing ako kahapon diba? Wala ba akong ginawang you know kababalaghan?" shems sana naman wala, nakakahiya kay Sir. Omygod nag-smirked si Sir so meron nga?! Kinabahan tuloy ako bigla, kalabugan yung puso ko.

"Wala naman." hays buti naman. Makakahinga na ako ng maayos.

"Hinalikan mo lang ako." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sir. Ano sinabi niya h-hinalikan ko siya? Biglang sumakit ang ulo ko kaya napapikit ako at may naalala ako.

Napatayo ako nung maramdaman ko parang nasa balikat ako ng iba. Pagkamulat ko nakita ko si Sir Luigi, sakanyang balikat pala yun.

Nginitian ko siya, ang gwapo mo talaga sir. Kung hindi lang kita boss pwede na sana tayo e. Pero dahil panaginip lang ito pwede kong gawin ang lahat ng gusto kong gawin.

Unti-unti kong inilapat ang labi ko sa mga labi niya habang nakapikit at dinamdamdam yung labi ni Sir na malambot.

SHEMS HINDI PALA PANAGINIP YUN?! AHHH LUPA LAMUNIN MO NA AKO NGAYON NA! NAKAKAHIYA!

Agad akong lumabas sa opisina ni Sir at narinig ko pa siyang tumawa dahil sa naging reaksyon ko. Nung nasa labas na ako, hinawakan ko ang labi ko. Shems nahalikan ko kagabi si Sir, ako pa talaga ang humalik sakanya? Ang samang tingnan shems.

Napangiti ako, he's my first kiss. Teka nga, ano bang iniisip mo, Jean?! Ano na? Paano ka na haharap kay Sir nito? Nakakahiya ka!

Pero parang wala naman yun kay Sir e. Alam kong sa Manila, madami na siyang nahalikan. Tama, wala lang sakanya yun.

Babalik na sana ako sa opisina ni Sir pero shems hindi ko pala kaya. Nakakahiya talaga!

Luigi's POV

Natatawa ako sa naging reaksyon ni Jean. Gulat na gulat siya nung malaman niya na hinalikan niya ako kagabi.

Yeah, she was drunk that night when she kissed me pero for me nakakakilig na isipin na yung babaeng gusto mo ang nakakuha ng first kiss mo.

Asan na kaya yun si Jean? Pero btw sana hindi niya narinig yung mga pinagsasabi ko kagabi pero if narinig niya okay lang rin naman kasi dapat na malaman na talaga niya ang nararamdaman ko para sakanya.

Hindi ko na kasi talaga kayang pigilan ang nararamdaman ko para sakanya.

Narinig kong may kumatok at pagbukas nito nakita ko si Jean at umiiwas siya ng tingin sa akin.

"S-Sir andito na po pala si Liam." Di pa rin siya makatingin sa mga mata ko. Napapangiti na lang ako sa pag-iwas niya hahaha.

Alam mo Jean wag kang mahiya, wala lang yung halik na yun hahaha!

My Favorite Mistake (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon