Kabanata 27

799 17 0
                                    

After 7 years...

Luigi's POV

Magpapasko na sa Pinas. Gusto kong makasama si Dad ngayon kasi alam kong ilang taon din hindi niya ako nakasama tuwing pasko, alam kong matutuwa yun kapag nagkita kami.

Pinilit ko nga lang si Amber na dun magpasko kasi sabi niya si Dad na lang daw ang papuntahin ko dito kaso alam niyo naman yun si Dad masyadong hands on yun sa resort kaya hindi ko yun mapapapunta dito.

"Babe let's go na. Male-late na tayo sa flight natin." sabi ni Amber. Nga pala, fiancé ko na si Amber. We've been together for almost 7 years kaya I decided na mag-propose na sakanya.

Kagaya nga ng sabi niya kailangan naming magmadali kasi baka ma-late kami sa flight namin at dahil malapit lang naman dito sa Birminghan yung airport ay nakarating na rin naman kaagad kami.

Medyo kinakabahan ako at natutuwa kasi makakabalik na ulit ako sa Pilipinas at makikita ko na si Dad. Pero kinakabahan ako kasi makikita ko ulit si Jean. Dun pa kaya siya nagtatrabaho sa resort? Seven years na ang nakalipas pero naaalala ko pa rin siya. Pero dahil may fiancé na ako kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Ilang oras lang boarding time na namin, I hold the hand of my fiancé. Minsan kahit mataray siya, mahal ko pa rin siya. Palagi siyang nasa tabi ko tuwing may problema ako kaya hindi ko na siya pinakawalan pa.

"Babe ah baka kapag nasa Pilipinas na tayo ipagpalit mo na ako?" sabi niya sakin nung nag-take off na ang eroplano.

"Huh? What do you mean?" tanong ko kay Amber na ngayon ay natahimik.

"You know...Jean?" nginitian ko siya at hinalikan sa noo.

"Wala na yun, matagal na kaming wala. Wala ka ng dapat na ipagalala pa." sagot ko sakanya. Napangiti naman siya sa sinabi ko at napasandal siya sa balikat ko.

-**-**-

Halos andaming stop over ngayon ah. Medyo matagal kaming nakarating sa Pilipinas pero ngayon andito na kami.

5 hours pa ang byahe papuntang Batangas. Nagpasundo ako sa college friend ko dito sa Manila tutal gusto rin daw niya makita yung resort namin sa Batangas.

"Pre!" sinalubong kami ni Zamiel pagkalabas namin sa Terminal ng airport.

Agad namin siya nilapitan.

"Pre ito nga pala yung fiancé ko." pakilala ko sakanya kay Amber. Nakipagkamay sakanya si Zamiel.

"Yah. I know her diba siya si Jean? Yung na-kwento mo sakin dati?" natahimik kaming dalawa ni Amber.

"Ah pre no iba yun. Siya si Amber." sabi ko sakanya. Nakita ko ang iritadong mukha ni Amber.

Sumakay na kami sa kotse ni Zamiel at dumaan muna kami sa isang resto dahil gutom na si Amber pagkatapos nun diretso na kami nag-byahe papuntang Batangas.

-**-**-

After 5 hours ng byahe galing Manila andito na din kami sa Batangas. Nakakamiss ang Batangas! Andami kong memories dito.

"Wow! Ito ba yung resort niyo? Wow pre! One day dadalhin ko dito family ko since alam ko na kung paano pumunta dito." sabi ni Zamiel pagkarating na pagkarating pa lang namin sa resort.

Pumunta ako sa may lobby at gulat na gulat ang lahat ng staffs na makita ako. Hindi ko kasi talaga sinabi na uuwi ako.

"Hijo?" nilingon ko kung sino tumawag sakin at nakita ko si Ms. Aquino na gulat na gulat na makita ako.

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now