Kabanata 19

798 17 1
                                    

[Play the song A Little Braver By: New Empire while reading this chapter.]

Jean's POV

Ewan ko ba bigla akong kinabahan paggising ko kaya agad ako naligo at nagmadaling pumunta sa resort.

Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Luigi na nakasandal habang nakaupo sa may pader at duguan ang kamay niya. Agad ako tumakbo papalapit sakanya.

"L-Love, anong nangyari sayo?" shems umiiyak ba siya? He looks devastated. Ano kayang nangyari?

Napansin ko yung picture frame na basag-basag. Agad ako kumuha ng walis at dust pan para maalis yung mga bubog at sa paglilinis ko nun nakita ko ang picture niya nung bata pa siya at ang kanyang Mommy.

Kumuha na rin ako ng alcohol at bandage sa first aid kit niya dito sa loob ng opisina at lumapit ako sakanya sabay kuha ng kamay niyang natuyo na yung dugo. So it means, kanina pa itong sugat niyo o kagabi pa? Teka nga lang, hindi ba siya natulog?

Habang nililinis ko ang sugat niya, nakatulala pa rin siya at para siyang wala sa sarili. Ano ba talagang nangyari?

Pagkatapos ko linisin ang mga sugat niya, lumapit ulit ako sakanya at hinawakan ang mukha niya.

"Love, tell me anong nangyari?" napaiyak siya bago magsalita.

"S-Si M-Mom, w-wala na. W-Wala na si Mommy!" napahagulgol siya at hindi na matago ang nararamdaman niya. Napayakap ako sakanya at pinapagaan ang loob niya.

Napakahirap para kay Luigi ito. Alam ko yun kasi nawalan na rin ako ng magulang. Sobrang sakit nun, feeling mo kulang na ang buhay mo kapag nawalan ka ng mahal mo sa buhay.

Hinayaan ko lang ibuhos lahat ng sakit ng nararamdaman niya. Hinayaan ko siyang maiyak habang yakap-yakap ako. Yun lang ang kaya kong gawin sa ngayon para mapagaan ang loob niya.

Inalalayan ko siya papasok sa kwarto niya dito sa opisina.

"Love saglit babalik ako." lumabas muna ako saglit at pumunta sa resto. Dumiretso ako sa kusina at hinanap si Chef Rosales.

"Chef!" tawag ko sakanya. Lumapit siya sakin at tinanong kung ano ang kailangan ko.

"Chef, may lugaw po ba kayo diyan?" tanong ko. Alam kong gusto ni Luigi ang lugaw kaya gusto ko siya mapasaya.

"Para kay Sir Luigi hija? Buti na lang nagluto ako kasi nga may nag-request din na isang customer." binigyan ako ni Chef Rosales ng isang mangkok na lugaw na medyo mainit pa.

Bumalik ako sa opisina at pumasok sa loob ng kwarto ni Luigi, nakatulala pa din siya hanggang ngayon. Hindi ako sanay na makita si Luigi na malungkot kasi palagi ko siyang nakikitang masaya.

"Luigi may dala ako ditong lugaw." tiningnan niya ang dala kong lugaw. Umupo ako sa tabi niya at sinubuan siya ng lugaw pero umayaw siya.

"Ayokong kumain." sabi niya. Hindi pwede, ang putla-putla na niya oh! Parang simula kagabi pa siya hindi kumakain.

"Love sige na oh, kumain ka na. Ayaw makita ng Mommy mo na nagkakaganito ka." susubuan ko na sana siya kaso bigla niyang dinanggil yung mangkok at nahulog iyon sa sahig. Nagulat ako sa ginawa niya.

"AYAW KO SABING KUMAIN!" bulyaw niya. Natulala ako sa ginawa niya. Umalis muna ako sa harap niya para kumuha ng basahan sa kusina.

Naiintindihan ko siya, siguro kailangan ko muna siyang bigyan ng space para makapag-isip isip.

Luigi's POV

Hindi ko pa rin maitatak sa isip ko na wala na si Mom parang kahapon lang kausap ko pa siya. Parang kahapon lang ipinakilala ko sakanya si Jean.

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now