Kabanata 20

827 18 0
                                    

[Play the song 'Di Ba Halata By: Agsunta while reading this chapter.]

Jean's POV

Andito kami ni Ms. Aquino sa may upuan. Andito lang kami nakatanaw kay Luigi na hindi kayang iwanan ang kanyang Mommy. Naaawa ako sakanya, sobra.

Bigla siyang nilapitan ng Daddy niya at patungo na siya sa amin ngayon.

"Hija, you're Jean right?" tumango ako at tumayo para makipagkamay sa Daddy niya.

"So how's your flight?" tanong ni Tito. Nahihiya talaga ako kaya hindi ako makatingin sa mata ni Tito habang kinakausap niya ako.

"O-Okay naman po Tito." sagot ko. After nun, nginitian lang ako ni Tita at lumapit siya kay Ms. Aquino para kamustahin din.

Umupo na si Luigi at umupo na rin ako sa tabi niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakausap, ibang-ibang Luigi talaga ang nakikita ko ngayon. Malayong-malayo siya sa totoong Luigi na masayahin at madaldal.

Palagi siyang nakatulala tapos hindi siya nagsasalita. Siguro masyado niya talagang miss na Mommy niya.

"Hi Tito Fred!" napalingon ako sa babaeng bumeso kay Tito. I admit it, ang ganda ng babae. Mas maputi at matangkad sakin. Sexy din siya.

"Oh hija, where's your Mom?" tanong ni Tito sakanya. Siguro family friend siya nina Luigi.

"Ayun na nga Tito gusto niyang iparating sainyo na hindi siya makakapunta kasi nasa New York siya for our business there pero sobrang nalungkot po siya nung she heard the news about Tita." sabi niya kay Tito. Napabaling ang tingin ng babae kay Luigi.

"Luigi is that you?" nakita kong ngumiti si Luigi sakanya. Biglang lumapit yung babae kay Luigi sabay yakap dito. Nagulat ako sa ginawa nung babae. So close sila?

"Uhm who is she?" bigla akong tinuro nung babae, siguro napapansin niya na kanina pa ako nakatingin sakanya.

"She's my girlfriend." sabi ni Luigi sakanya. Napatigil siya ng sandali at tiningnan ako mula taas hanggang baba sabay ngiti sakin.

Inilahad niya ang kamay niya sakin.

"Hello, I'm Amber Alhambra. Hope we can be friends because you know kaibigan ko din si Luigi and sana ikaw din." kinamayan ko siya at nginitian siya.

Bumalik ulit siya sa tabi ni Tito at bumalik ulit kami sa sitwasyon namin kanina.

-**-**-

"Love? Ayaw mo ba kumain? Magkakasakit ka niyan eh." sabi ko kay Luigi.

"Mamaya na Love." sagot niya. Lumabas muna ako at nagpahangin. Sobrang lamig talaga dito sa US dapat pala doble yung suot ko dito.

Napayakap ako sa darili ko dahil sa sobrang lamig nang may naramdaman akong may naglagay ng coat sa akin. Nilingon ko kung sino ito at si Luigi lang pala.

"Oh bakit andito ka?" hindi siya sumagot at naguat na lang ako nung niyakap niya ako.

"I'm sorry Love." bulong niya.

"Huwag kang mag-sorry. Naiintindihan kita, pinagdaanan ko rin yan. Just be strong okay? Huwag na huwag kang susuko. Life must go on." sabi ko sakanya. Palagi lang akong nasa tabi niya, hinding-hindi ko siya iiwan.

"Love?"

"Hmm?"

"Thank you for staying at my side when I needed you the most." hinalikan niya ako sa noo at napangiti ako sa ginawa niya. As her girlfriend, it's my responsibility. Lahat ng problema niya, problema ko na din. If he's sad then malungkot na din ako. If he's happy, I will be happy too.

My Favorite Mistake (Completed)Where stories live. Discover now