Kabanata 35

1K 18 0
                                    

[Play the song Stick with You By: Kaye Cal while reading this chapter]

Luigi's POV

I called Zamiel kasi yung girlfriend niya is a party planner and um-agree naman kaagad siya dahil gusto daw niya ulit pumunta sa resort.

Hapon na nung makarating si Zamiel with her girlfriend.

"Jean this is my college friend Zamiel and his girlfriend, Hannah." nakipagkamay si Jean sa kanilang dalawa.

"So si Hannah ang sinasabi kong makakatulong sa atin 'cause she's a party planner." hinayaan muna namin mag-usap si Jean at Hannah. Si Jean kasi ang mas nakakaalam sa kung ano ang gusto ni Luean. Lumabas muna kami ni Zamiel.

"Pre bakit pa ba tayo dun umalis, mamaya sasabihin na naman nun ni Hannah na nambabae na naman ako dito." sabi ni Zamiel at nung biglang may dumaan sa harapan naming babae agad siya napangiti. Buti na lang hindi ako nahawa dito sa lalaking ito hays.

"Hayaan muna natin sila magplano dun. Kasi tayong dalawa may plano din." biglang ngumisi si Zamiel, ano na naman kayang iniisip nito?

"Hmm pre mamaya ba madaming babae na pupunta sa isang kwarto na inihanda mo para sa ating dalawa?" sinamaan ko siya ng tingin. Kung ano-ano talaga ang tumatakbo sa isip nito kaya palagi silang naga-away ni Hannah eh. Pero bilib din ako sakanila ah, kahit palagi silang naga-away hanggang ngayon sila pa rin.

"Loko! Hindi uy, huwag mo akong itulad sa'yo. Ito kasi, tulungan mo ako magplano para sa gagawin kong wedding proposal kay Jean." nanlaki ang mata ni Zamiel sa sinabi ko.

"Pre totoo ba yan? Magpo-propose ka na kay Jean? Pre, o sige support ako diyan!" nagplano na kami ni Zamiel, bukas na bukas ay magpo-propose na ako kay Jean sa harap ng pamilya namin at sa mismong birthday ng anak ko.

Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung tatanggapin ba ni Jean yung alok ko na magpakasal na kami. Pero sana, sana talaga bigyan niya ako ng pagkakataon na iparamdam ko sakanya na totoo na minamahal ko talaga siya.

-**-**-

"Ang bait nina Hannah ano? Sobrang kampante ako habang kausap siya kanina kasi talagang pinapakinggan niya yung mga ideas na gusto ko." Sabi sakin ni Jean. Andito kami ngayon sa harap ng bahay nila, pauwi na rin ako kasi napatulog ko na si Luean.

"Matagal na ba sila ni Zamiel?" tanong niya sa akin. Napatango ako.

"Since college sila na. Naalala ko dati nung nililigawan ni Zam si Hannah pumupunta kami araw-araw sa classroom nila para maiabot ni Zam yung mga regalo niya." sabi ko sakanya, napangiti siya bigla.

"Ang tagal na pala nila ano, nga pala bukas ah. King ang costume mo kasi ako Queen then si Luean ang princess. Mahilig kasi siya sa mga fairytales ko ayun yung naisip kong theme ng birthday party niya." tumango ako at napangiti sakanya. Bigla siyang natawa.

"Oh bakit antahimik mo ata, pangiti-ngiti ka lang. Tapos titig na titig ka naman sakin masyado hahaha!" sabi niya.

"Because I am amazed when I look at you, given na yung dahil maganda ka pero ang isa pang rason ay everything I've ever wanted is here infront of me. Naisip ko lang na sobrang swerte ko talaga to have you in my life." nakita ko namula ang pisngi niya. She's so cute tuwing namumula ang pisngi niya ng dahil sa akin.

"My love?"

"Hmm?"

"Hindi lang pala kita love 'cause you're my life or should I say you're my everything." hinampas niya ako sa braso.

My Favorite Mistake (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora