Kabanata 10

931 19 4
                                    

Jean's POV

Pumunta na ako sa unahan at para bang natatameme ako dahil kitang-kita ko yung mga kamag-anak ko na masama ang tingin sakin. Nalaman ko din na nanghihina yung Lola ko dahil sa nabalitaan niya. Hindi ko lang ma-take na lahat ng mga kamag-anak ko nagagalit sa akin tapos yung Lola ko nadamay pa.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Sir Luigi. Nag-thumbs up siya sa akin sabay ngiti. Medyo nawala yung kaba ko nung makita ko sila ni Ms. Aquino na andyan para sakin.

Nagsimula na akong magsalita.

"S-Simula po nung mamatay ang mga magulang ko, andyan siya para kahit papaano may mag-alaga sakin. Nagpapasalamat ako sainyo, lahat ng utos niyo sinusunod ko. Pero hindi ko lang alam kung bakit niyo ako sinasaktan, binubugbog. Nung una naiintindihan ko kayo kasi nga baka naman dahil iniwan kayo ng asawa ko tapos namatay pa anak niyo kaya stress lang kayo pero bakit po umabot sa punto na muntik niyo na akong pagsamantalahan?" Natigil ako sa pagsasalita dahil biglang sumigaw si Tita.

"SINUNGALING KANG BATA KA! HINDI YAN MAGAGAWA NG TITO MO!" napaiyak na lang ako kasi bakit ba hindi sila naniniwala sakin. Alam ko naman na parang ang sama magpakulong ng sarili mong kamag-anak pero kailangan kasi buhay ko yung naapektuhan dito.

"Order in the court!" nagkakagulo na ang lahat. Lahat galit na galit sakin. Tumingin ako kay Sir Luigi. Ngayon humuhugot ako ng confidence kay Sir para masabi ko ang lahat ng walang paga-alinlangan.

"Sorry po." tumayo na ako at pumunta sa tabi ni Sir Luigi.

"Okay lang yan atleast nailabas mo ang lahat ng gusto mong sabihin na makakapagpaluwag sa loob mo." sabi ni Sir sakin.

Ngayon hahatulan na kung makukulong ba o hindi si Tito. Napapikit ako dahil hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa hatol na sasabihin ng judge.

"Ang taong nasasakdal ay pinapatawang ng pitong taong pagkakakulong sa kasong Attempted Rape." niyakap ako ni Sir. Totoo ba ito? Napanalo namin ang kaso? Napayakap na din ako ng mahipit kay Sir.

"We won!" hinarap namin yung family attorney nina Sir.

"Thank you talaga Atty. Utang ko ang buhay ko sainyo." kinamayan ko siya at pati si Sir Luigi kinamayan siya.

"Sir thank you po talaga. Siguro kung hindi ko kayo nakilala kung saan-saan na siguro ako pupulutin at hindi ko maipapanalo ang case na ito. Thank you talaga sir." niyakap ko ulit siya. Tuwang-tuwa lang ako kasi hindi ko talaga akalain na mananalo kami sa case na ito. Paglabas namin nakita ko yung mga kamag-anak ko.

"Jean, ano masaya ka na? Nakulong na ang Tito mo?" inawat siya nung isa kong Tito.

"Sylvia! Nagkamali ang kapatid natin kaya dapat niya pagbayaran yun." hindi ko naman talaga ginusto na makulong si Tito Antonio.

"Ewan ko sainyo! Bahala na kayo diyan!" nag-walk out si Tita Sylvia at naiwan na lang si Tito Alfred.

"Pagpasensiyahan mo na yung Tita mo ah. Kumusta ka na pala ngayon? Saan ka na nakatira?" kamukhang-kamukha ni Tito si Papa. Namiss ko tuloy bigla si Papa.

"Nagbo-board na po ako. At saka okay lang po ako." sabi ko.

"Ayaw mo bang tumuloy sa bahay ng Lola mo? At saka sino nga pala ang mga kasama mo ngayon?" tanong ni Tito.

"Siguro huwag na po kasi ayaw ko pong magkagulo ulit kapag dun pa ako tumira pero salamat po sa pag-alok. Nga pala ito nga po pala si Sir Luigi, siya po yung may-ari ng Claveria's Resort and Resto kung saan ako nagtatrabaho ngayon at ito po si Ms. Aquino, sa resort din po siya nagtatrabaho." nakipagkamay si Tito kay Sir at kay Ms. Aquino.

"Oh siya hija mauuna na ako basta kapag may kailangan ka wag kang mahiyang magsabi samin ah. Pamilya pa rin tayo, yan lagi mong tandaan." tumango ako at niyakap ako ni Tito. Buti naman kahit papaano may mabait pa rin sakin sa pamilya namin. Nagpaalam na nga si Tito at sumakay na kami sa kotse para bumalik ulit sa resort.

Parang ang saya lang sa feeling kasi kahit papaano hindi na ako naga-alala ngayon para akong nabunutan ng tinik.

Luigi's POV

Andito na kami sa resort at dumiretso kaagad kami ni Jean sa restaurant kasi magce-celebrate kami sa pagkapanalo niya sa kaso.

Buti naman nakita ko ulit tumawa si Jean, dun ako unang nainlove sakanya.

Si Ms. Aquino na daw ang bahala sa mga guest at buti wala naman akong masyadong trabaho ngayon bukas ko na lang pipirmahan yung mga financial statement ng maintenance ng resort.

"Umiinom ka ba?" tanong ko kay Jean.

"Nakainom na ako dati nung 4th year highschool ako pero isang baso lang yun and I hate the taste sir. Ikaw ba sir?" tanong niya. Naku kung alam lang niya tuwing Sabado nasa bar ako, I was influenced by my friends in Manila.

"Yup umiinom ako so since parehas naman tayong umiinom ay kukuha na din ako ng beer at pulutan natin then tara mag-bonfire sa tabing-dagat?" tumango siya at dumiretso ako sa kusina ng resort para kumuha ng pampulutan at kumuha ako ng sampung can ng beer. I think hindi naman sapat naman na ito baka kasi hindi namin ito maubos.

Andami ngayong guest ang nasa may dagat kasi they want to see the sunrise. Medyo madaming tao dito kaya pumunta kami sa may padulo para tahimik. 

Nag-collect ako ng mga kahoy at sinindihan para sa bonfire namin. Then umupo na kami at pinagmasdan yung orange na kalangitan.

"Jean?" tawag ko sakanya habang binubuksan yung can ng beer.

"Yes sir?" tanong nito.

"Pwede tayong mag-selfie?" teka nga bakit ko nasabi yun.

"Kala ko pa naman kung ano, sige sir." nilabas ko yung phone ko at nag-selfie kami na may background ng kahel na kalangitan at yung Taal Volcano.

"Sir nakapunta na ba kayo diyan sa Islang yan na malapit sa Taal?" actually last kong punta sa Pulo, bata pa ako.

"Sa pulo? Oo nakapunta na ako diyan pero nung bata pa ako." biglang nagbago ang expression ng mukha ni Jean para bang iiyak siya.

"Ako naman, pupunta na sana kami diyan kaso diyan namatay sina Mama at Papa. Papunta na sana kami sa Pulo nang lumubog ang bangkang sinasakyan namin, tinanong ko nga sa sarili ko bakit pa ako ang nabuhay? Bakit hindi na lang ako sumama sakanilang malunod?" yun pala ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya.

"If nalunod ka e di sana hindi kita makikilala, it's a miracle. You're a miracle." napangiti naman siya sa sinabi ko. Yup she's a miracle and also a beautiful angel.

"At saka don't be sad. Sige, malulungkot ang mga magulang mo kapag nakikita kang malungkot. And andito tayo para magcelebrate right? Hindi magdrama." natawa naman siya sa sinabi ko. Uminom na kami ng beer at nasilayan naman ang unti-unting paglubog ng araw at napaltan ng buwan.

Nagulat na lang ako ng maubos ni Jean ang pitong beer. Tapos ako naka-tatlo lang, e ako ang mas sanay na uminom sakanya. Kakaiba talaga ang babaeng ito, kaya minahal kita e.

Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko, sana ganito na lang kami palagi. Sana palagi siyang nasa tabi ko.

"You know you're like a moon kasi andito lang ako pagmamasdan ka at mamahalin kahit ang layo-layo mo at mahirap kang abutin. I like you Jean, I really like you kaso natatakot ako na sabihin kasi feeling ko you're not yet ready na pumasok sa isang relationship." biglang gumalaw ang ulo ni Jean at napaupo siya sabay kusot ng mata niya. Sh*t narinig ba niya yung mga pinagsasabi ko?

Dahan-dahang lumapit siya sakin at bigla na lang dumampi ang labi niya sa labi ko habang nakapikit siya. Gulat na gulat ako sa ginawa niya, pagkatapos nung umidlip ulit siya at sumandal sa balikat ko.

Totoo lang ba ito o panaginip lang? Jean kissed me. Hinawakan ko ang dibdib ko at ang lakas ng tibok nito. Nakakahiya mang aminin but Jean is my first kiss.

♥♥♥

My Favorite Mistake (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora